Chapter 31
Me and you
My eyes were still wide open. Nakatitig lang ako sa kisame ng aking kwarto. Kanina pa ako naka-higa rito but I couldn't sleep. Hindi parin kasi ako makapaniwala na naging okay na kami ni Enzo. And hey! Its more than okay. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kilig. Sa tuwing naa-alala ko ang halikan namin kanina ay nag-wawala ang mga paru-paro sa aking tiyan. Those lovely eyes, narrowed nose, those well shaped not so thick eyebrows and his kissable lips. Darn! Nakakaadik.
My thoughts stopped when my phone beep. Kinuha ko iyon at agad na kumalabog aking dibdib nang message iyon ni Enzo.
EnzoSweetheart143:
Are you still up?
Iyan yung laman ng mensahe niya na agad ko namang ni-replyan.
Ako:
Yeah. Why?
Nanginginig pa ang kamay ko niyan. Nag beep ulit ang phone ko dahil sa reply niya.
EnzoSweetheart143:
Can I call you?
Napakagat ako ng labi at muling nag-saya ang mga paru-parong tahimik na nabubuhay sa loob ng aking tiyan, na nag-wawala tuwing pinapakilig ako ni Enzo. Sounds corny but hell, alipin ako sa nararamdaman ko. Nag-titipa ako ng ire-reply sa kanya nang bigla namang nag vibrate ito dahil sa kanyang tawag. Mas lalong nag-wala aking sistema. Nangingining pa ang daliri ko para sagutin ang tawag. Geez. This crazy. Napatikhim ako bago ko nilagay ang phone ko sa aking tainga.
"Hey..." Namamaos niyang bati. I bit my lips. I find him sexy with his husky voice. Shit! Nag init ang pisngi ko. Tumikhim ulit ako.
"H-Hey." Jesus! Anyare sa dila ko? Narinig ko ang pag-hinga niya ng malalim.
"I can't sleep. Thinking of you" Ganoon parin ang boses niya. Napa-ngiti ako.
"Me too. I c-can't sleep thinking o-of y-ou." Napapikit ako ng mariin. Nakakahiya. Narinig ko ang pag-singhap niya at tumawa ng mahina.
"Really?" Bakas roon ang saya sa kanyang boses.
"Uh-huh." Napa-nguso ako. Hindi na ako nag-salita at ganoon rin si Enzo pero rinig ko ang mababa niyang hininga.
"Enzo? Are you still awake?" Salita ko nang hindi ko na siya marinig mag-salita.
"I think you're not." Mahinang sabi ko nang hindi ko siya narinig na nag-salita.
"Goodnight. I love you." Malambing kong sabi. Tutal, tulog naman siya kaya alam kong hindi na iyon maririnig.
"I love you too." Sabi nang nasa kabilang linya. Na-estatwa ako at nanlamig ang mukha ko nang napag-tanto kong narinig niya iyon. Lihim akong napa-mura sa aking isipan. Napakurap-kurap akong pinagmamasdan ang screen.
"Dammit!" Mura ko dahilan ng pagtawa niya. Pinatay ko ang linya dahil sa hiya at nag-talukbong ng kumot.
"Bwesit."
Mag a-ala syete na ng umaga nang magising ako. Agad akong naligo para mag handa papasok ng school. Eksaktong 7:30 akong nakalabas ng aking kwarto at bumaba para makapag-agahan na. Huling hakbang ko na sa hagdanan nang sinalubong ako ni kuya Luke. Sa itsura niya ay bagong ligo rin siya dahil sa magulo at basa niyang buhok. Like the usual morning, naka-boxer lang siya at sando.
He raised his right eyebrows at me at pinasadahan niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri.
"Morning." Bati ko sa kanya. Lalagpasan ko na sana si kuya nang mag-salita siya.
"So... Hindi mo gagamitin si sugar?" Nanunuya niyang sabi at nag-taas baba ang kanyang kilay. Napa-kunot ang noo ko.
"Gagamitin ko. Bakit?" Naka-kunot parin amg noo ko.
BINABASA MO ANG
⚡
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...