Chapter 5
Estranghero
Ingay ang bumalot sa bawat sulok ng club. The very loud boom of the music and the shout of the people envaded my ears. Habang ginagala ko ang mata ko kasabay ng mahinang pag he-head bang ng ulo ko para sabayan ang beat ng music ay nadapo ang paningin ko sa kabilang table na kapareho lang sa amin. Kumaway ako ng makita kong naroon pala ang dalawa kong pinsan na sina Axcel at kuya Kent. May mga kasama rin sila roon pero hindi ko masyadong maaninag dahil medyo dim at tanging nag lalarong disco light ang ilaw. Kumaway si kuya Kent sa akin samantalang si Axcel ay tumango lang. Nawala ang atensyon ko roon ng inabutan ako ni Jazz ng baso na may lamang brandy.
"Your turn." Ngumisi siya at kumindat. Hindi ako nag atubiling tanggapin iyon at agad nilagok. Napatikhim ako ng yumakap agad ang alak sa aking lalamunan pababa. Hindi mahina ang tolerance ko sa alcohol kaya, kaya kong uminom ng mas marami pa. Unlike my best friend Faye, ay hindi siya nakakatagal ng limang shots lang.
"Lets play spin the bottle. Truth or FMK." Ani ni Darwin habang tinataas ang walang laman na bote.
"Game!" Anila.
"Sige." Sabi ko at ngumiti. Inalais muna namin ang nasa table namin bago nilapag ng pahiga ang bote. Pinaikot na yung bote at huminto ang bibig nung bote sa dereksyon ni Jazz. Nag hiyawan naman kami.
"Truth." Ani Jazz na natatawa. Agad namang nag taas ng kamay si Marco para mag tanong.
"If ever man na liligawan kita? May pag-asa ba?" Ani ni Marco at kumindat pa. Natawa naman kami sa kanya. Napuno ng tuksuhan si Jazz at Marco kaya mas lalong umingay ang table namin dahilan kaya napapatingin ang mga nasa kabilang table. Tumawa muna sa Jazz bago sumagot.
"Wala." Aniya. Si Marco naman ay na pahawak da kanyang dibdib at nagkunwaring parang nasasaktan. Tinukso naman siya ng iba naming kasamang mga lalaki. Sa pangalawang ikot ay sa dereksyon ni Terence tumutok ang bote.
"FMK." Agaran niyang sabi. Nakangiti lang ako habang si Faye ay nakakunot ang noo.
"Fuck my future wife, Marry Faye Angelic Mondragon and I'm gonna Kill those asshole who will try to stole her from me." Seryosong sabi ni Terence at ngumiti ng matipid. Nakita ko kung paano namula ang mukha ni Faye. Hindi ko alam kung kinikilig ba siya or nahihiya. I think, both. This two couple are really sweet and I really find them perfect couple. Nag hiyawan naman ang mga kasama namin at tinukso sila at nakisali narin ako.
"Can't wait for the wedding. Abay ako ha?" Sabi ko at kumindat. Halos sumiksik si Faye kay Terence kaya mas lalo kaming natawa. Nung humupa na ang tuksuhan at pinaikot ulit yung bote. Mga ilang minuto narin ang nakalipas at halos lahat ng mga kasama namin ay napili na. Ako na lang ata at si Enzo pati yung katabi niyang babae ang hindi pa napipili. Si Cristine ang nag paikot ng bote. Nung huminto iyon ay sa akin iyon tumutok. Pinasadahan ko ang aking buhok at ngumiti.
"Truth." Sabi ko.
"Sino ang crush mo?" Tanong ni Cristine since siya yung nag paikot ng bote. Nagulat ako sa tanong niya. Sana pala nag FMK na lang ako.
"Pwedeng pass?" Sabi ko at tumawa.
"Hindi!" Halos sabay nilang sabi. Napanguso naman ako. Okay, no choice.
"Si Diego Lonzaga." Sabi ko at napahawak ako ng pisngi dahil sa hiya. Tinukso naman nila ako kaya umirap ako. But inside kinikilig ako.
"FMK." Ani ni Enzo nung sa kanya tumutok yung bote. Ngumisi muna siya sa amin.
"Fuck Faye." Aniya at tumawa. Napaawang naman labi ko. Nah, wrong move Enzo. Tinignan ko si Faye na hinawakan ang braso ni Terence para pigilan. But knowing Terence, he's really hard to those guy who would try to hit her girl.
"What did you say?" Seryosong sabi ni Terence. Halatang nagpipigil lang siya dahil andito si Faye.
"Whoa, whoa! Chill dude." Ani ni Enzo habang nakataas ang dalawang kamay pero nakangiti parin. Ito na nga bang sinasabi ko. Why so stupid Enzo?
"This is just a play. And, don't act like a possessive husband. You're just a boyfriend you kno---" Hindi natapos ni Enzo ang sinasabi niya dahil sa isang iglap ay bigla siyang kinweyohan ni Terence. Ang bilis. Naghiyawan yung mga kasama naming babae at si Faye naman ay nilapitan si Terence para awatin. Pati mga kasama naming lalaki ay nilapitan rin sila pra awatin. Halos umangat si Enzo sa kinauupuan niya.
"Faye, mas mabuting ilayo mo muna lang yan si Terence dito." Sabi ko sa kanya nung naawat na sila. Tumango na lang siya at nilayo nga niya si Terence. Tinignan ko si Enzo na kinakausap nina Darwin at Marco pero siya ay tumatawa lang. Kahit kailan talaga ay napaka kagago nito. Umupo ako nang biglang nag beep ang phone ko. Message iyon ni Faye.
Faye:
Yza pakisabi na uuwi na kami at sorry for what happened.
Ako:
Sige take care.
Reply ko.
"Guys, uuwi na lang daw sina Faye." Sabi ko. Tumango na lang sila. Kinuha ko yung bote ng brandy at nag salin sa baso at nilagok iyon. Napadaan ulit ang tingin ko kay Enzo na kausap ulit yung babae na parang wala siyang ginawang mali. Napaismid ako at napairap. Habang nag iinuman kami ay nahagip ng paningin ko ang grupo nina Diego na papunta sa dereksyon namin. What the fudge! No, not here. Akala ko ako lang ang nakapansin hindi pala.
"Uy, papunta sina Diego dito." Ani ni Cristine at ngumiti sa akin ng nakakaloko. Nag hiyawan naman sila at tinukso ako. Dammit! Baka mahalata sila ni Diego.
"Yieee! Kilig na yan." Ani ni Jazz sa akin at sinundot yung tagiliran ko kaya napaigtad ako. Pinandilatan ko siya pero tumawa lang siya. Pinasadahan ko ang aking buhok at sumandal sa backrest ng sofa at humalukipkip. Nagtagpo ang mata namin Enzo. He raised his left eyebrow habang seryoso ang mukha. Kinunot ko lang ang noo ko at nag iwas ng tingin. Agad naman nilang binati at inaya ng inuman ang grupo nina Diego. Ako naman ay hindi na mapakali sa kinauupuan ko.
"Diego, dito ka sa tabi ni Yza." Ani ni Jazz na naka ngisi. Nag hiyawan ulit ang mga kasama namin.
"Uyyy..." Si Diego ay nakakunot lang ang noo at takang-taka sa inasta nila. Napakagat ako ng labi para pigilan ang ngiti. He's really cute with that expression.
"Hi." Aniya sa akin at ngumiti. Umayos ako ng pagkakaupo.
"Hi." Ngumiti rin ako sa kanya. Tinukso ulit kami ng mga kaklase ko kaya pinandilatan ko sila. Pahamak talaga.
"So kumusta?" Aniya sa akin.
"Okay lang naman, still pretty and gorgeous." Sabi ko ng pabiro para hindi mahalatang kinakabahan ako. Natawa naman si Diego sa sinabi ko.
"Didn't know you're a funny type of girl." Aniya at ngumiti sa akin. Napanguso na lang ako. We talked so many and random things. Nahupa narin ang panunukso ng mga kasama ko dahil naging busy rin sila sa pakikipag usap. Habang tumatawa ako ay nahagip ng paningin ko si Enzo na seryosong nakatingin sa amin. Nilagok niya ang alak na nasa kanyang baso habang hindi winawala ang paningin sa amin. Nag iwas ako ng tingin. Pero sa gilid ng aking mata ay nakikita kong nakatingin parin siya sa amin and I'm really not comfortable with it. Habang nag uusap kami ay bigla naman akong hinila ni Cristine para sumayaw.
"Hiramin muna namin Diego ha?"
"Wag mo silang guluhin, alam mo na quality time." Ani ni Jazz at ngumiti ng nakakaloko. Tumawa naman si Diego habang ako ay nakaramdam ng pag iinit ng pisngi.
"Hindi okay lang." Ani ni Diego. Nag pasya akong sumama na lang kina Jazz para naman hindi mahalata ni Diego na may something ako sa kanya. Nung nasa gitna kami ng dance floor ay nagsimula na kaming sumayaw. Pero agad rin namang nawala sina Jazz at Cristine. Naghahanap na naman siguro ng expat. Nakisabay narin na lanag ako sa bawat sayaw ng mga tao sa dance floor. I close my eyes and swayed my hips. Habang sumasayaw ako ay naramdaman kong may sumayaw rin sa likod ko. He's really near to me kaya na amoy ko ang pabango niyang panglalaki. Nag patuloy sa pag sayaw at ganun rin yung estrangherong lalaki sa likod ko at sinasabayan ang bawat galaw ko. He suddenly held my waist kaya bahagya akong napatigil and damn! bigla ako nakramdam ng kilabot sa haplos niyang iyon. Napasin niya ata iyon kaya napatawa siya ng mahina sa tainga ko.
BINABASA MO ANG
⚡
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...