Chapter 50

2 0 0
                                    

Chapter 50

Toxic

7 months, 3 weeks, 4 days and 10 hours. Minarkahan ko ng 'X' ang May 18 sa aking calendar. Its been a while when Enzo left me nothing but a heartache. But here I am still hoping he'd come back for me. I heave a deep breath and dropped down the sharpie on the table I used for markings.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang aking sarili sa harap ng salamin bago lumabas ng aking kwarto. Pagkababa ko ay nadatnan ko si Diego na naka-upo sa living room namin at hinihintay ako. Parang may kung anong kumirot sa puso ko but I decided to pushed away that pain in my heart. Pinilig ko ang ulo ko at ngintian si Diego.

"You okay?" Aniya nang tumayo siya. I pursed my lips.

"Yep." I flashed a small smile to make him believe that I'm really okay. Nagtaas siya ng kilay. I know what he's thinking. Sa mga panahong nagdaan, si Diego ang aking laging nakakasama kaya kilalang-kilala ko ang bawat galaw at ekspresyon niya. Ganun rin naman siya sa akin.

"You sure? You're thinking him again, didn't you?" At hindi nga ako nagkamali. Basang-basa niya talaga ang bawat galaw ko. Hindi ko nalang siya sinagot at inaya siyang umalis na at magtungo na sa school. Hindi rin naman niya ako kinulit. That's what I liked about Diego, hindi niya pinipilit ang mga bagay na alam niyang iniiwasan o ayaw kong pag-usapan. Imbes ay hinahayaan niya lang ako kung kelan ko gustong pag-usapan ang mga iyon. Nakarating rin kami sa school kalaunan. Enrollment na kasi and this incoming school-year is 3rd year na kami. Ang dali lang pala lumipas ng panahon at sa susunod na school-year ay graduating na kami.

Pagka-park niya sa parking lot ng school ay lumabas na ako ng sasakyan niya at naunang maglakad.

"Hey! Wait up!" Aniya habang nakasunod sa akin. Pero hindi ako nakinig at mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko.

"Damn!" Mura niya nang nasa gilid ko na siya. Napatawa naman ako. Gusto ko talagang inaalila at tini-tease ko siya. Ayaw niya kasing inuunahan ko siya sa paglalakad dahil nakakahingal raw maghabol.

"Ang bilis mo talagang maglakad."

"Hindi ah, mabagal ka lang talaga. Ang lamya mo, lalaki ka ba talaga?" Tukso ko na naman. He gave me a deadly stare but I just laughed at him. Sa tagal naming naging magkaibigan ni Diego ay nalaman kong pikunin pala siya kaya gustong-gusto kong pinipikon siya dahil ang cute niyang tignan.

"Why you'd always doubting my gender, huh?" Bakas sa boses niya ang pagiging pikon. Mas lalo lang akong natawa.

"You're so serious dude. I'm just joking okay?" Natatawa kong sabi. He snorted but afterwards a slay smile appeared on his face and he put his arm on my shoulders.

"Alam mo talaga kung paano ako pikunin."

"Hindi ah, pikunin ka lang talaga." I corrected him. Umiling lang siya nagpatuloy kami sa paglalakad. Diego and I were very close since then. Siya kasi 'yung laging nasasandalan ko nung mga panahong nalulungkot ako. Nandiyan naman palagi sina Faye but Diego was always there as my handkerchief every time I cried kaya ganito kami ka-close ngayon. I could label him as my guy best friend for everything what he had done to me. Minsan hindi maiwasang tinutukso kami ng mga kaibigan namin dahil halos 24/7 kaming magkasama ni Diego pero lagi naming sinasabi na magkaibigan lang talaga kami.

Hinatid muna ako ni Diego sa building ng institute namin bago siya pumunta sa building nila na sa Engineering institute.

Nandoon na si Faye, Jazz at iba pa naming ka block mates namin last sem. Nagtungo ako sa kanila at binati ang mga kaibigan ko.

"Iba na 'yang closeness ni Diego ah. May improvement ba ang friendship niyo?" Makahulugang tanong ni Jazz.

"Baliw. Magkaibigan lang kami ni Diego. Ilang beses ko na ba iyang sinasabi sa'yo ha?" Hindi ko na mabilang kung pang-ilang pagkakataon ko nang sinasabi iyan sa kanya pero sadya atang hindi pumapasok iyon sa kokote niya.

⚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon