Author's note: Hi, it's been a while since I updated a chapter in this story. I'm so sorry for the long wait guys. Kung meron pa nga ba talagang nagbabasa nito haha. I guess wala na so bubuhayin ko na siya. Ito kasi ang first story ko pero mas nauna ko pang nacomplete yung CTSTG. Kung tao lang to nagtatampo na siyang saakin talaga at baka itinakwil pa ako. Huhu. Yun lang. Enjoy reading. :)
***
Months have passed. Nerd and I are still together. Five months na kami ngayon. At tinanggap na rin siya ni ate Sabine kahit pa alam kong napilitan lang siyang gawin iyon. Who wouldn't like that Nerd, really? I just don't really understand my sister.
At isa pa. Si Nerd ang dahilan kung bakit ako matino na ngayon. Dad and Mom got proud of me when our adviser chose me as one of the top snatchers in our class. Yes, I'm already one of them. Kasama ko na roon sina Abby at Kim na hanggang ngayon ay di parin umaalis sa pagiging pwesto nila bilang Second at Third. I'm on fifth place anyways. Galing ko hindi ba?
Anyway, kasalukuyan akong nagbabasa para sa magiging midterm exam namin next week. Yes next week pa, but it's not bad to review in advance right? Nagpapataasan kasi kami ng score nina Kim at Abby. I just don't want to lose.
"Babe."
Napangiti ako nang marinig ang boses ni Keith sa likuran ko. He gave me a quick kiss on my left cheek before I turned to him.
"Saan ka galing?" nakapout kong sabi. "Hindi na kasi kita nakakasama palagi."
Napabuntong hininga lang siya. Oo tama ang sinabi ko, hindi ko na siya madalas nakakasama dahil na rin siguro sa binigay sakaniyang tungkulin rito sa school. He's now the SSG president. At syempre di birong trabaho iyon dahil buong school ang pamumunuan mo pero kasi... nakakamiss lang siya.
"I know. I missed you." he said as he gave me a peck on my lips.
My cheeks turned red as I looked around. Mabuti nalang at walang masyadong tao rito sa library. Isang malanding hokage talaga ang taong ito.
To think na Nerd siya ha?
Ngumisi siya dahil sa reaksiyon ko. "Limang buwan na tayo nahihiya ka parin."
"Malamang!" napalakas ang boses ko kaya napatutop ako sa bibig ko.
Napatawa siya ng mahina dahil roon. "My girlfriend is really cute." he said and pinched my nose.
Tinampal ko ang kamay niya. "Matagal na. Aba nerd, ngayon mo lang alam?"
"Matagal ko ng alam." umangat ang gilid ng labi niya.
Pucha. Kinikilig nanaman ako. Eh sapakin ko kaya 'tong taong to? Sarap magmura eh talaga.
Pagkatapos kong makuntento sa nirereview ko ay niyaya na niya akong umalis. Umoo na ako dahil sabi niya babawi daw siya sa mga araw na hindi niya ako nakakasama palagi. Syempre gusto ko iyon! Magpapatumpik-tumpik pa ba ako?!
We went on his house.
Hindi lang isang beses akong nakapunta rito kung hindi apat na beses na. Yes. You heard me right. Nakilala ko na rin sina Tita Catherine at Tito Exel na parents niya and they're friendly. Sobra pa nga ang kaba ko nung una niya akong pinakilala sa mga ito pero dahil malapit ang mga parents namin, naging madali na saakin ang pakisamahan sila. And there, I met Kenneth, his brother. Nag-kavibes kami agad ng lalaking iyon dahil parehas kami ng ugali. Bulakbol. He's the black sheep of their family. Parang ako lang, pero dahil nagbago na ako. Hindi na ako ganoon. Gray sheep na lang. Mwehehe.
Napatingin ako sa buong bahay nila pagkapasok namin. Their house is very nice actually. Hindi man kasing laki ng sa mansiyon namin, magara naman ang pagkakadisenyo ng sakanila. Pulos salamin ang nakikita mo sa bawat pader.
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...