Chapter 25

3 0 0
                                    

Chapter 25

Can I court you?

Tinaasan ko ng kilay si Enzo. Hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Ayoko. Baka may lason pa 'yan." I spat. Kumunot ang kanyang noo.

"You're so judgemental."

"Aba! Malay ko bang nilagyan mo iyan ng lason Montreal or worst, gayuma." Sinamaan ko siya ng tingin. He groaned.

"Your thoughts are so exaggerated, can you just say, 'Uhh... why so sweet sweetheart? Thank you sa effort.'" He's said as he imitated the sweet voice of a girl and his eyes were blinking like a puppy. Trying hard ang loko. Hindi ko alam kong matatawa ba ako sa ginawa niya o maiinis dahil sa endearment niya. Ngunit nangibabaw parin pagkatawa ko sakanya. I pouted my lips so I can stop it from smiling and just rolled my eyes instead.

"Happy now?" Sarcastic niyang sabi. Nagkibit ako ng balikat. Hindi kasi ako kombensido sa sinabi niya kaya I ordered him to taste all the foods that he bought para makasigurado akong wala talaga siyang nilagay na kung ano. Wala na akong nagawa kundi ang sabayan si Enzo sa paglunch, masyado na kasing hassle kong bababa pa ako at pumunta ng cafeteria lalo na't nasa tuktok kami ng building na eight floor ang taas. I just texted my friends na hindi na ako sasabay sa kanila sa paglunch at sinabing niyaya ako ng Ka-SSC officer ko at nilibre ako. I lied again. I sighed. We eat our lunch smoothly.

"Akin na ang phone ko." Naglahad ako ng kamay. Tapos na kaming kumain kaya kinukuha ko na ang phone ko. Tamad niyang kinuha ang phone ko sa bulsa ng kanyang slacks at ibinigay sa akin. Inabot niya rin ang paper bag na ang laman ay ang unipormeng naiwan ko sa kanila.

"Pinakialaman mo ba ito?" I glared my eyes at him. He bit his lower lip and smirked. Mas tinaliman ko ang tingin ko sa kanyan. Sa ngiti niya pa lang ay alam kong may ginawa siya. Hinalungkay ko ang laman nito para icheck.

"Bwesit ka talaga! Anong ginawa mo sa phone ko!" Asik ko sa kanya at sinapak siya ng matinde sa braso. Ngumiwi siya dahil sa paglagiti ng palad ko sa balat niya. Sinapak ko siya ulit. Geez! Nakakainis talaga tong peste na to!

"Ouch! Stop it." Daing niya habang sinasagang ang mga hampas ko. Namanhid narin ang palad ko kaya tumigil ako at pinagpatuloy ko ang paghalungkat sa phone ko. Napasinghap ako nang makita kong nasa kinse na lang ang mga contact number ang nakasave roon. My number, my parents number, sa aking mga kapatid at sa aking mga kaibigan ko na babae. Tinignan ko rin kong naroon parin ang numero ni Diego pero iba ang nakita ko. 'Enzo Sweetheart143' Yan 'yung nakasave. Aba't ang lakas ng loob ng loko para isave ang number niya rito sa phone ko.

"Anong karapatan mo para idelete ang mga numero sa contacts ko!" Inis kong utas sa kanya. He just shrugged his shoulder na para bang wala lamg sa kanya ang asik ko. Bwesit. I glared at him nung ang messages naman ang chineck ko. Shit! Mura ko sa isip ko habang binabasa ang iilang conversations. Mga unregistered at may mga reply galing kay Enzo.

Unregistered:

Can I call you miss beautiful?

His reply:

Asshole. Call this number and I'll break your face. I'm the boyfriend.

Napairap ako sa reply ni Enzo. Boyfriend? Really? Tss... Ang lakas ng saltik ng lalaking ito. But at the back of my thought ay napatawa rin sa ginawa niya dahil natakot niya ata ang nagtext.

Unregistered:

Oh! I'm sorry dude, wrong sent.

Pa cool kid. Duwag naman. Habang patuloy ako sa pagcheck ng phone ko ay bigla namam siyang nagsalita.

"I just got irritated you know. Daming epal." He's said and hissed.

"So? The hell you care. You're not my boyfriend. You've shouldn't done that." Hindi ko na napigilan ang inis sa aking loob kaya nasabi ko ang mga offensive words na iyon. Tiim bagang ko siyang dinungaw dahil nakaupo siya. Nakaangat ang tingin niya sa akin at nagkuyom niya ang kanyang bagang. I diverted my gaze when I saw his glare. What? Is he mad? Heck! Siya pa talaga ang galit, gayong ako naman dapat dahil pinakialaman niya ang phone ko. Napailing na lang ako at umalis na lang roon at iniwan siya roon. Nang nakababa na ako at nakaalis sa building na iyon ay bahagyang bumigat ang aking dibdib. Huminto ako at nilingon ang building at inangat ang aking paningin sa tuktok nito. Is he... still there? I sighed and bit my lips at my thought. Kinuha ko ang aking phone at nag type.

⚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon