Sabrina's POV
"Anak, yung boyfriend mo kanina pa nag aantay sa sala. Bilisan mo na diyan." Narinig kong katok ni mommy mula sa pintuan ng kwarto ko pagkalabas ko ng banyo ko pagkatapos kong maligo.
Hindi na ako sumagot at nagmamadaling dumiretsiyo sa wardrobe ko ng naka-tapis para maghanap ng masusuot na damit.
Ngayon ang pagpunta namin sa concert ng Hale at kailangan ko nang bilisang mag ayos dahil papagalitan nanaman ako ng babe ko kapag late nanaman ako.
Actually, hindi naman talaga ako late eh! Masyado lang siyang maaga! Grr. Naalala ko pang sabi niya kapag nagrereklamo ako dahil ganon siya. "Alam mo mas magandang you're early in everything. Para if ever wala kang pagsisisihan."
Ang dami niyang alam no? Oo nasabi ko na rin sakaniya yan pero ang palagi niya namang sinasagot saakin. "Mas mabuti nang maraming alam kaysa walang alam."
Edi siya na. Tss.
Nagsuot lang ako ng jeans na fitted at vneck shirt na puti saka ko ito pinatungan ng leather blazer na itim. And then I wore my black boots.
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa full body length mirror na nasa harap ko. Mukha daw akong gangster sabi ni babe kapag ito ang sinusuot ko pero gusto niya iyon dahil para wala daw magtatangkang manlandi saakin o mambastos saakin. Baka raw matakot. He's right though. Nananapak din kasi talaga ako ng lalaki.
Right after that, napagdesisyunan ko nang lumabas na para bumaba at puntahan si Nerd. Ni hindi na ako nag abalang mag ayos ng sarili dahil wala iyon sa bokabularyo ko. I don't know how to put make up on my face anyway. Ayaw din naman iyon ni Nerd kaya di na ako nag abalang tutunan mag lagay.
Nakita ko kaagad ang gwapo kong boyfriend suot ang simpleng puting long sleeve polo at khaki shorts na nakaupo sa aming sala. Nang makita niya ako ay tumayo siya kaagad habang nakapaskil ang bored look sa kaniyang mukha. Napangiti ako ng matamis.
"Gwapo mo talaga babe! Pakiss nga!"
Tumalon ako at tumingkayad sakaniya para halikan siya sa pisngi pero umiwas siya. Nagtataka tuloy akong napatingin sakaniya.
Tumingin siya sa paligid ng bahay.
"Hey! Ayaw mo akong ikiss?!"
Ngumisi siya at tumingin saakin pagkatapos ay hinapit niya ang bewang ko saka ako binigyan ng mabilis pero mariin na halik sa labi. Napasinghap ako habang nanlalaki ang mga matang natulala sakaniya pagkatapos. May kung anong kumiliti sa tiyan ko. Buset na Nerd to.
"Chineck ko lang baka nakikita tayo nila tita. Gusto ko nang gawin yan kanina pa. Pinaghintay mo ko ng isang oras."
Napapout ako at napangisi. "Kung dalawang oras ba, dalawang kiss din gagawin mo?"
"Depende." He smiled lopsidedly. "I won't mind how many."
"Kalandi mo talaga!"
He laughed heartily.
Pagkatapos ng lecheng kalandian namin ay nagtungo na kami palabas at dumiretsiyo sa kaniyang sasakyan.
Naiimagine ko palang ang hitsura ng isang concert ay naeexcite na ako. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakapunta o nakakanood sa kahit na anong ganon. Bukod kasi sa walang hilig ang mga kaibigan ko, wala ring nag aayang manood. Now I wonder what a concert looks like. Nakakaexcite talaga shet.
"You look excited babe."
Ngumisi ako at nag indian sit sa inuupuan ko. Siya nama'y seryosong nakatingin sa daan habang nagdadrive.
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...