Chapter 2
You're welcome
Dinampot ko yung feather dust para punasan ko na lang yung mga bintana. Habang nagpupunas ako ng bintana ay nilingon ko si Enzo. Nag ma-mop parin siya and unlike what I did kanina is malinis yung pagkakagawa niya. Napataas ako ng kilay at nagpatuloy sa pagpupunas. Alas kwatro ng hapon kami natapos at kahit pagpupunas lang ng bintana ang ginawa ko ay pinagpawisan na ako. Nilingon ko si Enzo na nakaupo lang sa isang plastic chair habang nakatayo ang mop na hawak niya sa may gilid niya. Unlike me hindi siya gaanong pinagpawisan. Well, he's a varsity kaya easy lang sa kanya ang ganitong gawain. Niligpit ko na ang mga gamit at nilagay iyon sa cart. Sa gilid ng aking mata ay nakikita kong nakaupo lang si Enzo at ramdam ko ang paninitig niya pero hindi ko iyon inalintana. Huminga ako ng malalim at binalingan siya. His face is serious kaya hindi ko ma basa kung ano ang iniisip niya. Nag taas na lang ako ng kilay sa kanya.
"Ikaw na mag balik niyan sa janitors locker room may lakad kasi ako." Plastic akong ngumiti sa kanya at dinampot ko ang bag ko.
"What? No way!" Apila niya habang nakakunot ang noo.
"Yes way!" Huling sabi ko at kumaripas na ako palabas. Wala naman talaga akong lakad palusot ko lang iyon sa kanya para makauwi na agad ako. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad ako. Pumunta ulit ako sa guidance office para mag sign ulit sa first day of punishment namin. Pagkatapos nito ay uuwi na ako. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan palabas ng office ay mukha agad ni Enzo ang sumalubong sa akin. Napanguso ako nung makita ko ang seryoso niyang mukha pero nakakunot ang noo. He's black eyes darted to mine and he greeted his teeth. Nag iwas na lang ako ng tingin at nilagpasan siya. Pagkauwi ko ay nagtungo muna ako sa dining area para magpahanda ng snacks. Nag bihis muna ako bago nagtungo sa garden ng bahay namin para doon muna tumambay. Umupo ako sa rattan na duyan at nagsimulang mag scroll ng kung ano-ano sa cellphone ko. I checked my SMS at halos lahat ng naroon ay g.m lang. Nag decide akong mag log in sa facebook. Halos mabilaukan ako sa kinakain ko ng makita ko ang reply ni Diego sa akin.
Diego:
Welcome :)
"Oh my gosh! Oh my gosh! Shit!" Sabi ko habang hindi makapirme sa kinauupuan ko. Halos mapunit ang labi ko dhil sa ngiti ko. Agad akong nag tungo sa timeline ko at nag status.
"Damn! He replied! <3" Yan yung pinost ko. May agaran namang nag comment.
Jazelle Daine Anderson:
Huwag umasa Yza. :P
Ako:
Shut up Jazz! Bitter ka lang.
Reply ko sa kanya. Nag comment naman si Faye.
Faye Angelic Mondragon:
Good for you. ;)
Ako:
Yeah... ;)
Reply ko sa kanya. Pagkatapos kong replyan ng lahat ng nag comment ay binisita ko ang facebook ni Diego Lonzaga. Nag punta ako sa mga photos niya. Halos lahat ata ng pictures niya ay sinave ko sa phone ko. Stalker na kung stalker wala akong pake. Habang nang istalk ako sa profile niya ay may biglang nag pop-up na message sa messenger ko. And guess who it is? Damn! Its him, Diego. Nakaramdam ako ng excitement sa loob loob ko. Naghuhuramentado ang sistema ko. Binuksan ko yung message niya.
Diego:
Hi. :)
Napasinghap ako sa message niya. Napakagat ako ng labi dahil sa nagbabadyang ngiti sa aking labi pero gosh! Hindi ko talaga mapigilan ang kilig ko. Agad akong nag type. Dahil natataranta ako ay lagi akong nagkakamali kaya binubura ko.
BINABASA MO ANG
⚡
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...