Chapter 45

1 0 0
                                    

Chapter 45

Pinsan

Napahigpit ang hawak ko sa sling pouch ko habang nananatili ang titig ko sa dalawa. I flinched my jaw at tumalikod.

Kaya pala ang on the way niya ay nanatiling on the way parin hanggang ngayon dahil nag-stop over pa pala siya sa iba.

Kaya ba ayaw niyang maghigpit sa akin dahil ayaw niya ri'ng paghigpitan ko siya? Kaya pala ayaw niyang maghigpit para makapaglandi siya? Is that it? Huh! Kung ganoon, kung may side-chick siya eh di dapat may side-boy rin ako para patas. But damn! I can't even imagine myself cheating! Its ridiculous! I won't stoop that so low.

Diretso lang ang lakad ko palayo roon. Ayaw kong makita nila ako. Ayaw kong makitang nag-uusap sila but there's a side of me saying na dapat ay lapitan ko sila at higitin si Enzo palayo roon but may side rin sa akin na umalis na lang. I'm not a masochist kaya umiwas ako para hindi na masaktan pero sa ginagawa ko ngayon ay nasasaktan parin ako. Gawaing tanga nga naman.

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad, hindi alam kung saan pupunta. Habang naglalakad ako ay may narinig naman akong tinatawag ang pangalan ko.

"Yza! Yzadora Veronica!" Ani ng isang boses na babae. Kinunot ko ang noo ko at nilingon ang taong tumawag sa akin.

"Oh my gosh! Ikaw nga! I miss you!!!" Patili niyang sabi at tumakbo palapit sa akin. Namilog ang mata ko. Gulat sa nakikita. Pinagmasdan ko siya habang papalapit sa akin. Ang kanyang buhok ay umiindayog na parang sumasayaw dahil sumasabay iyon sa galaw niya habang tumatakbo. Ang kanyang maputlang kutis ay mas lalong tumingkad dahil sa sinag ng init ng araw. Nakangiti ang mapula niyang labi and her foreign feature ay mas lalong nagpaangat ng kanyang appeal.

"Oh my gosh! I really miss you!" Tili niya ulit at niyakap ako ng mahigpit napaatras pa ako ng isang hakbang dahil yakap niya. Gulat parin ako kaya nung nakabawi ako ay hindi ko rin mapigilan ang sarili ko kundi yakapin rin siya. I missed her too.

"I miss you too Xia, kailan ka pa bumalik? Bakit hindi mo sinabi sa aking uuwi ka pala?" Sabi ko nang maghiwalay kami sa pagkakayakap. Sinikop ko ang aking buhok at nilagay iyon sa kabilang balikat ko.

"Kaninang umaga lang. I just want to surprise you, you know." Aniya at ngumiti. Xia is our childhood friend. Nabuo ang friendship namin nung nasa elementary pa lang kami nina Faye at hanggang ngayon ay nanatili ang friendship namin. Pero nang tumuntong kami ng high school ay hindi na namin siya naging kaklase dahil mag-ma-migrate ang pamilya nila sa America at doon na siya pag-aaralin. Mula noong umalis siya ay hindi na siya nakabalik ng pilipinas, but our communications remained through our social media accounts. Kaya laking gulat ko nang makita siya ngayon. Its been a while, I thought matatagalan pa ang pagbalik niya rito.

Kahit papaano, dahil sa presensya ni Xia ay nakalimutan ko ang tungkol kina Enzo. My full attention diverted to her.

"Where's Faye? I missed her too! Hindi ko pa siya nakikita." Aniya at luminga-linga na para bang makikita niya si Faye.

"She's probably busy for now. Nagpa-practice ata iyon ng badminton." She pouted her lips and nodded. Alam kong marami pa kaming pag-uusapan kaya inaya ko siyang sa canteen na lang kami para magmeryenda na lang muna habang hinihintay si Faye.

"Are you staying here for good o vacation lang?" Tanong ko sa kanya nang umupo kami. Nilapag niya muna ang mga binili niyang pagkain bago ako sinagot.

"Bakasyon lang. We'll stay here for two weeks." Aniya. Tumango ako.

"Sayang naman." Humimga siya ng malalim at tumango.

"Yeah right. I want stay here more but my parents won't let me kahit sinabi kong sa mga tito at tita ko na lang ako mag-i-stay. Ayaw raw nilang baka maabala ko pa sila at ang isa pa nilang inalala ay 'yung pag-aaral ko kaya hindi pwede'ng magtagal ako rito." Aniya at nagkibit ng balikat.

⚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon