chap. 38 "Truth"

79 2 0
                                    

Sabrina's POV

"What?! I can't believe he'll done something like that!"---Kim

"Tama, wala sa mukha niya ang gagawa ng ganon."----Abby

Hindi na ako sumagot... nanatili lang akong nakatulala sa bintanang nasa harap ko. Dahil tapos na ang final exam ay pinagpasyahan ng school namin na walang pasok till friday. Kaya ngayon ay andito silang dalawa para icomfort ako, pagkatapos kong ikwento sakanila lahat.

Nakaupo ako ngayon sa study table kong walang kagamit gamit dahil hindi ko naman madalas gamitin. Hindi ko alam kung paano pa magpatuloy sa araw araw kong ginagawa. Nasanay na akong kasama siya doon e. Araw araw ba namang lagi ko siyang kasama, minemessage niya ako ng mga good morning sweet messages, aayaain niya akong gumala, lagi niya akong nirereview dito sa bahay. Kung hindi dito sa bahay ay sa kanila kami.

Paano pa ako mag aadjust kung nung kami pa, nakapag adjust na ako para maging better tulad ng gusto niya?

Konting mali ko lang bitaw agad?

Ako nga dapat ang makipagkalas dahil siya ang parang pinag laruan ako.

"My gosh Sab! You're so desperate! Abby look!"

Sinulyapan ko silang dalawa na parehas na nakasulyap sa phone ko. Malamang ay binabasa nila ngayon ang walang tigil na message ko kay Keith. Mga pagmamakaawa na mag usap kami, na magkabalikan kami. Pero hanggang ngayon wala parin akong natatanggap ni isang reply mula sakaniya.

Bakit parang kasalanan ko yung nangyari saamin?

"Sab, you don't deserve him." inis na sabi ni Kim.

"Nanggigigil ako..." Abby hissed.

"Gusto ko siyang makausap..." wala sa sariling sabi ko. Kita ang pagka di gusto nila dahil sa sinabi ko.

"Para saan pa?" Angil ni Kim.

"Gusto ko malaman lahat..."

"Anong malaman lahat----huy Sabrina!"

Wala na silang nagawa nang tuluyan na akong lumabas ng kwarto. Gusto ko malaman lahat lahat. Yung tungkol sa picture na yun, yung pakikipagkalas niya saakin ng biglaan. Lahat lahat!!

Baka pwede pa... Baka pwede pa kami....

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak pagkasakay ko ng taxi. Kita ko ang paghabol nila Kim at Abby saakin pero naisara ko na ng tuluyan ang pinto nito at di sila hinayaang makapasok.

"Manong tara na po." utos ko sa driver saka sinabi ang address ng bahay nila Keith.

Wala na akong pakielam kung nandun sina tita Cath at ayaw niya akong kausapin. Ipipilit ko! Karapatan kong maghanap ng sagot.

Wala pang tatlumpung minuto ay nakarating na ako sa destinasyon ko. Pagkababa ko ng taxi ay agad akong nagtungo sa harapan ng kanilang gate. Bumungad saakin ang nakakakilala saaking maid nila na siyang nagbukas ng maid.

"Ma'am Sabrina?"

"Manang, nasan si Keith? Nandiyan po ba si Keith? Gusto ko po siyang makausap----"

"Ma'am. Ano po kasi.... ah si sir nasa loob kasa----"

"Thank you manang!" hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin at agad kong tinungo ang luwaan ng pintuan ng kanilang bahay.

Alam kong trespassing ako sa ginagawa ko pero alam kong kapag nalaman ni Keith na gusto ko siyang makausap ay hindi yun lalabas.

Gulong gulo na ako. Gusto ko malaman lahat mula sakaniya. I don't know what to do anymore. Feeling ko mababaliw ako kakaisip. Gusto ko siya saktan, magwala, sabihan ng masasakit na salita dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

My Lovely DelinquentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon