Chapter 56
Love story
Hearing the horror sound of the voice of Enzo's mother made me terrified. My hands were shaking while driving. Mabilis rin ang patakbo ko.
"Shit!" Marahas kong mura dahil sa biglaan kong pag-break. I also heard the loud creek of the wheels. Dahil sa kakamadali ko hindi ko namalayang nag-green light ang traffic light. That was almost. Nang mag-red ay muli kong pinaandar ang sasakyan at nagtungo sa ospital na pinagdalhan kay Enzo.
Wala pang 30 minutes ay nakarating na ako. Dali-dali akong nagtungo sa emergency area at nadatnan ko roon ang mommy't daddy ni Enzo na kausap ang doctor.
"Tita!" I called. Pareho silang napalingon sa akin. May sinabi pa muna ang doctor sa kanila bago umalis.
"Yza!" Ani ni Tita at nilapitan ako't niyakap and then she cried. Napayakap rin ako sa kanya. I glanced to Tito na hinahaplos ang likod ni Tita para patahanin. Humiwalay si Tita sa pagkakayakap sa akin at pinunasan niya muna ang kanyang luha.
"Tita, how was Enzo?" Hindi ko napigilang magtanong. Tinitigan niya muna ako saglit tapos ay binalingan niya ng tingin ang kanyang asawa bago niya binalik ang tingin sa akin. Sa ganoong galaw ay nakaramdam ako ng kaba.
"Ba-bakit po? Ano pong sabi ng doctor?"
"He's still critical. Kinakailangan siyang operhan dahil nagka-blood clot ang ulo niya." Napatakip ako ng bibig at hindi ko napigilang maluha. Parang dinurog ang puso ko sa sinabi ng mommy ni Enzo.
"P-Pero... b-baka mapahamak po si Enzo. B-Baka h-hindi niya kayanin! Wala na po bang ibang paraan?" Nanginginig na ang boses ko. She touch my trembling arms and squeeze it lightly.
"We have to be strong. Enzo is a brave man so should we. He can get through this. We can get through this." And then she hugged me again. Tita is right, we have to be strong. Maililigtas ng mga doctor si Enzo.
"Tita Meliza! Si Enzo? Nasaan po?" Sabi ng boses mula sa likuran. Naghiwalay kami ni Tita sa pagyayakapan. I wiped my tears.
"L-Lara. He's still in the emergency room. Kailangan niyang maoperahan."
"Oh my god! Pa-- what if-- Y-Yza." I looked on Lara's face. Base sa itsura niya nabigla ata siyang nakita ako rito. Her eyes were swollen. Kakaiyak niya lang rin ata. Wala akong tugon, I just stared at her with blank expression. Naputol ang titigan namin nang bumukas ang ER at nilabas roon ng mga nurse si Enzo na nakahilata sa stretcher. My heart pound so fast nang makita ko ang itsura niya. Duguan at madaming galos.
"Enzo..." I whispered under my breath. Nakasunod lang kami hanggang sa pinasok nila si Enzo sa operating room.
"Ma'am, bawal pong pumasok. Hanggang dito lang po kayo." Pigil ng nurse sa akin at sinarado na niya ang pintuan. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at sa braso ko. Paglingon ko ay mommy iyon ni Enzo. She gave me a weak smile. I bit my lip and heave heavily. Umupo kami sa upuang nasa labas ng operating room. Walang ni-isa sa amin ang nagsasalita. Katabi ko si Tita na tahimik na nagdadasal habang ang ama ni Enzo, na si Tito Christian ay nakatayong naka-sandal sa pader habang nakahalukipkip. Nakatingin lang siya sa sahig. Kahit hindi siya nagsasalita ay ramdam kong pati siya ay kinakabahan at na nanampalataya. Sa kabilang upuan ay tahimik na naka-upo si Lara. Pinipisil-pisil niya ang kanyang mga kamay. Kinakabahan rin siya. Napatingin ako sa phone kong nasa aking kamay nang bigla itong umilaw. Napatingin ako sa oras. Its 1:12 am. I closed my eyes and prayed for Enzo's safety.
"Hello mom? I'm here in the hospital now--- No--- I'm okay--- Si... Naaksidente po si Enzo kaya po nandito po ako--- Sorry--- Opo--- Okay po. Bye mom." Si Lara na base sa narinig ko ay kausap niya ang kanyang mommy. Nakatitig lang ako sa kanya nang lumingon siya sa banda ko. Napaawang ang labi niya nang nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Pero agad rin siyang nag-iwas. Tinignan ko muli ang pintuan ng operating room at tumayo at lumapit roon. Sa bintana ng pintuan ay nakikita ko ang loob. Si Enzo na pinapalibutan ng mga nurse at doctor. Si Enzo maraming nakakabit ng kung ano-ano sa kanyang katawan. Si Enzo na mahal na mahal ko. I touched the transparent glass window while still watching them. Nakita kong may tinapat ang doctor sa dibdib ni Enzo. Napakunot ang noo ko pero kalaunan ay namilog ang mga mata ko nang umangat ang dibdib ni Enzo nang alisin ng doctor ang bagay na iyon sa dibdib niya. Muli iyong tinapat sa dibdib niya at wala akong ibang maramdaman kundi sobrang takot. Ang makita ang tuwid na linya sa monitor na katabi ni Enzo ay nakakatakot. Ang makitang ni re-revive siya ng mga doctor ay nakakatakot. Ang makita siyang nag-aagaw buhay ay sobrang nakakatakot. Sa ikatlong pag-angat ng dibdib niya ay napatingin ako sa monitor na katabi ng hinihigaan niya naghihintay na mapalitan ang tuwid na linya ng mga kurba pero sa pagdadasal ko ng tahimik, ay bigo ako. Tinignan ng doctor ang kanyang wristwatch bago kinausap ang nurse. Parang dinambahan ng mabigat na bagay ang puso ko.
BINABASA MO ANG
⚡
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...