chap. 22 "The Prize"

88 6 0
                                    


*KRIIIIIIIIIIIIIIIINGG!*

Nagising ako sa pesteng tunog ng alarm clock ko. Langya sino bang nag-set niyan at mapapatay ko! Sabado ngayon uh? Letche!

I groaned in annoyance. Nakapikit na kinapa ko sa sidetable ang letcheng alarm clock at ibinato yun sa kung saan. Saka ulit humiga. Panira ng tulog! >__

"Ginigising ka na nga lang nambabato ka pa."

"Anong paki mo?" I murmured while my eyes shut.

"Ang sakit nun uh? Tamang-tama yung ulo ko."

Kunot-noong napadilat ako ng mata. Nagsasalita yung alarm clock?

Bumangon ako at.. "WHAAAAAAAAAAAAAAAA-----omp." Napatigil ako sa pagsigaw nang may mambato saakin ng unan. Tiningnan ko kung sino yung salarin.

Lalong kumunot yung noo ko nang makita si Nerd na naka-crossed arms/nakadekwatro at feel na feel na nakaupo sa sofang katapat ng kama ko. "Putangina Nerd! Nambabato ka diyan?!" Singhal ko sakaniya.

Pinakaayaw ko pa naman ay yung ang pangit na nga ng gising ko tapos babadtripin pa ako lalo. Banas!

"Pambihira." Napapailing niyang sabi. "Ang ineexpect ko pa namang tatanungin mo saakin eh kung bakit ako nandito. Yun pala mura mo agad pambungad saakin. Wow." He said sarcastically.

"Eh bakit mo ba kasi ako binato?! Ang bigat ng unan na yun uh!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"And why do you need to shout?! Mamaya diyan isipin nila Tita may ginagawa ako sayo. Tss."

"Eh akala ko nga nagsasalita yung alarm clock ko! Kaya nagpanic ako." I pouted.

"Retard ka talaga e nu?" Kinuha niya yung alarm clock ko na ibinato ko kanina na nasa tabi niya.

Nanlaki yung mata ko. "Did I..."

"Yes. Ibinato mo lang naman 'to saakin kanina. Pasalamat ka dahil unan ibinato ko sayo pabalik. Retard." Pokerface niyang sabi.

I rolled my eyes. "Fine. I'm sorry. Ano nga palang ginagawa mo dito. Sa kwarto ko? Pwede ka namang maghintay sa baba uh?"

"Pinaakyat na ako ni Tita Sandra dito sa kwarto mo. Kanina pa kasi ako nandito dahil hinihintay pa kitang magising. Nakakahiya naman sayo." He said sarcastically. Pambihira ang galing niyang mag-pokerface. -__-

"Matagal ka ng nandito? Anong oras na ba?"

"9 am na senyorita. At kanina pa akong 7 nandito. 2 hours mo lang naman akong pinaghintay." Pokerface niya parin sabi.

"Ikaw rin ba nagset ng punyemas na alarm clock na yan?!"

"Oo ako." Balewala niyang sabi.

I hissed. "Bakit ka ba kasi nambubulabog ng ganon kaaga dito? Anong sadya mo?!"

Tumayo siya. "Yung prize mo makukuha mo na. So you should get up there lazy butt." Aniya saka tinungo ang pinto. "Go take a bath and change casual clothes. I'll just wait downstairs." He said before he leaves my room.

I groaned. Padabog na inalis ko yung kumot ko sa paa ko.

Anak ng tokneneng. Kung hindi lang dahil diyan sa pesteng prize na yan iindiyanin ko talaga yung Nerd na yun!

----------------

"Hoy Nerd. Saan ba tayo pupunta huh?" Tanong ko agad sakaniya pagkapasok ko ng kotse niya.

"Basta." Tipid niyang sabi bago pinaandar yung kotse niya.

I yawned. "Malayo?"

"Kinda."

My Lovely DelinquentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon