Sabrina's POV
Napapangiwi nalang ako habang itong mga kasama ko. Ayun lihim akong pinagtatawanan. Paano ba naman kasi. Itong mga bodyguard ko. Nasa likod ko. Hindi humihiwalay. Bwisit na mga mukhang gagaboons na ito. Mga leche.
Nakakahiya pa dahil naglalakad kami sa mall ngayon. At pinagtitinginan na tuloy ako. Daig ko pa yung artista sa kakabantay ng dalawang bodyguard ko Bwiset.
"Hoy kayong dalawa. Pag di pa kayo tumigil sa kakatawa diyan. Papabugbog ko kayo sa dalawang 'to." sigaw ko sakanila. At good thing napatigil naman sila sa kakatawa. Tss. Katakot lang nila sa mga katawan ng body guards ko.
Nilapitan nila ako. "Huy. Ano na? Starbucks?" siko saakin ni Abby.
"Ayoko na. Badtrip na ako." I said in a very annoyed voice.
At ayun tumawa nanaman sila. I gave them both a death glare kaya napatigil ulit sila sa kakatawa.
"Ano ka ba. Sinabi mo na kaya na maglilibre ka. Walang bawian." sabi ni Kim. Hinila nila ako papunta sa tapat ng Starbucks.
Napabaling ako sa dalawang bodyguards ko. "Wag niyo sabihing sasama pa kayo sa loob?"
"Ginagawa lang po namin yung trabaho namin Ma'am." sabi ng Bodyguard ko na kalbo.
"Grabe. OA niyo kakain lang kami diyan sa loob. Hindi naman ako mawawala!" Iritang sabi ko sakanila.
"Pero ma'am mawawalan po kami ng trabaho."
"Kainis. Bahala na nga.." Inis kong sabi saka tuluyang pumasok sa loob ng Starbucks. Sumunod na rin si Abby at Kim saakin. Pati yung mga mukhang gagaboon kong bodyguards.
At ayun. Pinagtitinginan nanaman kami ng mga tao sa loob. Hays
Siniko ako ni Abby. "Eksena ka palagi Sab. Hahaha. Sikat kami kapag kasama ka namin." sabi niya saka tumawa ng malakas. Palsakan ko kaya ng cheesecake 'tong bibig niya. Yung buong cheesecake huh?! -___- Tss.
"Sab. Sayang may nakaupo sa favorite table natin." sabi ni Kim saakin.
Napatingin ako at oo nga. Hayy. May mga babaeng estyudante na nakaupo sa favorite table namin. Na sa tingin ko eh ka-year level namin. Pero ibang school. Good thing. whahaha.
"Sa ibang table nalang tayo. Wait hahanap ako---"
"Waag! Ayoko sa iba. Dun lang gusto ko. Dun tayo." I said firmlu.
"Eeehh. Sab naman ih~ May nakaupo na nga."
"Wait ako bahala." Lumapit ako sa table na yun. Sumunod saakin si Abby.
"Hoy babaita anong gagawin mo?" pigil niya saakin.
I just winked at her. Bumaling ako kay Kim. "Kimberlot! Order-an mo na ko. ChocolateCreamChip at cheesecake." kako saka tuluyang tumapat sa table nila.
Napatingin sila saakin. Nginitian ko naman sila. "Alis." simpleng sabi ko.
"What?" Kunot noong tanong ng babaeng maikli ang buhok. "Who are you para paalisin kami? And can't you see how disrespectful you are? We are still eating."
"And so? Lumipat kayo ng table. Simple." Sagot ko. Daming satsat e.
"At bakit ka namin susundin aber? Sayo ba 'to? Pagmamay-ari mo ba ito?" sabi naman nung mahabang buhok na babaeng parang coloring book ang mukha. "Doon nalang kayo mag-table sa iba. Marami pa namang bakante okay?!" sabi pa nito.
"Bakit niyo ko susundin? Simple lang. Nakikita niyo ba 'tong dalawang nasa likod ko?" Napatingin sila sa mga bodyguards ko. At nakita ko pa silang napalunok. Pft. Natatawa tuloy ako. "Kung ayaw mong mag-eskandalo tayo dito. Lumipat nalang kayo ng upuan.. and as a matter of fact." Hinila ko si Abby. paharap sakanila. "Itong kasama ko. Pag-mamay-ari lang naman nila itong mall na 'to. Just so you know." Nakangiting sabi ko pa sakanila.
BINABASA MO ANG
My Lovely Delinquent
HumorIn a world where opposites rarely attract, she's the chaos to his calm, the spark to his steady. She's loud, carefree, and couldn't care less about grades, while he's reserved, studious, and bound by the rules. As their paths cross, they discover th...
