Chapter 33
Text
"Can we talk?" Aniya. Mapupungay ang mata niya habang tinitigan ko iyon. Ilang sandali ko siyang pinag-masdan. Hindi talaga ako makapaniwalang nagawa akong pag-laruan ni Diego. Masyadong maamo ang mukha niya. He has this angelic feature. Pointed nose, thin lips, prominent jaw, thick-long-curled eyelashes that make his eyes more expressive. Very soft. Pero sa likod ng ekspresyon na iyon ay may naka-tago and I felt disappointed about it. Huminga ako ng malalim. Iiling na sana ako pero agad siyang nag-salita.
"Please Yza, lets talk. I want to explain everything kung bakit ko iyon nagawa sayo. Just please, please." He begged. I bit my lower lip. Nakikita kong sinsero siya pero nag-dadalawang isip ako.
"Please?" Napa-buntong hininga ako. Maybe its the time na dapat kaming mag-usap para mawala na ang issue'ng ito. Tumango ako. Nabuhayan ang mukha niya at tipid na ngumiti.
Nag-pasya kaming sa Values park na lang ng school kami mag-usap. Hindi kasi ma-tao roon. Walang distorbo at para makapag-usap kami ng maayos. Umupo kami sa bench. Napapaligiran kami ng puno at mga bulaklak. Sa harap namin ay isang pader na pinintahan ng masasayang kulay at may mga naka-sulat roon. Most of it are words if wisdom.
"I'm sorry." Simula niya. Hindi ako nag-salita. Handa akong makinig sa sasabihin niya.
"What I have done and I did to you is not really my intention. Its just that... Kailangan ko lang talaga." Nakahalumbaba siya pero nag-angat siya ng tingin sa akin. His eyes were gloomy and his thick brows slightly knotted. I pressed my lips together.
"I want justice for my brother, Yza." Aniya at nag-baba ng tingin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What is he saying? Justice for his brother? Bakit sa akin? Wala akong nagawang masama!
"Its not what you thought. Wala kang kasalanan in the first place, ako, dahil idinamay kita sa gulong ito." Aniya na parang nababasa niya ang nasa utak ko. Mas lalo akong naguluhan sa mga pinagsasabi ni Diego.
"I don't get you Diego. First, why do you need justice for your brother? Pangalawa, bakit ako? Nalilito ako. Kung ano man 'yang pinagsasabi mo wala akong kinalaman." Paliwanag ko.
"Yeah I know that Yza, kaya please makinig ka sa mga sasabihin ko." He begged. Napabuntong hininga ako.
"Remember Bench? 'Yung ka-tropa kong na meet mo nung dinala kita sa isang house party?" Na aalala ko iyon. Ano naman ang kinalaman rito ni Bench?
"It his idea. Ang gamitin kita. That is his first test for me. At first nag-hesitate ako dahil ayaw kong mandamay but hindi kasi ako makakapasok sa grupo nila pag hindi ko gagawin iyon at pag hindi ako makapasok sa frat ay hindi ko makukuha ang justice na para sa kuya ko." Mariing sabi ni Diego sa huli niyang sinabi. Napa-awang ang labi ko sa sinabi ni Diego. Kinabahan rin ako sa naririnig ko.
"Fraternity? Bakit? Anong ginawa nila sa kuya mo?" Hindi ko mapigilang mapatanong. Nag-kuyom ang kanyang panga. Ayaw niya atang pag-usapan
"Sorry, okay lang naman kung hindi mo sasabih---"
"They killed him." Diretsong sabi niya. Namilog ang mata ko. Hindi ko maitago ang gulat sa aking mukha. Napa-singhap si Diego at napalabi bago nag-patuloy sa pag-kwento.
"My brother was trying to became member of that so called brotherhood. I could still remember that night nang umalis si kuya sa bahay namin I asked him kung saan siya pupunta and he told me the truth. Pupuntahan niya raw ang mga ka-frat niya dahil may hazing raw sila. I did to stop him for coming there pero hindi siya nagpapigil. Kuya is still a newbie that time at last test nila iyon. From the first place, alam ko nang may plano si kuya'ng ma-kasali sa grupong iyon dahil gusto niyang makahanap ng totoong kaibigan but it turns upside-down. Hindi totoo'ng mga kaibigan ang nahanap ni kuya roon dahil sa pag-sali niya kundi mga taong walang puso. They are heartless and ruthless, Yza! They killed my brother! At mas naka-kainis? Ni hindi man lang sila na konsensya. Pinalabas nilang wala silang kasalanan! They should have put in jail right now at pag-bayaran ang ginawa nila but fuck! Hindi sila na kulong." Mariing sabi ni Diego. Kumukuyom ang kamao niya at ang panga niya habang sinasabi ang mga iyon. Bakas rin sa mga mata niya ang galit at hinagpis. May kung anong matulis na bagay ang tumusok sa puso ko.
BINABASA MO ANG
⚡
RomansThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...