Chapter 47
Pageant
Pinaliwanag namin kay Xia lahat. Mula una hanggang sa 'yung nadatnan niya kanina. Kahit tapos na naming sinabi iyon, ay palagi parin siyang nagtatanong. Paulit-ulit. Ang kanyang mukha ay hindi parin makapaniwala. She even slapped her cheeks so she could confirm to herself that everything wasn't a dream. She looks stupid on her reaction but I couldn't blame her though dahil masyado naman kasing nakakabigla 'yung nadatnan niya kanina. She didn't expect that. Hindi siya na briefing. After we told her everything, nagtampo siya sa amin especially to me and I understand her. She's my very close friend pero may parte sa aking buhay, malaking parte na hindi ko sinabi sa kanya na ikinatampo niya. But I explain myself for she could understand my side. Sinabi kong humahanap lang ako ng tamang timing para sabihin iyon sa kanya. Na medyo naging shaky 'yung relasyon namin ni Enzo nung dumating siya dahil may mga bagay kaming hindi napagka-intindihan kaya hindi ko agad nasabi sa kanya. I know Xia is understanding, h'wag mo lang siyang tigilan sa pagsuyo at bibigay rin 'yan sa iyon. She accept my apology but with condition---Dapat namin siyang ilibre ni Enzo at nilebre nga namin siya. Puro hiyawan ang naririnig ko. Tambol ng bass drum, mga plastic bottles at kahit torotot ay nakisali rin sa ingay para mag-cheer. Today is the opening of the intramurals and we're all here inside the gymnasium of our school dahil may cheer dance galing sa iba't-ibang department. I wrinkled my nose as I tried to tie my hair up. Sobrang init kasi dahil okyupado masyado ang gym. Habang ginagawa ko iyon naramdaman ko namang may humawak sa baywang ko. Nilingon ko iyon and I saw Enzo's painted face. Hindi naman buong mukha niya ang pinintahan ang kanang parte lang. Dalawang guhit na linya na kulay blue sa kanyang pisngi. Lahat ng estudyante na galing sa department namin ay may ganoon sa pisngi. Pati nga sina Jazz ay Faye ay meron rin. Kami lang ang wala dahil mga candidates kami nakakasira umano sa makeup. Ngumiti ako sa kanya at ganoon rin siya sa akin. He kissed the side of my head nang bigla kaming kinuhanan ng picture ni Faye. Nagulat pa ako nu'n dahil sa flash. I'm sure I do looked ugly on that shot dahil sa gulat kong mukha. "Hey! Ang pangit ko 'dun." Alma ko. Umling naman si Faye at nag-thumbs up. "Its cute." Kumindat pa siya. Kinuhanan niya ulit kami ng picture, this time, sinigurado kong bawat kuha ay maganda ako. Niyakap ako ni Enzo mula sa likod, I didn't protest because I find it sweet and cute. At dahil sa sobrang taas niya ay pinatong niya ang kanyang baba sa aking ulo. Tuwang-tuwa pa si Jazz at Faye dahil ang cute raw naming tignan. I just smile to them. For the last shot, nakayakap parin sa akin si Enzo pero ang ulo niya ay nakalebel na sa akin and he kissed me on my cheeks. Napapikit naman ako ng mariin at napangiti as the camera clicked. Hindi naman kami nakatakas sa tukso ng mga kasama namin kaya hindi ko mapigilang mamula sa hiya. Inilingan ko na lang sila. "You're showing your bare skin." Sumimangot si Enzo. "Konti lang naman. At kasali ito sa pag-judge" Sabi ko habang pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Suot ko ang isang dark blue jeans at 'yung T-shirt na may naka-print na 'Candidate for Mr. and Miss Intramurals 2017' na nakalukot hanggang sa bandang ibabaw ng aking tiyan. My tummy and the small of my back got exposed at 'yun ang ikinareklamo ni Enzo. Nang mag-float parade kasi kanina ay ginanito nung bakla ang mga T-shirt ko dahil kandita raw ako. Kasali raw ito sa pag-judge kaya hindi na ako umangal. "I still hate it." Aniya at binaba ang hem ng aking T-shirt dahilan para matakpan ang aking baywang. Bahagya pa akong napa-iwas dahil tumama ang daliri niya sa gilid ng aking baywang. Damn! May kiliti ako roon! Nakita ko namang ngumuso siya para pigilan ang pagngiti. Dammit. Pagkatapos ng Cheer dance contest ay nagbihis muna ako dahil halos maligo na ako sa sarili kong pawis. Si Enzo naman ay dumiretso sa pool ng school para maghanda. Ngayon kasi 'yung laro niya at manunuod ako. Hindi ako masasamahan ni Faye dahil ngayon rin ang laro ni Terence sa basketball samantalang si Jazz ay naroon sa tinayo naming booth na 'Shakiss' para mag-asikaso. Schedule niya kasi ngayon kaya ako lang mag-isa ang manunuod kay Enzo. Pagkatapos kong magbihis ay nilagay ko muna sa locker 'yung sinuot kong shirt bago nagtungo sa pool area ng school. Pagkadating ko ay marami-rami naring mga estudyante ang naroon para manuod. Pumunta ako sa kanang bahagi ng bleachers at umupo sa bakanteng upuan. 'Di nagtagal ay lumabas narin sina Enzo kasama ang iba pang players galing sa locker room suot lamang ang swimming trunks. Nagtilian naman ang mga babae dahil sa itsura nila may narinig pa akong tinatawag ang pangalan ni Enzo. Umiling na lang ako. For sure hindi sila pumunta rito para mag-cheer lang, kundi para busugin rin ang kanilang mga mata sa mga katawan ng players. Girls. Kumaway si Enzo at ngumiti nang makita niya ako. Ngumiti rin akonat nagsenyas gamit ang aking kamay na 'Laban lang!' Mas lalong lumawak ang ngisi niya sa ginawa ko. "Good luck kiss ko!" Sigaw niya at umalingaw-ngaw iyon sa bawat sulok ng pool are at marami ang nakarinig nu'n. Namula at nag-init ang pisngi ko. Damn him! Napaka-eskandaloso! Pinandilatan ko siya pero ngumisi lang siya. Wala namang nakahalata na ako 'yung sinabihan niya kaya nakahinga rin ako ng maluwag pero inulit niya ulit at ngayon ay nakuha na ng lahat na ako pala ang sinasabihan niya. Damn him! "Uy good luck kiss niya daw oh!" "Kiss mo na para may motivation." "Iki-kiss na 'yan! Iki-kiss na 'yan!" Pati ang mga nasa loob ay nakisali narin sa kalokohan ni Enzo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang hiya ang nararamdaman ko dahil tintignan na kami ng lahat na parang naghihintay talaga na pagbigyan ko si Enzo. Oh God! Please earth swallow me up! Habang ako ay hiyang-hiya na si Enzo naman ay parang aliw na aliw na nakikitang ganito. This guy, damn him! Damn him! I want to curse and shout at him. Gusto niya talagang tinutukso ako. Rinig ko parin 'yung mga pagtutulak ng mga estudyante sa akin na halikan ko si Enzo pero ang nagawa ko na lang ay huminga ng malalim bago sumigaw rin pabalik. "Win this game and I'll give you the reward!" Mas lalo pang lumawak ang ngisi ni Enzo at nagkibit ng balikat na para bang easy lang sa kanya na panaluhin ito. Umismid ako. "Tsss..." Yabang. Pumito yung referee at pumwesto na sina Enzo. May naramdaman akong umupo sa tabi ko pero hindi ko na lang pinansin kung sino iyon. Pumito ulit ang referee at yumuko sina Enzo. Nag pito ulit ang referee at sabay-sabay silang sumisid sa pool. Nakatuon lang ako sa kanila nang may nagsalita. "I thought madadala ka sa mga sinabi ng angkan ni Enzo. Hindi pala." "L-Lara?" Gulat at taka kong tanong. What is she doing here? And... What did she say? Hindi ako nadadala?
BINABASA MO ANG
⚡
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...