chap. 13 "Karma"

123 5 0
                                    

-chapter thirteen-

.

.

.

.

.
Sabrina's POV

"Curious talaga ako~" bagot kong sabi kay Abby. Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway papuntang room. Recess namin ngayon at siya lang ang kasama ko ngayon dahil si Kimberlot busy siya sa pagmamanage ng English club nila lalo pa't siya ang president dun.

"Ano ba yan Sabrinapot. Baka kapatid niya lang." medyo inis na sabi niya saakin. Kanina ko pa kasi kinukwento sakaniya yung babaeng nasa picture ni Nerd.

"Kapatid? Bakit niya naman itatago picture ng kapatid niya?" Takang tanong ko.

Napatingin siya saakin. "Remembrance?"

Binatukan ko siya. "Kung kapatid niya yun ee bakit ayaw niya ipakita saakin."

"Kainis naman Sab! Kailangan MAMBATOK!"

"Eh ikaw kasi ee!"

"Edi girlfriend niya yun panigurado-aray" binatukan ko siya ulit. "Tapos kapag sinabi kong girlfriend nagagalit ka rin. ano ba talaga?"

I pouted. "Feeling ko rin ee. May girlfriend na siya?"

"Naku.. Naku.. Selos siya oh." sabay duro niya saakin.

Hinampas ko naman yung daliri niyang nakaturo saakin. Saka siya sinimangutan. "Crush ko nga eh!"

Tapos humalakhak siya. -___- Ano namang nakakatawa dun?

"Tama na nga. Bilhan mo nalang ako ng pagkain. Nagugutom ako." kako.

Napahinto siya sa pagtawa. "Hoy. Kakakain lang natin kanina aa. At FYI di ako utusan!"

"Ee nagugutom ako ee."

"Kasalanan ko na ngayon? Odi bumili ka balik ka dun sa cafeteria."

"Tinatamad ako." i pouted.

"Bahala ka."

"Sige na kasi~"

"Ayoko nga Sab naman ee! Upo nga muna tayo. Maaga pa naman bago ang next subject natin."

Tapos umupo naman kami sa kung saang pwedeng maupuan. Naalala ko nanaman yung next subject namin ngayon. Haist. Math subject. Mababagot lang ako sa subject na yun. -___-

"Sana absent yung Math teacher natin."

Napatingin siya saakin. "Shungeks. Meron siya. Nakita ko lang kanina."

My Lovely DelinquentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon