Chapter 1
Pikon
"Anong sabi sa inyo ni ma'am?" Usisa ni Jazz.
"Puntahan raw namin si Mr. Lanoy. May punishment ata kami." Sabi ko na lang.
"I told you wag dito." Ani ni Faye sa akin at umiling. I bit my lips at binuklat ang libro. Damn! Ang sakit parin talaga ng likod ko. I wan't to break his face because of what he did to me. Fuck him!
Nung nag alas dos na ng hapon ay gaya ng sinabi ni ma'am sa amin kanina ay nagtungo nga ako sa office ni Mr. Lanoy sa guidance office. Ako lang mag isa dahil hindi ko na pinasama sina Faye dahil alam kong susunduin iyon ni Terence samantalang si Jazz ay pinauna ko na lang sa pag uwi. Kumatok ako nung nakarating na ako sa office ni Sir. Pumasok ako sa loob at nadatnan kong naroon narin si Enzo nakaupo sa upuang nasaharapan ng table habang si Sir ay nakaupo sa swivel chair niya. Nag lahad siya ng kamay para sabihing paupuin ako sa kabilang chair which is kaharap ni Enzo. Wala na akong nagawa at umupo na lang roon. Pagkaupo ko ay napatingin ako kay Enzo saglit. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Inirapan ko na lang at nilapat ang tingin kay Sir. Umayos si Sir sa pagkakaupo. Tinukod niya ang dalawang siko niya sa mesa at pinagsalikop ang kanyang mga daliri. Seryoso ang mukha ni Sir but you can still sense his authority. Tumikhim siya.
"Mrs. Alejandro your librarian, told me about sa eskandalong ginawa ninyo." Aniya tinignan niya kaming dalawa. Napapilig ako ng ulo nung tinutok ni sir ang seryoso niyang mata sa akin.
"Miss Ridriguez right?" Aniya. Tumango na lang ako.
"You're a member of SSC right?" I bit my lips dahil alam ko ang susunod niyang sasabihin.
"SSC ka pero gumawa ka ng eskandalo." Aniya at umuling dahil sa disappointments.
"Ikaw Mr. Montreal, varsity player ka at alam mong pwede ka mawala sa varsity pag may nagawa kang violations diba?" Aniya kay Enzo at napasinghap ito.
"You both will have a punishement." Ani ni sir at may kinuha sa cabinet niya. Napakagat na lang ako ng labi sa sinabi niya. Hindi na bago sa akin ang punishment because I already been there when I'm still a kid. But ngayong college na ako is like... What the hell!
"What? Punishment? Ano kami high school?" Ani ni Enzo na parang natamaan ata ang ego niya. Napataas naman ang kilay ni Sir sa kanya.
"Hindi ba pwede ang punishment sa college Mr. Montreal?" Enzo hissed and ruffled his hair.
"Sir una sa lahat biktima lang po ako at wala po akong alam sa paratang niya against me." Ani ni Enzo. Napaawang ang labi ko. Liar! Hindi iyon paratang dahil iyon naman talaga ang totoo.
"Nagulat na lang ako ng bigla niya akong nilapitan. I thought she'll beg for a kiss from me but damn! She suddenly punched me directly on my face. Look this is my proof." Aniya at pinakita kay sir ang sugat niya sa labi. Nag init ang ulo ko sa sinabi niya.
"Hey! How could you say that? Ang kapal naman ata ng mukha mo para sabihin yan sakin kupal ka? For your information kahit kailan hindi ko hiniling na mahalikan ko ang isang tulad mo! Like haller! Kadiri!" Sabi ko at inirapan siya. Bwesit tong animal nato! Ang kapal ng mukha. Nakita ko namang napaawang ang bibig niya and he greeted his teeth.
"And Sir, that jerk is a liar, yes! I punched him and wala po akong pinagsisihan roon because that's serves him right. Gumanti lang ako sa ginawa niya sa akin. Pinahiya niya po ako sa mga estudyante at hindi ko po iyon matatanggap coz I never been humiliated that way! He's a bully Sir!" Sabi ko ng mariin at tinuro ko si Enzo.
"I'm not a bully and what the fuck are you talking about? I told you hindi nga ako yun!" Asik niya sa akin habang nakakunot ang noo.
"Huh! Really? Kitang kita ko yung nylon roon patungo sa table mo kaya wag ka ng magsinungaling pa!"
"I'm not lyin---"
"You shut up idiot!" Singhal ko. Medyo hiningal ako sa sagutan namin kaya medyo mabigat ang paghinga ko. Pareho kaming napatalon sa kinauupuan namin ng biglang padabog na hinampas ni Sir ang ang lamesa niya.
"You two proceed to IAS building at linisin niyo ang isang classroom roon. You can't get your I.D's from me kung hindi niyo iyon matatapos." Maotoridad niyang sabi.
"And one more, your punishment will be effectively today until wednesday dahil sa mga inasta niyo." Laglag ang panga ko nung sinabi iyon ni sir habang si Enzo ay nakakunot ang noo at nakakuyom ang panga. Like fuck lang! So it means three days ko ring makakasama ang ugok na to? Hell no!
"But sir pwede ho bang magkahiwalay kami sa paggawa ng aming punishments?" Tanong ko coz surely hindi ko makakayang makasama ang lalaking ito. Kumunot naman ang noo ni sir.
"Why? May something ba sa inyo para kayo ay magkahiwalay pa talaga?" Napaawang naman ang labi ko at si Enzo naman ay napanguso lang para pigilan ang ngiting nagbabadyang sumilay sa labi niya.
"Uhm.." Sabi ko habang hinahanap ang mga salitang dapat kong sabihin.
"Like ew! There's nothing between us, no." Sabi ko na lang at humalukipkip. Pinagsign muna kami ni sir sa isang log book ng mga estudyanteng may nagawang violations. Nirerecord kasi nila kung ilang violations na ang nagawa mo.
"Thanks kuya." Sabi ko sa janitor ng school. Tinulungan niya kasi kaming iaakyat ang mga gamit panglinis rito.
"Sige na po ma'am sir. Kompleto na po yan lahat, mauna na po ako." Aniya at nilagay ang towel niya sa kanyang batok. Ngumiti ako ng matipid at tumango sa kanya at umalis na siya. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kabuoan ng classroom. Halatang abandonado dahil masyado itong marumi. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Enzo. Tamad lang siyang nakasandal sa wall habang nililibor rin ang paningin sa paligid. Nagtagpo ang paningin namin pero inirapan ko lang siya. Nakakabanas pagmasdan ang mukha niya.
Kinuha ko ang isang mop at nilublob ko iyon sa baldeng may tubig. Dinaanan ko muna ng tingin si Enzo na nakahilig parin sa wall at may kung anong kinalikot sa phone niya. Umiling na lang ako. Bahala siya sa buhay niya ang imporyante is yung I.D ko, kailangan kong makuha iyon. Nagsimula na akong maglinis. Minop ko ang sahig na puno ng alikabok. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko at hindi pa ako nangangalahati ay tagaktak na yung pawis ko. Tumigil muna ako at hinagilap ang panyo ko sa bulsa ng aking palda. Damn! I'm so sweat. Habang nagpupunas ay napatingin ulit ako kay Enzo. Now nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Ngumuso siya at umalis sa pagkakasandal roon. Tinignan niya yung sahig at bumalik ulit ang tingin niya sa akin.
"Halatang wala kang alam sa gawaing bahay." Aniya at kumibot ang gilid ng kanyang labi sabay iling nung nakalapit na siya sa akin. My lips parted. Tinignan ko ang sahig at ngayon ko lang napagtantong maski katiting ay wala kang makikitang linis roon. Mas lalo atang lumala dahil ang alikabok ay naging putik. Pati ang mop ay halos mangitim dahil sa dumi. I bit my lips and my cheeks became hot. Hindi ko alam pero kahit yun lang ang sinabi niya nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko. I feel like its a shame for a girl if she doesn't know how to do household chores. But my pride eat my sytem instead.
"E kung tinulungan mo sana ako kanina hindi sana maging ganito." Asik ko sa kanya at inirapan.
"Wala ka ngang naitulong tas mag rereklamo ka? Kapal mo rin e, no?" Asik ko ulit sa kanya. Pero ngumuso lang siya at hinawakan ng kanang kamay niya ang bato niya.
"Hindi naman ako nag rereklamo, nagsasabi---"
"E di ikaw ang gumawa! Peste ka!" Mura ko sa kanya at padabog na binigay sa kanya ang mop at umalis ako sa tabi niya. Tumawa lang siya ng mahina at may binulong pero rinig ko naman.
"Pikon." Aniya. Nilingon ko siya at nag simula na siyang mag mop.
"Anong sabi mo?" Maangan ko.
"Wala!" Aniya at tumawa ulit.
BINABASA MO ANG
⚡
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...