"I think I'm really in love with him."
Napasinghap ang dalawa kong best friend nang wala sa sariling sinabi ko iyon. Andito kami ngayon sa bahay nila Abby dahil sa walang pasok ngayon.
Hindi ko alam. Pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Mahal ko na ata si Nerd, si Nerd na walang alam kung hindi ang mag aral at landiin ako. Tssss.
Siya ba talaga ang nanlalandi o ako? Feeling ko ako e.
"Is that... true?" Di makapaniwalang sambit ni Kim.
Tumango lang ako ng wala sa sarili habang nakatulala.
"Oh my, kailangan ko na bang ma-shock? Kasi noon pa alam kong mag kakainlove-an tong dalawa e." Abby grins.
Napakibit balikat nalang ako sakanila. Di ko pa kinukwento sakanila yung scene na nangyari saamin kahapon at feeling ko di ko nalang kailangan ikwento yun.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon kahapon, di ko alam kung kami na or what. Basta magkasabay kaming pumasok sa room na parang walang nangyari habang si Sandy ay masama parin ang tingin saakin. Feeling ko siya na ang susunod na makaka away ko pagkatapos ni Katrina.
****
"Babe nakapaglunch ka na?"
Napasulyap ako kay Nerd na nakangising sinabi iyon. Uminit ang pisngi ko sa itinawag niya saakin kaya umiwas ako ng tingin pagkatapos ko siyang inirapan. Nilalandi nanaman ako. Tsss.
He chuckled boyishly. "Sungit ng delinquent na 'to."
"Obvious na nga kasing di pa ako nakapaglunch tatanungin mo pa." Kako habang isinasampa ang paa ko sa lamesa.
He hissed and shooked his head because of what I did. "Will you put that down?"
"Ayoko nga!"
"Tssss. Ibababa mo o bubuhatin nalang kita palabas?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya napababa ako ng paa ko. Ngumisi siya dahil doon. Di ko maimagine yung mukha ko habang binubuhat niya ako palabas ng room. Malamang pagtitinginan kami tssss.
"Good. Tara na." Aniya at naglakad na palabas.
Inirapan ko siya as I gritted my teeth, kahit na alam kong hindi niya iyon nakita dahil sa nakatalikod siya. Wala na akong magagawa kung hindi ang sundan nalang siya.
"Nerd!"
Nanlaki ang mata ko habang humahakbang siya sa ibang direksiyon, diba dapat sa cafeteria ang tungo niya? Eh bakit palabas ng building?
"Hoy Nerd!"
Pokerface niya ako nilingunan habang nakapamulsa. "Oh bakit Babe?"
I hissed. "Saan ka pupunta?"
"Kakain?"
"Doon ang cafeteria!" Sabay turo ko sa kasalungat ng direksiyon niya. "Ulyanin!"
"Tsss. Alam kong doon."
Umirap siya at lumapit saakin para kunin yung kamay ko at hilain ako palabas, medyo napaigtad ako dahil para akong nakuryente sa kamay niya. Alam naman pala niya eh bakit niya pa ako hinihila?
"Saan tayo kakain?"
"Malamang sa labas." Aniya na parang ang tanga ko dahil di ko magets na kakain kami sa labas tsss.
"Bawal diba?!" Singhal ko.
"Shhhhh." Pagpapatahimik niya saakin saka tumingin tingin sa mga iba't ibang room na nadadaanan namin.
Napangisi ako sakaniya nang marealize kong mag cucutting ata kami? Hihi.
"Nerd." Nakangisi kong tawag sakaniya.
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...