Chapter 32
No choice
The next day ay mas lalong lumala ang ugong-ugong tungkol sa amin ni Enzo. Marami akong naririnig na side comments mapabuti man o hindi. Iyon naman talaga lagi nilang ginagawa. Kahit hindi alam ang buong estorya ay may sasabihin a sasabihin talaga sila. Common problem sa mga taong hindi bukas ang pag-iisip. Kagaya na lang ng lagi kong naririnig na kesyo may lahing higad daw ako at pareho ko daw'ng nilalandi si Diego at Enzo. Hitting two birds in one stone ika nga nila. Napapairap na lang ako sa kawalan habang paulit-ulit kong naririnig ang chismisan nila. Minsan naiisip ko kung nananadya ba talaga sila dahil talagang nag chi-chikahan sila pag namamataan nila ako.
Narinig ko ang pag-singhap ni Jazz.
"Naku ha! Ganitong-ganito rin yung nangyari kay Faye dati e. Yung pinag-uusapan rin. Pa-showbiz rin ang mga love life niyo e, daming nangigialam. Pag ako nagka-love life, gusto ko tahimik walang epal. Ganun." Pabulong niyang utas sa amin dahil nasa loob kami ng library. Napatawa naman kami ng mahina ni Faye.
"Depende 'yan Jazz, kung habulin ang magiging boyfriend mo ay h'wag kang umasang magkakaroon ka ng katahimikan. Sa mga babae pa lang na aaligid-aligid sa kanya? Mind you, you will don't like the feeling." Ani ni Faye kay Jazz and I'm very agree with that.
"She's right. Pwera na lang kung mag bo-boyfriend ka ng pangit." Natatawang sabi ko. Nginiwian niya naman ako.
Nag-punta ako sa guidance office para kunin ang ibang gamit ko. Pagdating ko roon ay agad akong pinuno ng tanong ng aking ka-SSC officers.
"Huy, 'di nga? May something sa inyo ni Enzo?" Hindi makapaniwalang tanong ng isa kong ka-officer na agad namang senagundahan ng ka officer ko rin.
"Oo nga. Diba nanliligaw rin sa'yo si Diego? Taray ha, hinahabol-habol ka ng dalawang pinaka-gwapong lalaki ng ating school." Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Ang sarap siguro sa feeling nung hinabo-habol ka nung dalawa ano?" Ani ni Pia at humagikhik.
"Pero diba Yza, nanliligaw si Diego sa'yo? Pano yun? Nagalit ba siya? Sino ang sasagutin mo sa dalawa?"
"Diego is not courting me anymore---"
"At kung susubukan niya ulit, then I would not think twice to break his Goddamn face. What mine is only mine. Walang pweding makikihati." Nag-uumigting ang panga ni Enzo habang sinasabi iyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Namimilog ang mata ko nang bigla siyang sumingit sa pinag-uusapan namin. My cheeks heated like a burning fire. Pulang-pula na siguro ako ngayon. Dagdag pa ang paghiyawan ng mga co-officers ko dahil kanilang nasaksihan. Nakatitig si Enzo sa akin habang naka-nguso para itago ang nag-lalarong ngiti sa kanyang labi. Nag-wala ulit ang mga paru-paro sa loob ng aking tiyan nang mag-tama ang paningin namin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko kaya muli silang nag-hiyawan. Maliban lang sa ka-officer kong si Michelle na tahimik lang sa gilid at naka-ngiti ng matipid habang pinapanuod kami. Hindi siya sumasali sa hiyawan.
"Excuse us. May date pa kami ng future girlfriend ko." Ngiting sabi ni Enzo sa kanila at hinigit ako palabas ng SSC office. Narinig ko pa ang hiyawan nila mula sa labas. Geez. Nakakahiya.
Nilingon niya ako na may nag-lalarong ngiti sa kanyang labi. Dammit! Damn his stare, damn his smile, damn everything about him but still, I still love it at hindi ko alam kung huhupa pa ba itong nararamdaman ko para sa kanya. Huhupa pa ba? Sana hindi na. I don't want this to stop.
Umirap na lang ako para itago ang kilig ko.
"What?" He chuckled. Uminit ulit ang pisngi ko dahil sa panunuya niya.
"Nakakahiya yung kanina Enzo." Kumunot naman ang noo niya.
"Paano naging nakakahiya iyon e ipinagmalaki ko ngang magiging akin ka na mamaya." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sadya niya ba talaga o na dulas lang siya dahil sa pag kurap-kurap niya at pag-awang ng labi niya.
BINABASA MO ANG
⚡
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...