Chapter 12
Stole
Pinarada niya ang kanyang sa sasakyan sa isang lugar na hindi ko alam kung saang parte ng pilipinas. Tinignan ko ang oras sa suot kong wristwatch and it is still 9:17 in the evening. Napasinghap ako at nilingon ko si Enzo pero kalalabas niya lang ng sasakyan niya. Lumabas rin ako. Sumandal siya sa harapan ng kanyang sasakyan at nilagay ang mga kamay sa loob ng kanyang bulsa.
"Hey! Where on earth are we?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Tinignan ko ang paligid. Nasa gilid kami ng kalsada, madilim ang paligid at tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag sa amin. Sa malayuan ay makikita mo ang kumikislap na tubig galing sa dagat. I want to enjoy the view but being to a place that you didn't know in where on earth is it, makes me bother. Nilingon ko si Enzo nang hindi niya sinagot ang tanong ko. Seryoso parin ang mukha niya habang sinisindihan ang sigarilyo.
"You do smoke?" I'm kinda rude sometimes kaya hindi ko maiwasang hindi mabahiran ng disappointment ang tono ng aking pananalita. Tamad niya akong binalingan at nagkibit ng balikat at nag puffed ng sigarilyo. Umirap ako sa kawalan. Nilapitan ko siya at bago pa siya makapag hit-hit ulit at kinuha ko iyon sa kamay niya at tinapon ko iyon sa lupa at tinapakan. I heard him cursed silently. I faced him and glared at him.
"Magpapakamatay ka ba?" I spat. Nagtaas lang siya ng kilay at ngumuso.
"Pag namatay ba ako, may paki ka ba? Iiyak ka?" I was caught off guard because of his question. Seryoso ang kanyang mukha. I stared at him intently and tinatantsa ko kung maybahid ba iyon ng pagbibiro but there's no clues in his eyes. Umangat ang gilid ng kanyang labi.
"Of course you would, masyado kang baliw sa akin ka talagang iiyak ka." Aniya at umalingaw-ngaw ang kanyang tawa sa buong paligid. Napaawang ang labi ko at napaismid.
"Ha! Asa ka! Kung iiyak man ako sign yun ng masaya ako. Tears of joy. Feelingero ka." Mariin kong utas sa kanya. Umiling lang siya at tumawa ng mahina. Humalukipkip ako at sumandal rin sa kanyang sasakyan. Pareho kaming tahimik at tanging ihip lang ng hangin ang naririnig namin. Nanuot ang lamig ng hangin sa aking balat kaya napayakap ako sa sarili ko. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong sinulyapan ako ni Enzo bago siya pumunta sa may likod ng kanyang sasakyan at may kinuha siya roon. Bumalik siya at pumunta sa harapan ko. May hawak siyang kulay itim na bagay. Nabigla ako ng bigla niya itong sinuot saakin. Jacket pala iyon. Napakagat ako ng labi.
"Ako na." Sabi ko pero parang wala siyang narinig at patuloy parin siya sa pagsuot sa akin nun. My cheeks heated.
"Next time, huwag kang sumama sa kung sino-sino." Seryosong utas niya na para bang pinapangaralan niya ako. Kumunot ang noo ko.
"Hindi naman kung sino-sino si Diego." Sabi ko habang binababa ang hem ng jacket niya. Suot ko na iyon ngayon. Napatigil ako at napakurap-kurap ako ng mata ng humilig siya palapit sa akin. Tinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa nguso ng kanyang sasakyan sa magkabilang gilid ko. Damn! Here we gi again, sobrang lapit ulit namin sa isat-isa and I find it so dangerous. I don't know why.
"You think so?" Nag taas siya ng kilay.
"Kung hindi kita hinila papasok sa sasakyan ko, maybe you're one of them right now. Crazy and mindless." Patuloy niya. Mas lalo akong naguguluhan sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"Those people are taking party drugs, kaya huwag kang magtitiwala sa grupo nila Bench." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. What the hell? Is he serious? Or he's just making a story? Pero mas lalo akong kinabahan nang maalala ko si Diego.
"Pati si Diego?" Gulat kong tanong. Nagkibit lang siya ng balikat.
"I think he's not, pero kung magpapadala siya, well..." Nagkibit ulit siya ng balikat. Napakagat ako ng labi at bumaba ang tingin ko da lupa. Binalingan ko si Enzo dahil sa pananahimik niya. Seryoso ulit ang kanyang mukha pero nakakunot ang kanyang noo.
"Pwede bang huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng sira ulong yun, kung tayo ang magkasama?" Seryoso pero nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya. Kinunot ko ang ulo ko.
"Hindi sira ulo si Diego." Sabi ko at nilagay ko ang buhok ko sa kabilang balikat.
"If he's not, then ba't ka niya dinala sa ganoong party?" Nagtaas siya ng kilay. Damn! Napatigil ako sa tanong niya dahil alam kong tama siya.
"If I were him, I would not take you there. But sadly I am not him sweetheart." Halos pabulong niyamg sabi. His voice is husky at nanindig ang balahibo ko roon. Bahagya siyang gumalaw kaya mas lalo siyang napalapit sa akin. My heart pound very fast. Shit! I forgot na ganoon parin ang posisyon namin. Humalukipkip ako para hindi siya tuluyang makalapit sa akin. Taas kilay ko siyang binalingan pero ngumiti lang siya ng nakakaloko. Umirap ako at nag iwas ng tingin. Pero hinanap niya ang paningin ko kaya nagtagpo ulit ang paningin namin. Nagiwas ulit ako ng paningin but damn! Pinaglihi ata si Enzo sa makukulit dahil lagi niyang hinuhuli amg paningin ko. Nung napagod sa kaiiwas ay pinandilatan ko siya ng mata. Humalakhak lang siyang tawa at tumungo. Nanginginig ang balikat niya dahil sa pagtawa. Nag angat siya ng tingin nung tumigil siya sa pagtawa. Seryoso ang kanyang mukha pero ang mata niya ay nangunglisap sa ngiti. Saglit kaming nagkatitigan dahil bumaba ang tingin niya sa aking labi.
"You have lips I have lips, hmm... interesting." Now he mentioned it, bumaba rin ang tingin ko sa kanyang labi. Kulay pink talaga ang lips niya. Hindi gaya ng iba na kulay pula. He's a smoker pero kahit konti ay wala akong nakikitang bahid na nagsisigarilyo siya. Hindi gaya ng iba na nangingitim ang kanilang labi dahil sa pagsisigarilyo. Kumibot ang gilid kanyang labi so I stop staring at it. Nag init ang pisngi ko ng makita kong nakatingin na pala siya sa mata ko. Walang nagsasalita sa amin. Humakbang siya paatras and he leaned closer to me more. Ang puso ko ay walang tigil sa pag tibok ng malakas. Para bang may nagaganap na karerahan sa loob nito at natatakot akong marinig niya iyon lalo na't ang lapit-lapit namin sa isat-isa. Lumunok ako ng nakita kong palipat-lipat ang tingin niya sa akinh mata at sa labi ko. Sa mga mata niya lang ako tumitingin pero dammit! May sariling utak ata ang mata ko dahil pilit itong bumababa at napapatingin sa labi niyang nanunuya.
"Fudge." Mahinang mura ko. In a one swift move, nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Namilog ang mata ko at ang puso ko ay mas lalong tumreple ang bilis nito ng maramdaman ko ang isang malambot na bagay na lumapat sa aking bibig. Dilat na dilat ang mata ko dahil sa gulat. Tinignan ko si Enzo na nakapikit habamg hinahalikan ako. Lumayo siya ng bahagya at tumigil. He licked his lips habang ako ay gulat parin sa pangyayari. Napabuga ako ng mabigat ng hininga dahil natigil pala ang paghinga ko kanina. I don't how to react, hindi ko magawang gumalaw. I want to say something kaya binuka ko ang aking bibig pero hanggang doon lamang iyon dahil walang lumabas na niisang salita roon. Is it real? Tell me is it real? Pasimple kong kinurot ang aking braso and what the hell! Its really, really real! Walang halong biro, totong hinalikan niya ako. Oh my gosh! He kissed me and that was my first! Oh my gosh! He stole my first kiss! Fuck!
"Lets go home." Malamig niyang utas Hindi ko namalayan na umalis pala siya sa harapan ko. Masyado akong lutang. Wala ako sa sarili na pumasok sa sasakyan niya. Hindi ako umimik at ganoon rin siya. Nakapagsalita lamang ako ng tinuturo ko ang direksyon ng aming bahay pero yun lamang iyon. Humiga ako sa kama ko at hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina. He kissed me, for real.
BINABASA MO ANG
⚡
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...