Chapter 29
Thumb
"Holly cow Jazz, you're just kidding right?" Sabi ko at mataman siyang tinitigan. Hindi parin kasi ako makapaniwala sa ibinunyag niya sa akin. Para akong tangang nakatunga-nga lang habang nakikinig sa pinagsasabi niya.
She just rolled her eyes at me at umingos.
"Nah... I'm not kidding. Kahit itanong mo pa sa kanya." Tamad niyang utas. My lips immediately parted. Pang limang bises ko na ata itong laglag panga dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Hell no." Naiiling kong sabi.
"Hell yeah." Aniya habang maarteng pinapakulot ang tip ng buhok niya gamit ang kanyang daliri.
"Well, its up to you kung maniniwala ka ba o hindi, basta ang lahat ng sinabi ko ay totoo. And by the way, sinukahan mo lang naman siya at ang loob ng sasakyan niya." Nangingiwi niyang sabi na parang diringdiri siya. Umirap ulit siya.
"What? Are you dead serious? Ba't wala akong matandaan?" Gulat kong utas. The heck! Wala talaga akong maalala sa bagay na iyon. Ang naaalala ko lang ay ang malakas na music, mga naglalarong makukulay na ilaw, at mga taong nagsasayaw sa dance floor and that was the only memories I've remember last night. And I woke up this morning like I am carrying the whole world in my head. It feels so heavy and I feel unbearable pain because of hangover. At wala talaga akong maalalang sinukahan ko si Enzo at ang sasakyan niya. Yes, its him that we've been talking since kanina pa. Jazz told me that I passed out last night because I was so drunk. She tried to assist me but she couldn't dahilan para matumba raw kami sa kabilang sofa. She decided to asked for a help from the waiters or any of the staff of the bar and leave me unconsciously there. While she's looking for the staff, nabigla na lang raw siya na may umakay sa akin na hindi niya kilalang lalaki. Dali-dali niya raw akong binalikan dahil sa itsura pa lang raw nang lalaki ay hindi na ito mapagkakatiwalaan. She said that, that guy took advantage my unconsciousness.
Papalapit na siya sa akin nang napatigil raw siya. Mabilis raw ang pangyayari. Nagulat na lang siya na makitang nakabulagta na ang lalaki sa sahig at ako ay nasa braso ni Enzo, binubuhat. She was at the state of shock and then she saw the angry beast face of Enzo. She said that she can't utter a words because of shock. Sinundan niya lang daw si Enzo habang buhat ako papunta sa sasakyan nito at hinatid kami sa mga bahay namin. I asked her kung si Enzo lang ba ang naghatid sa akin and she said 'yes' kaya hindi niya alam kung sino ang sumalubong sa akin sa labas ng aming bahay but I'm sure its neither mom nor dad because they never scolded me kaninang umaga. Sila kuya siguro. And then she mention that vomit scene, nakaramdam ako ng hiya. Did I really do that? Sa kanya at sa kotse niya? Darn! Stupid Yza! Stupid.
"Shunga ka? Talagang hindi mo iyon maaalala dahil lasing na lasing ka! Halos kaladkarin na nga kita kagabi dahil sa sobrang kalasingan mo." She snorted and rolled her eyes at me again.
"Ini-stress mo talaga ako. Nakakasira ng poise yung pagalalay ko sayo alam mo yun?" She hissed at umirap ulit. What a friend.
"Gusto mo dukutin ko 'yang mata mo dahil sa kakairap mo?" Banta ko. Kanina pa kasi siya irap ng irap. Ako ang nahihilo sa kakairap niya.
"O? Ano pinagtatalunan niyo?" Ani ni Faye na kararating lang. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakakunot ang noo niya. She didn't know anything about what happened last night dahil hindi naman siya sumama sa pag night out namin kagabi ni Jazz. Umiling na lang ako sa kanya but knowing Jazz na may lahing chismosa at reporter at kinwento niya kay Faye ang nangyari kagabi. Napailing na lang ako. I bit my lips. He's there last night? And He save me from that jerk. Hindi ko mapigilang mapangiti. My heart hammered my chest so hard na para bang natutuwa ito sa mga nalaman and I can feel the butterflies were partying inside my stomach and it feels good.
Pumipila na ako ngayon para makapasok sa Araneta. Ngayon na kasi ang concert ng paborito kong banda.
"Pasok na po kayo ma'am." Ani nung babae na nakauniporme ng pangimpleyado pagkatapos niyang kinuha ang ticket ko at tinatakan ako. Ako lang mag-isa dahil ako lang naman ang may ticket sa aming magkakaibigan. Pumasok na ako sa loob at pumwesto sa VIP seat. Pinili ko yung seat na malapit lang sa stage. Halos puno na ang loob ng arena dahil sa dami ng tao at mas lalong pupuno pa ito dahil marami pang nakapila sa labas. Oh well, hindi na ako magtataka dahil sobrang sikat naman talaga ng bandang Moon Light. Napanguso ako habang tinitigan ang tatak sa aking kamay. Parang hinaplos ng mainit na bagay ang puso ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nakapunta sa concert na ito dahil sa binigay niyang ticket. And I owe him for that. I really owe him. Napangiti ako ng wala sa sarili. Luminga ako sa paligid dahil umaasa akong baka narito siya pero wala siya. I feel sad. Parang gusto kong humiling na sana nandito siya, kasama kong manunuod. Feeling ko ay baka mabobore lang ako dito ngayon. Pinilig ko ang ulo ko. Geez, why am I thinking this? I shouldn't thought those thoughts dahil talagang mabobore lang ako pag nagpatuloy. Hindi nagtagal ay nag simula na ang concert. Sabay na lumabas ang apat na myembro ng Moon Light kaya dumagundong ang hiyawan ng mga tao. Nakisali narin ako. Nag salita si Kurt na siyang vocalista ng grupo na halos hindi ko masyadong marinig ang sinabi niya dahil sa ingay.
"Hello! Araneta!!!"
Nagsimula nang tumugtog ang banda nila and the crowd became more wild. Ako naman ay winawagayway ang hawak kong stick na umiilaw na binili ko kanina sa labas. Gaya ng ibang mga audience ay sumasabay rin ako sa pagkanta. I don't care if my voice sounds horible, ang imporyante kabisado ko ang lyrics.
"I love you Kurt!!!" Sigaw ko nang bumaba siya sa stage at pumunta sa banda namin. Narinig niya ata ang sigaw ko dahil napatingin siya sa akin at ngumiti.
"I love you too." Aniya at kumindat sa akin. Hindi ko mapigilang kiligin. Damn! Ang gwapo! He's my super idol kaya sobrang saya ko dahil napansin niya ako.
Iinom sana ako ng tubig nang pagtingin ko sa binili kong mineral water ay wala na itong laman. Medyo nanunuyo na kasi ang lalamunan ko dahil sa kasisigaw. Nagulat na lang ako nang bigla akong nilapitan ng isang staff at inabutan ako ng mineral water.
"Ito po ma'am, ubos na po raw kasi ang tubig niyo." Aniya. Kahit naguguluhan ako ay tinanggap ko parin ang tubig at agad namang umalis si kuya. Umupo muna ako sa pagkakatayo at tinitigan ang plastic bottle na may lamang tubig. Sino kaya ang nagbigay nito? My heart thumped very fast nang may iisang tao ang pumasok sa isip ko. Could it be him? Could it be Enzo? And with that, tumayo ako nilinga ang paligid. Kahit nahihilo ako sa dami ng tao ay hindi ako tumigil. I cringed my neck and roamed my eyes dahil baka may makita akong Enzo pero wala. Bumalik ako sa pagkakaupo dahil nahihilo na ako. Kinain ko na lang ang binili kong fries at popcorn pero nakaramdam parin ako ng gutom nang maubos iyon. Bakit ba kasi 'yun lang ang binili ko kanina. Oh right, dahil sa sobrang excited ko pa lang makapasok rito at ito na lang ang nabitbit ko. Inubos ko rin ang tubig ko pero gutom parin ako. Napabuntong hininga ako.
"You should have bought so many food nang hindi ka nagugutom." A baritone voice said. Agad kong nilingon ang nag mamay-ari ng boses. Namilog ang mata ko at napaawang labi ko. Habang ang puso ko ay parang kasali sa isang karerahan dahil sa lakas ng tibok nito. Oh God! Please tell me I'm not dreaming, kung panaginip man ito ay ayaw ko nang magising. Napalunok ako habang titig na titig parin ako sa mukha ni Enzo. Nakaball cap, black shirt at dark blue pants. Simple yet, he look so handsome with that outfit.He gave me smug look at umupo sa bakateng upuan na katabi ko. I thought its already sold out pero bakit may bakante?
BINABASA MO ANG
⚡
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...