Chapter 16

5 0 0
                                    

Chapter 16

Pwede kayo

Madaling araw nang magising ako dahil sa lamig. Kahit nagtalukbong na ako ng kumot ay wala pareng epekto. Pilit kong hinagilap ang aking phone sa side table at dinaial ang numero ng aking kuya. Dalawang ring pa lang ay sinagot niya agad ito. Thank God. I heard him groaned.

"Hello?" He said using his husky voice.

"K-Kuya..." Nanginging kong sabi.

"Will you come here in my r-room?" My body shivered. Damn! Narinig ko ang paghawi niya sa kanyang kumot para bumangon.

"Okay, why?" Tanong ni kuya Vien.

"I feel like I'm sick." Nakapikit kong utas at nanginginig parin.

"Okay-okay, I'll be there." In that cue I ended the call. Ilang segundo lang ang lumipas ay tumunog at bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Niluwa roon ang aking dalawang kuya. Kuya Luke turned on the light at pinatay niya ang aircon sa aking kwarto. Si kuya Vien ay tinungo ako. Umayos ako sa pagkakahiga at aakmang bumqngon pero pinigilan ako ni kuya.

"Damn! You're so hot!" Ani ni kuya Vien nang nilapat niya ang likod ng kanyang palad. I bit my lip. Ramdam ko kung gaano kainit ang aking katawan dahil ang mga kamay ko ay nasa aking leeg hawak ang kumot. I feel so hot but I'm cold. Inutusan ni kuya si kuya Luke na maghanda ng malamig na tubig at towel. Agad naman itong sinunod ni kuya. Tinanong ako ni kuya kung ano ang ginawa ko kanina at bakit ako nagkalagnat. I told him na naulanan ako dahil sa paghahanap ng masasakyan. Hindi ko sinabi yung tungkol kay Enzo dahil hindi naman iyon importante and if I will spill it to him for sure he's gonna freak out. Pinagsabihan ako ni kuya kung bakit ako nag paulan gayong pwede ko naman silang ni kuya Luke para sila na mismo ang sumundo sa akin. I bit my lip. Bakit hindi ko iyon naisip? Hindi na sana nangyari iyong kanina. Pero mas mabuti narin sigurong nangyari iyon para tigilan na ako ni Enzo sa madaling panahon.

Nilublob ni kuya ang towel sa malamig na tubig at nilagay iyon sa aking noo. Si kuya Luke ay nakatayo lang sa gilid at nakahalukipkip habang dinudungaw ako.

"Hindi niyo ba ginising sila mommy at daddy?" I asked. Umiling silqng dalawa. Nakahinga ako ng maluwag. Alam kong mahimbing pa ang tulog nila ngayon kaya ayaw kong maistorbo sila at ayaw ko ring mag-alala sila. Pinainom nila ako ng gamot. Bumibigat narin ang akng talukap kaya hindi ko maiwasang mapapikit. Hindi ko alam kung anong oras umalis sina kuya sa aking kwarto pero napagtanto kong maaga silang umalis roon dahil nung pag gising ko ay wala na sila roon. Wala narin yung mga ginamit nila para humupa ang aking lagnat.

Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok ang aking magulang. Mom's eyes were very worried habang si dad ay seryoso lang bumangon ako at inayos ang aking sarili. Mom sat at the edge of my bed while dad remained standing on her side and slid his both hands on the pocket of his military uniform pants. Hindi pa suot ni dad ang pang upper na uniform, tanging white shirt lamang ang suot niya at pants pero nagsusumigaw authority sa tindig niya. Yes, my dad is a military. He's a general kaya disiplinado kung tumindig.

"Good morning mom, morning dad." Bati ko. Sinikop ko ang aking buhok at nilagay sa kabilang balikat. Hinaplos ni mommy ang aking pisngi at aking noo. I bit my lips.

"Okay ka na ba?" She sweetly said. Tumango ako. Well, hindi pa naman gaano pero unlike kaninang madaling araw ay sobrang bigat at sama ng katawan. And thanks to my brothers because they took care of me. Hindi nagtagal si mommy at daddy sa aking kwarto dahil maaga pa sila sa trabaho. Abogado si mommy kaya busy talaga sila ni daddy. Hindi ako nakapasok sa araw na ito dahil baka hindi kayanin ng katawan ko. I texted my friends na hindi ako makakapasok dahil nga may lagnat ako. Wala akong ginawa buong araw kundi ang magpahinga at kumain. Kinabukasan ay pumasok ako ng school dahil okay na ang pakiramdam ko. Pinark ko ang aking sasakyan sa parking lot ng school at nag retouch bago pumasok ng school. Naglalakad ako sa pasilyo nang namataan ko si Jazz kausap ang kaklase namin dati. Kumaway siya nang namataan niya rin ako.

"Pumasok ka? Okay ka na ba?" Concerned niyang tanong. Ngumiti ako at pinasadahan ko ang aking buhok at tumango. Kinwento lang sa akin ni Jazz kung ano ang ginawa nila kahapon hanggang sa nakarating kami sa room namin. Lumiwanag ang mukha ni Faye nang makita niya kami ni Jazz na papasok. Binati kami ng mga kaklase namin at sinuklian rin namin iyon ng bati at ngiti. Pag upo ko sa aking upuan ay kinamusta ako ni Faye kung kamusta ang pakiramdam. I answered her truly. Naputol ang pag uusap namin nang pumasok ang prof namin. As usual this class is really boring. Nakahinga ako ng maluwag nang matapos rin ang klaseng iyon. Lumabas kami para magtungo sa susunod naming klase. Kasabay ko ang mga kaibigan ko. Ako ang nasa gitna. Si Faye ay nasa aking kanan at si Jazz ay nasa kaliwa.

"Pareho kayong absent kahapon ah?" Nangingiting utas ni Jazz. Kunot noo ko siyang binalingan.

"Huh? Nino?" Napalingon sa amin si Faye. Curious siguro sa pinag usapan namin. Ngumuso si Jazz sa isang direksyon at sinundan ko naman iyon ng tingin. Napakagat ako ng labi nang makita ko si Enzo roon. Kausap niya ang lalaki. Kaklase niya siguro or what. Napabaling sa direksyon namin si Enzo at halos masamid ako sa sariling laway nang dumapo ang mata niya sa akin. His eyes were really serious. Biglang bumigat ang dibdib ko sa mga titig niya. Hindi siya nag iwas ng tingin kaya ako na mismo ang umiwas at binalingan si Jazz.

"So?" Matabang kung sabi sa naputol naming pag uusap. Tumaas lang kilay niya at ngumuso.

"Wala lang, nasabi ko lang." Kibit balikat niya.

"Kung hindi ka lang nagkasakit, iisipin kong nag date kayo." Aniya at humalakhak. Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya. Rinig ko ring tumawa si Faye ng mahina.

"Baliw." Aniya.

"Ano ka hilo? We're not even..." I bit my lips bago nag patuloy sa aking sasabihin.

"Close." Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay umuurong ang dila ko sa sinabi kong iyon. Hindi ko sinabi sa aking mga kaibigan kung ano man ang namamagitan sa amin ni Enzo. Wait, meron nga ba? Okay wala. Hindi ko sinabi sa kanila dahil hindi naman importante iyon. They just only knew that I hate Enzo to the nth level. Yes, that's it.

Humalakhak ulit si Jazz sa sinabi ko. Krung-krung rin to e,

"Yeah... yeah... well, kung hindi mo lang talaga siya hate iisipin kong may feelings kayo sa isat-isa at kung hindi lang talaga playboy type si Enzo ay iisipin ko ring may gusto talaga siya sayo." She said and wiggle her well trimmed brows. Napaawang ang labi ko and my heart skip a beat. Kumirot iyon nang dahil sa sinabi ni Jazz. I couldn't recognized kung bakit iyon kumikirot. I hissed at her.

"You're just over thinking Jazz. Siguro nakukuha mo iyan sa pagbabasa ng mga confession sa social media. Stop that will you? Nilalamon kana ng sistema mo." Umirap ako. Ito ang ang hindi ko gusto kay Jazz, I mean sa pagiging matabil niya minsan. Umiling lang si Faye habang siya naman ay tumatawa.

"Oh! At isa pa, iisipin ko talagang pwede kayo ni Enzo kung wala ka lang gusto na iba." Aniya at ngumuso ulit sa harapan. Napairap ako sa kawalan. Sinita ni Faye si Jazz kaya tumigil ang bruha. Pag tingin ko sa harap ay nakita kong papunta rin sa direksyon namin si Diego. I bit my lips to hid my smile. Ngumiti siya sa mga kaibigan ko at pati sa akin. I smiled at him. Ramdam kong kinirot ni Faye ang tagiliran ko kaya halis mapamura ako. Isa rin to e, pasimple ko siyang oinandulatan at binalik ang tingin kay Diego nq hanggang ngayon ay nakangiti parin.

"He's looking for you since yesterday." Panunuyang bulgar ni Jazz. Namilig ang mata ko at uminit ang pisngi. Si Diego naman ay napakamot ng batok at nahihiyang tumawa.

"Yeah... I've heard na nagkasakit ka raw, are you okay now?" Ngumiti ako at tumango. Ngumuso siya at rumango rin.

"So, tomorrow?" Kumunot ang noo ko sandali at napa 'Oh' ang bibig ko nang naalala kong bukas nga pala ang labas naming dalawa..Uminit ang pisngi ko dahil roon.

"Sure." Nahihiyamg utas ko. Ngumiti siya ulit and after that ay nagpaalam siya sa amin para pumunta sa next class niya. I bit my lip. Si Jazz at Faye naman at pinuno ako ng tukso.

⚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon