SABRINA's POVLove can really do impossible things. Base sa isa sa mga nagoogle ko kanina about sa love. Ito yung isa sa mga pinaniwalaan ko.
Buong buhay ko, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mapapapayag nila akong sa France tumira. At kita mo nga naman. Because of love, I'm surrendering myself way too easy.
Parang akong most wanted na biglang minahal ang tingin ko'y kulungan. Grabe nagagawa ng love diba? Ayoko magbago pero nabago ako in an instant.
Akalain mong ang isang Sabrina Ferrer nagsunog ng kilay para maging top sa klase?
Hindi ko nga rin alam na magagawa ko yan. Lecheng love na yan eh sinaniban pa ako sa katawan.
Ang bibigat ng bawat hakbang ko habang papasok kaming airport. Ayoko talagang tumuloy, parang konti nalang ay magbaback out na ako pero sa tuwing naiisip ko si Keith dumederetso ang mga paa ko sa paglalakad.
Sari saring imahinasyon ang naiisip ko. Paano kung magbago desisyon niya at ako na pala ang mahal niya? Paano kung katulad ito sa mga movies at nobela kung saan hahabulin ng lalake sa airport yung babaeng mahal nila. Paano kung habulin ako ni Keith ngayon?
Napabagal ang paglalakad ko dahil sa naisip ko. Sinulyapan ako ni ate Sabine at mommy nang mapansin nila iyon.
"Oh, you okay Sab?" Ate Sabine asked.
I nodded. Si mommy naman ay parang sinusuri ako. Natawa ako. "May naisip lang ako. Pero wag kayo mag aalala di ako magbaback out."
"Defensive." She pouted and continue the normal pace of her walk. Nakaakbay sakaniya ang boyfriend niyang si kuya Lance. Gusto ko mainggit pero alam kong deserve ni ate ang katulad niya.
Naalala ko tuloy yung hindi pang sang ayon ni ate sa relasyon namin ni Keith. Kung alam ko lang, makikinig na talaga ako sakaniya. Pero wala eh. Kapatid na ata ng pagiging tanga ang in-love.
Sinulyapan ko ang buong paligid. Gusto ko matawa sa sarili ko. Napaka asado kong mangyayari saakin yung mga scene na nangyayari lang sa mga movies. Asa pa akong hahabulin ako ni Keith? Si Stef mahal niya Sabrina! Wala ka nang magagawa.
Napabuntong hininga ako at binilisan na ulit ang paglalakad. Ayoko na umasa.
Siguro pinaranas lang sakin yang love na yan para di na ako umulit ulit. I'm still young anyway. Ayon nga sa favorite motto ko. "YOLO" you only live once. So live your life to the fullest.
"Sab?"
Napasulyap ako kay ate Sabine nang tawagin niya ako pagkatapos naming makaupo sa waiting area. Tumabi siya saakin mula sa pagkakaupo katabi ni kuya Lance.
"I know how heavy your heart is, right now." inakbayan niya ako. "Bukod sa... niloko ka ng Keith na yun----"
Pinahinto ko siya. "Ate don't say bad words anymore."
"Nice! I like that lil sis." she pinched my cheeks so I cringe. "But back to what I am saying. I know how hard for you to leave. Kasi alam ko mamimiss mo sila Abby at Kim, kami ni mommy, si manang Ising. Alam mo bang naiyak si manang Ising kagabi nung nalaman niyang aalis ka na?"
"Naiyak sa tuwa?" binatukan niya ako kaya napadaing ako. "Hilig naman mambatok neto! Aalis na nga eh."
"Eh masyado ka kasing nega! Umiiyak siya kasi mamimiss ka niya. Alam mo namang since bata ka siya nag alaga sayo."
Nag iwas ako ng tingin. Namumuo nanaman luha ko sa mata. Hindi na ba mauubos itong luha na 'to?
"Mamimiss ko din naman siya. Balak ko nga siyang isama eh. Kaso ayaw ni mommy dahil kailangan siya dito." kako at pinunasan kaagad yung luhang muntik umagos sa pisngi ko.
"Ang gusto ko lang sabihin sayo. Sana kahit wala kami doon hindi mo iisiping alone ka. Dahil ang totoo. We're always here for you. Dadalaw parin kami ni mommy sayo doon okay?"
I nodded and smiled. Nakakainis itong si ate Sabine. Mas lalong pinabibigat loob ko.
Sabay kaming napatigil ni ate nang inanunsyo na ang flight ko hudyat na kailangan na naming sumakay ni mommy. Tumayo ako at binuhat ang ilang bagaheng kaya ko. Ang dalawang gagaboons na dating guards ko ang maghahatid saakin sa France at si mommy. Nagulat nga ako dahil buhay pa pala ang mga ito.
"Bye lil sis." ngumuso habang naluluhang sabi ni ate Sabine. Inextend niya ang mga kamay niya para yakapin ako. Niyakap ko siya pabalik.
"Ang drama drama mo!" natatawa kong sabi. Tinapik niya lang ako.
"Tseh!"
Binalingan ko si kuya Lance na pinagmamasdan lang kaming dalawa ni ate. Nginitian ko siya. "Alagaan mo to ah! Wag mo siya lolokohin kung hindi babalik ako dito para lang jombagin ka."
Tumawa siya. "Yes ma'am."
"Wag ka tumawa Lance. Seryoso yan. Nanununtok yan kahit lalake."
Humalakhak ako lalo na nung hindi makapaniwalang sinulyapan ako ni kuya Lance. "Osya. Babye na."
Winave nilang dalawa yung kamay nila saka kami pinakawalan na umalis.
I looked around again one last time and sighed.
Walang Keith na dumating.
And that only means one thing.
We're not just like in the movies. This is not our love story. Para siya sa iba at sabit lang ako sakanila.
I think this is the part where I should totally accept that our chapter ends here.
Goodbye Nerd, till we see each other again.
******
N/A: SA WAKAAAAAS MGA BESH. NATAPOS DIN. Mga 4-5 years ago ko itong sinumulan at nauna ko pang natapos yung CTSTG. Anyway kung may mga readers pa ito. Thank you so much for waiting patiently. At eto na nga natapos din. Pinush ko talaga dahil kapag hindi ko ito natapos hindi ko maipupublish mga drafts ko. So #AnotherAchievement. Hahaha.
P.S May book two ito dahil babawi ako kay Sabrina! (Will be published soon!) Title:Still a Delinquent.
Dedicated sayo ito CrushCrash thanks a lot for motivating me to continue this. :)
Lovelots! Xoxo
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...