Chapter 4

3 0 0
                                    

Chapter 4

Playboy

"Ah, kapagod." Ani ni Enzo at umupo sa sofa. Hindi ko siya pinansin dahil banas parin ako sa presensya niya. Kalahati pa lang ng office ang nalinis namin pero nakaramdam na kami ng pagod. I thought this would be easy but I was wrong. Sinikop ko ang aking buhok at nilagay sa kabilang balikat. Medyo pinagpapawisan narin kasi ako. Napaangat ako ng tingin sa aircon dahil kanina pa kami nandito sa silid pero wala akong naramdamang lamig. Hinagilap ko ang remote para babaan sana ang temperature pero hindi gumana ang remote. Paulit-ulit iyong pinindot pero ayaw talaga.

"Sira ata yan." Ani ni Enzo sa likuran ko. Napakagat ako ng labi at binalik ang remote sa table. Nilingon ko si Enzo at nakita kong pinaandar niya ang electric fan. Nag kibit ako ng balikat at kinuha ang feather dust para punasan ang ibabaw ng isang cabinet o devider na lalagyan ng mga frames and certificates. Medyo mataas iyon at hindi ko abot. Luminga-linga ako para maghanap ng mapapatungan at nakita ko ang isang plastic chair na nasa kabilang sulok. Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko iyon. Nilingon ko si Enzo sa sofa pero nakapikit lang siya habang nakasandal ang ulo sa backrest ng sofa.

Hinubad ko ang aking sapatos maliban sa foot sack at tumuntong ako sa bangko at pinunasan ang ibabaw ng devider. Habang nag lilinis ako may kung ano akong kiliting naramdaman sa may bandang leeg ko pero binalewala ko lang iyon. But I feel something weird. Kinapa ko yung leeg ko and fuck! Napatili na lang ako napamura ng malutong dahil sa na hawakan kong malambot at medyo rough na bagay. Hindi ko alam kung ano iyon but I'm sure it is something kadiri. Its more likely a lizard or what.

"What the fuck!" Rinig kong mura ni Enzo sa likuran ko.

"Oh my gosh! Shit! Yuck! Kadiri!" Sabi ko habang hindi mapakali sa kakapagpag sa damit, likod ad braso ko.

At dahil sa sobrang paranoid ko sa bagay na iyon ay nakalimutan kong nakatungtong pala ako sa plastic chair kaya ang dahilan ay nadulas ako at medyo na walan ako sa balanse. I tried to keep my balance but damn, I can't. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil wala na akong magagawa kundi maghintay sa pagbagsak ko.

Nakapikit ako ng mariin. Naramdaman kong bumagsak ako sa isang matigas na bagay pero ang ipinagtataka ko ay wala akong naramdamang sakit o ano. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata at ang puting kisame agad ang nakita ko. Tinignan ko ang baywang ko at laking gulat ko ng makita kong may brasong mahigpit na nakapulupot roon

"Shit!" I heard a groan. Agad kong nilingon ang likuran ko. But my eyes widened when I saw enzo over me. Nasa balikat niya ang kanang kamay ko para maging suporta and thanks to it dahil kung hindi konting galaw na lang ay magdadampi na ang mga labi namin dahil sa sobrang lapit ng aming mga mukha. Our nose touched. Napalunok ako. Shock is really evident on his face. Kitang-kita ko iyon sa mga medyo singkit niyang mata dahil namimilog iyon. Nagkatitigan kami at gulat ang makikita mo sa aming mga mukha. Lumunok ulit ako tinulak ko paangat ang aking sarili para makalayo ako sa kanya. Lumuwag rin ang pagkakapulupot ng braso ni Enzo sa aking braso. Umusog ako at bumangon naman si Enzo. Pareho kaming nakaupo ngayon sa sahig at walang imik. Inayos ko ang aking buhok dahil gumulo iyon. Habang nag aayos akong buhok ay napatingin ako kay Enzo na ngayon ay hinawakan ang kaliwang siko.

"S-Salamat." Utas ko kaya napabaling ang atensyon niya sa akin. I felt a sudden weird feeling habang sinasabi ang katagang iyon. Hindi ako sa sanay sabihan siya ng ganoon. Well, that is how it should be! I should say thank you to him dahil kung hindi niya ako sinalo ay hindi ko alam kung ano ang kinahahatnan ko ngayon. But there is a foreign feelings, maybe because hindi ko lang talaga feel si Enzo. Napataas naman ang kilay niya and a devil smirked escape on his lips.

"Sayang." And he bit his lips and he chuckled. Naguluhan ako sa sinabi niya. Umiling lang siya at tumayo at naglahad ng kamay sa akin. Tinignan ko muna iyon saglit bago tinanggap ang kamay niya. Wala namang mawawala kung tatanggapin ko iyon. Tinulungan niya akong makatayo. Pinagpag ko ang aking palda dahil baka na dumihan iyon. Nilagay ni Enzo ang kanyang mga kamay sa loob ng bulsa ng kanyang slacks. Umiling siya at tumawa ulit. Honestly? I don't get him.

Pagkauwi ko ay dumiretso na akong humiga sa higaan ko at natulog I feel so exhausted today. Nagising lang ako dahil sa isang tawag.

"Hello?" Inaantok kong sabi.

"Hey! Kanina pa ako tawag ng tawagpero hindi mo ako sinasagot." Ani ni Jazz. Tinig palang kilalang-kilala ko na.

"Sorry, natirulog kasi ako." Sabi ko at tumihaya.

"Mamaya ha? Night out tayo, I'll just send tou the adress." Aniya at pinatay ang tawag. Napapilig naman ako ng ulo dahil may night out pala kami. Tinignan ko ang oras at kakaalasais pa lang. Bumangon ako at agad naligo sa banyo. Sinuot ko ang aking bathrobe at binlow dry ko ang aking buhok. Medyo maaga pa kaya may panahon pa akong makakapg isip kung ano ang susuotin ko. Nilagay ko ang aking index finger sa gilid ng aking labi habang tinitignan ang mga damit na nakalatag sa ibabaw ng aking kama. Kinuha ko hanger na pinagsabitan ng damit at nag tungo ako sa salamin. Malaki iyon at kita ko ang buong katawan ko. Tinapat ko ang damit sa aking katawan habang tinitignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Pa ulit-ulit kong ginawa iyon. Tinatapat ko ang damit sa aking katawan para makita ko kung ano ang bagay. Sa huli ay napili ko ang isang isang fitted blouse na itim at skater skirt na white. Nag apply rin ako ng make-up with all the smokey eyes and red lipstick. Ang aking brown na buhok ay hinayaan kong nakalugay lang. Nung natapos na ako sa pag aayos ay sinuot ko na ang mga accesories ko and whatnots. Sinuot ko rin ang black and white pumps ko. Tamang-tama at 7:45 akong natapos. Tinignan ko ang phone ko at tinext nga sa akin ni Jazz ang address. Nag paalam muna ako sa magulang ako pumayag naman sila. My parents are not really strict, kaya malaya akong makakapag gala, not unless hindi nila kilala ang kasama ko dahil for sure they won't let me go out with out a bodyguard or even my brothers.

Nung nakarating na ako sa bar ay pumasok agad ako sa loob. Nasa loob na kasi sina Jazz. Pagkapasok ko ay ingay agad ng musika ang bumalot sa aking tainga. Kakabukas lang nito pero halatang dinadayo ito dahil sa dami ng tao. Iba-iba ang naroon, models, bachelors, and even famous people. Napunta ang paningin ko sa isang round big table at naaaninag ko mula rito sina Jazz at iba pang mga tao na kasama nila roon. Nagtungo ako roon.

"Hi, Yza!" Bati ng ilang kakilala ko roon. Ngumiti ako sa kanila at kumaway.

"Hi."

"Dito ka o." Ani ni Faye sa akin at mas lalo pang umusog papalapit kay Terence para mabigyan ako ng space Umupo naman ako roon. Halo kaming narito sa table na ito. Iilan ay makakaklase ko at ang iba naman ay ka schoolmate ko na taga ibang department. May nakikita rin akong hindi ko kilala sa table namin. May biglang nag abot ng drinks sa akin at malugod ko naman iyong tinanggap at nilagok iyon. Nung nilapag ko baso lamesa ay lumagpas ang panigin ko sa kabilang upuan at nabigla ako ng makita ko si Enzo nanakaupo roon. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin at ngumiti. Pero mas naagaw ng paningin ko ang babaeng katabi niya at marahang hinahaplos nung babae ang hita ni Enzo at may kung ano siyang binubulong kay Enzo. I know this girl, not by name but I know her dahil sa mukha niya. She's my schoolmate and the Ms. Intramurals last school year. Napailing ako dahil ibang babae na naman ang kalandian niya. Playboy talaga.

⚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon