One Curse One Kiss
Prologue
Naglalakad ako sa corridor ng school nang nakasalubong ko si Diego. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya na nasa gilid lang ng corridor habang binabasa ang isang libro.
"Sana ako na lang yung libro." Bulong ko sa sarili ko. At humagikhik sa iniisip ko. Halos mapunit ang bibig ko dahil sa ngiti ko. Tinignan ko si Diego. Damn! He's really hot! Hindi ko alam kung tatalon ba ako sa sobrang saya or what? I know its weird to act like this but heck! Ang gwapo niya! As in! I think he is qualified for a men's magazine if ever gusto niyang mag apply bilang isang model. And ang tali-talino pa niya. He's a transferee from Ateneo de Manila. And guess what? He's a dean's lister there! He's taking the course engineering kaya todo talaga ang paghanga ko sa kanya. Bigla siyang napatingin sa banda ko at nagtagpo ang mga mata namin. Pakiramdam ko nag slomo lahat ng nasa paligid ko. Pakiramdam ko nililipad ako ng hangin. Love is in the air talaga. I feel like I'm in a movie kung saan lalapitan nung guy si girl at mag co-confess ito sa kanya. Ang kaso nga lang ay hindi ako nilapitan ni Diego kundi ngumiti lang siya sa akin. Napaawang ang bibig ko. Oh my gosh! Oh my gosh! Did he really smiled at me? Did he? Inangat ko ang kamay ko para kawayan siya.
"What the fuck!" Mariing mura ko nang biglang may bumangga sa akin dahilan kung bakit nahulog ang dala kong libro. Tinignan ko ang taong bumangga sa akin. At labis lang ang inis ko nang makita ko ang mukha ni Enzo.
"Opps.... Sorry." Aniya at kinagat niya ang kanyang labi.
"Bulag ka ba ha? Ang laki ng daanan o! Hindi mo nakita?" Asik ko sa kanya at pinulot ko ang libro ko. Tutulungan niya sana ako pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Ngumuso lang siya na para bang nang iinis. Tumayo ako at dinaanan ko ulit ng masamang tiningin si Enzo. Napatingin ako sa dako ni Diego pero wala na siya roon kaya napasimangot ako.
"Bwesit!" Sabi ko at inirapan si Enzo. Pero ngumisi lang siya and he licked his lips. Tinalikuran ko siya at banas na umalis roon. Kahit kaylan talaga napakaperv niya. Tinignan ko ang relo ko at konting minuto na lang at male-late na ako sa klase ko kaya binilisan ko ang paglalakad ko. Malayo pa lang ay naaaninag ko na ang bestfriend ko kasama ang boyfriend niya. Kumaway ako sa kanila. Kumaway rin si Faye pabalik sa akin at si Terence naman ay tumango lang at di ngumiti. Suplado talaga nito.
"I'll pick you up later okay?" Ani ni Terence nung nakalapit na ako sa kanila at hinalikan niya sa noo ang bestfriend ko. Napanguso ako. Ngumiti si Faye at tumango pero nakikita kong kinikilig siya dahil namumula ang pisngi niya.
"Sana ganyan rin kami ni Diego pag naging kami ano?." Sabi ko at napangiti ulit ako. Tumawa naman si Faye.
"Sira." Aniyang umiiling at pumasok na kami sa loob. Doon kami sa may dulo umupo dahil iyon na lang ang bakante. Kakasimula pa lang ng first sem last week and we're a second year college now. Luminga linga ako and most of my classmates are new. Nadapo ang ang paningin ko sa pintuan at nakita ko si Jazz na kakapasok lang rin. Ngumiti agad siya nung namataan niya kami. Nagtungo siya sa amin at umupo kabilang upuan which is katabi ko lang.
"Geez!!! Akala ko talaga hindi ko kayo magiging kaclassmates but thank God! He answered my prayers." Aniya at sinikop ang kanyang buhok at nilagay sa kabilang balikat.
"Kahapon pa ako nag paenroll buti nga pinayagan ako." Aniya at ngumuso. Tumango naman kami ni Faye. Kagagaling niya lang kasi sa ibang bansa dahil binisita raw nila yung lolo at lola niya roon dahil aniyay nagkasakit daw yung lolo niya.
"Oh my G! Guess what? Nakasalubong ko kanina si Diego and damn! He smiled at me!" Sabi ko habang kinikilig. Tumawa naman si Faye at umiling.
"Who's Diego?" Kunot noong tanong ni Jazz. Umirap ako.
BINABASA MO ANG
⚡
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...