Chapter 58

7 0 0
                                    

Chapter 58

His love

Its been a week at nakaka-recover narin si Enzo. Unlike before na inaanlalayan ko pa siya pero ngayon ay kaya na niyang maglakad na wala ang tulong ko. Though ang kamay niya ay naka-cast parin.

Ngayong araw na ito ay pupunta ulit ako kina Enzo at parang naging routine ko na rin ito araw-araw. Nagdala narin ako ng cupcakes na ginawa ko kagabi para dalhin ito sa kanya. Nag-text ako sa kanya na papunta na ako sa kanila ngunit hindi siya nag-reply. I immediately head on the subdivision where the Montreal's live. Kilala na ako ng gwardya dahil araw-araw kong pagpunta rito kaya madali lang sa akin ang makapasok. Pagka-park na pagka-park ko ng sasakyan ay naagaw agad ng pansin ko ang dalawang magagarang sasakyan na nakaparada rin sa garehe nina Enzo. Hindi ko napigilang magtanong sa gwardya nina Enzo.

"Kuya, may bisita po ba ang mga Montreal?" Sabay turo ko sa mga sasakyan.

"Ah opo ma'am. 'Yung itim na Benz ay sa Lolo po 'yan ni Enzo at 'yung Audi naman po ay sa isang bisita. Hindi ko kilala kung sino pero mga Chinese rin. Sy ata apilyedo nila." Paliwanag ni kuya na kahit hindi ko naman hinihingi. Natigilan ako. Sy? Pamilya iyon ni Lara. Anong ginagawa nila rito? Unti-unting umusbong ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam pero hindi naging maganda ang kutob ko dito. Lalo na't alam ko kung ano ang motibo ng Lolo ni Enzo. Nakita ko na lamang ang sarili ko na naglakad papasok sa bahay nina Enzo. Sa pintuan palang ay nakarinig na ako ng pag-uusap. Napatigil ako.

"I told you my decision is final. I won't let you decide of whom I love, whom I should to be with and whom I should marry. And no one can change my decision. Iisa lang sigurado kong papakasalan and that is Yzadora Veronica Rodriguez." Ani ng isang boses na alam kong mula iyon kay Enzo. May riin ang pagkakasabi niya 'nun. My heart hammered my chest in a rapid pace when I heard those. Umalingaw-ngaw ang isang tawa na galing sa matanda.

"You didn't know what you were saying, didn't you? You're still young Enzo, love is big word para maramdaman mo iyan ngayon. What you feel for her is just a feeling na hindi magtatagal. And that girl you're referring ay hindi nararapat para sa iyo. Loving her is a mistake." Parang binagsakan ng langit at lupa ang puso ko nang marinig ko iyon mula sa bibig ng Lolo niya. Parang sinasabi niyang hindi ako karapadapat na mahalin ng isang Enzo.

"No. Loving her is not a mistake. Loving her is the greatest thing I ever felt. You are my grandfather, the father of my mother but who are you to say that Yza is not meant for me. Who are you to decide for myself. Bakit Angkong? Ano po ang alam niyo sa pagmamahal? Dahil kung may alam po kayo, hindi niyo ginawang miserable ang buhay ni Mommy noon at buhay ko ngayon kaya anong karapatan mo..."

"Bastardo!"

"Huwag po!" Bago pa matamaan ng sungkod si Enzo na muntikan nang maihampas ng Lolo niya sa kanya ay tuluyan na akong pumasok sa loob at nilapitan si Enzo. Bakas sa mukha nila ang gulat dahil biglaan kong pagdating.

"Huwag niyo pong saktan si Enzo." I said.

"Yza." Hindi makapaniwalang utas ni Enzo ngunit hindi ko muna iyon pinuna. Nagtagpo ang mata ko at ang mata ni Lara. Gulat ang naroon sa mga mata niya. Nag-tiim bagang ako. Akala ko ba alam na niya ang halaga niya bilang babae? Ngunit bakit nandito siya? Iniwas ko ang tingin sa kanya at matapang kong binaling ang tingin sa Lolo ni Enzo na matalim ang tingin sa akin.

Hinawakan ko ang kamay ni Enzo dahilan para malipat ang tingin niya roon mula sa mukha ko. Sa mga oras na ito, isa lang ang nasa isip ko. This is our love and this is our fight. Kung dati, si Enzo lang ang lumalaban ngayon, nandito na ako. I will fight my live for him. I will fight for our love for each other at sisiguraduhin kong ipapanalo namin ito ngayon hanggang huli.

⚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon