"Oh magkwento ka na babaita!" pambungad saakin ni Abby pagkatapos nila akong mailayo kay Nerd.
Napalibot ang tingin ko sa kung nasaan na kami ngayon. Nasa field kami kung saan malayang nakikita ang soccer field at hindi ko alam kung bakit dito pa nila ako dinala gayung pwede naman kami kumain sa cafeteria. Dala-dala namin ang mga pagkain naming binili sa cafeteria at dito ngayon kumakain. Pambihira.
"Kumain muna tayo pwede?" I frowned and pouted as I ate some chips. "At bakit ba tayo andito sa field?"
Abby rolled her eyes. "Eh kasi po, maingay sa cafeteria at maraming tsismosa doon. They'll just eavesdrop." she shrugged.
"At ikuwento mo na saamin kung paano at kailan pa naging kayo." Kim added. "You can eat while talking, anyway. Gawain mo kaya yun."
I gawked at her. Langyang Kim na 'to. Kung hindi ko lang nakita ang pagka-inosente niya habang sinasabi yun ay baka nabatukan ko na siya. Hindi ko kaya gawain yun.
I hissed and sighed as I composing sentences on my mind. Silang dalawa naman ay matamang hinihintay ang pagkukwento ko.
"Naging kami kahapon." panimula ko at nagkatinginan silang dalawa.
"Kahapon lang?" kunot noong sambit ni Abby na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Tumango lang ako at nagpatuloy. "...Nung time na ineexcuse niya kaming dalawa para magreview. We kissed then-"
"Oh my god! Nag kiss kayo ulit?" kuryos na tanong ni Kim.
Napanguso ako at napatango-tango. I even felt my cheeks blushed. Kung normal na pagkukwento ko lang ito ay baka simangutan ko na sila dahil pinuputol nila ang sinasabi ko pero dahil naiintindihan ko ang reaksiyon nila ay hinahayaan ko na.
"Actually, hindi lang simpleng kiss kasi-"
"Shit! Don't tell me ginawa niyo na?!" Abby gasped that made my brow creased.
"You already do it?"
"What? Ginawa ang alin?" I am already frowning. Ano bang pinagsasabi ng dalawang ito? Anong ginawa ang sinasabi nila? Yung kiss? Eh nakita na nga nila kami noon edi malamang alam nilang ginawa na namin iyon! "Mga gaga, patapusin niyo muna nga ako! I mean, torridly yung naging kiss namin that time. Ngayon ko lang kaya nagawa yun." nakanguso kong sabi.
Napahawak sa dibdib si Kim at napahinga ng malalim, si Abby naman ay lumiwanag ang mukha na parang nasatisfy siya sa sinabi ko. Ang weird naman ng mga 'to.
"Yun lang pala, ge continue." ani Abby.
Kumubit balikat ako. "Tapos tinanong niya ako kung pwede ba niya akong maging girlfriend. Sabi ko oo. Magpapakipot pa ba ako?"
Napatango-tango silang dalawa. Mula sa pagkakayakap ni Abby sa kaniyang dalawang binti ay nag indian sit siya at kumunot noo.
"Parang ang bilis. Don't you think?" aniya.
"Ha? Paanong mabilis?" tanong ko. Kahit na maski ako nabibilisan din.
"Hmmm, I think so, too." Singit ni Kim. "Pero syempre masaya parin ako para sa 'yo, Sab! God, I can't believe ikaw pa ang naunang nagkalovelife saamin ni Abby!" She pouted.
I snorted. Hindi ko rin naman kasi balak ang lumandi eh, kasalanan lang talaga ng Nerd na yan. Inakit niya ako.
"Fine, we'll support you, nalang kahit pa medyo nabibilisan talaga ako sa pangyayari." ani Abby. "Sana lang talaga hindi ka saktan ng Keith na yun at babangasan namin yun."
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...