Chapter 30

1 0 0
                                    

Chapter 30

Love

Kakatapos lang nang concert at heto kami ngayon nag-lalakad patungong parking lot. Hinatid lang ako ng aking kapatid kanina kaya wala akong dala'ng sasakyan ngayon. Nakatitig lang ako sa magka-hawak naming kamay. I pursed my lips and my heart hammered my chest. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa araw na ito. Hindi ko in-expect na magkikita kami ni Enzo ngayon at magka-hawak kamay. I didn't expect this! Expect the unexpected nga naman. Nilingon ako ni Enzo at nahuli niya akong nakatitig parin sa mga kamay namin. Nung nag-tama ang paningin namin ay napa-awang ang labi ko nang nag-iwas siya ng tingin at binitawan ang kamay ko. Parang may kung anong matulis na tumusok sa aking dibdib. Bakit? Ayaw niya bang hawakan ang kamay ko? Ayaw niya bang maramdaman ako? I bit my lips at tumigil sa pag-lalakad nang mas lalong bumigat ang aking dibdib. Naramdaman niya atang hindi ako naka-sunod sa kanya kaya nilingon niya ako. Nakakunot ang kanyang noo.

"What?" Aniya. Hindi ko siya sinagot at tinitigan ko lang siya ng diretso. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon pero nasisigurado kong may bakas ng lungkot at dismaya ang mukha ko. At ipinagdarasal kong sana makita iyon ni Enzo. Yes! I want him see my deep feelings through my expression! Gusto kong makita niya iyon pero sa nakikita ko sa kanya ngayon ay hindi niya iyon nakita o naramdaman man lang. Nakakalungkot. Kung manhid ako ay mas manhid na manhid na mandhid siya! What's happening to me? Hindi ko alam. All I want right now is Enzo. Huminga ako ng malalim at umiling pero hindi parin ako gumagalaw sa aking kinatatayuan. Narinig ko ang marahas niyang pag-buntong hininga at naglakad palapit sa akin. Madilim ang kanyang ekspresyon. Is he... mad? May kung ano na naman ang tumusok sa aking puso.

"Lets go. Ihahatid kita sa inyo." Mariin niyang utas. Hindi ko alam pero sa bawat bigkas niya sa mga salita ay parang mas bumabaon ang parang matulis na bagay sa aking puso. Ganito ang ang epekto ni Enzo sa akin. Ibang-iba ito kumpara sa nararamdaman ko kay Diego.

"Ba't mo binitawan ang kamay ko?" Walang pagda-dalawang isip kong tanong. Gusto kong malaman kung bakit, at sa kagustuhan kong malaman iyon ay nagiging-desperada na ako!

"Ayaw mo bang mahawakan ang kamay ko? You don't want to feel me? Are you mad at me? Please Enzo, answer me. Ayaw mo ba sa akin? Hold my hand, again. Please?" Desperate, I know. Bahagya pang pumiyok ang boses ko sa huli kong sinabi kaya napa-kagat na lang ako ng pang-ibabang labi. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Naka-awang ang labi niya na para bang hindi siya makapaniwalang hinihiling ko sa kanya iyon. I can't blame him anyway. Ang alam niya ay kinaiinisan ko siya. Napa-buntong hininga ako at nag-baba ng tingin. Darn. Why am I so straight forward?

"I-I'm sorry. H'wag mo nang panasinin 'yon." Sabi ko at tumawa ng mapakla. Napatigil lang ako nang makita kong seryoso ang kanyang ekspresyon. Pakiramdam ko ay nanliit ako sa paninitig niya.

"I'm just..." Mahina at hindi ko matuloy-tuloy'ng sabi. I didn't know what should I say. Naramdaman ko na lang ang mainit niyang palad sa aking kamay. Muling humataw ang puso ko nanga naramdaman ko siya ulit. Bigla akong nakaramdam ng pagka-miss. Nag-angat ako ng tingin at nag-tagpo ang aming paningin. Mapupungay ang kanyang mata. I smiled at him at siya naman ay tipid lang na ngumiti.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan. Wala ni isang nagsalita sa amin habang bumabyahe kami. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nilingon ko siya na seryoso'ng nag-mamaneho at diretso ang kanyang tingin sa daan. Umayos ako ng pagkaka-upo.

"Pwede na ba tayo'ng mag-usap?" Naka-awang labi niya akong nilingon. Ilang saglit kaming nagtitigan pero binalik niya ulit ang tingin niya sa daan. Napalunok ako nang maramdaman kong bumigat aking dibdib. Ayaw niya. Hindi na lang ako umimik.

Na-aaninag ko na ang gate ng subdivision namin nang bigla niyang niliko ang kanyang sasakyan at hindi dumiretso sa subdivision namin. Gulat at kunot noo ko siyang nilingon. Magtatanong sana ako kung bakit niya niliko pero sa nakikita sa ekspresyon niya ay alam kong wala akong makukuhang sagot mula sa kanya. Pinigilan ko na lang ang sarili ko.

⚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon