Chapter 41

1 0 0
                                    

Chapter 41

Accepting

Bago na tapos ang araw na iyon ay maraming naikwento si Enzo sa akin and it feel so good hearing the story of his life. Naikwento niya rin sa akin kung paano nagtagpo ang magulang niya. College pa lang daw ay magkakilala na sina tito at tita and they fell in love to each other pero agad rin itong tinutulan ng lolo at lola niya dahil hindi Chinese ang kanyang ama. They fought for their love but his grandparents was so determined to cut their relationship so they decided to arrange marriage his mother to a full Chinese immediately. Wala silang nagawa pareho at tinanggap na lang ang kapalaran nila but then, after so many years, they met again and their feelings were still the same. Nothing have changed. Nagkabalikan sila kahit alam nilang mali. Her mother cheated on his ex-husband na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito dahil na aksidente ito habang nagmamaneho ng lasing. And then she got pregnant at ang bunga ay si Enzo. But they're all found out their forbidden love and they tried to tear them apart again but they didn't succeed this time. Mas nangibabaw ang pagmamahalan ng magulang ni Enzo sa isat-isa kahit labag iyon sa batas at sa mata ng Dios. They fought because they love each other. They fought because for them, they got the love that would've worth fighting for. Pagmamahal na maraming nasaktan, tumutol at may mga nawalan. I know mali iyon but I should not judge them though, I didn't know what their whole story, kalahati pa lang ang alam ko kaya wala akong karapatang manghusga. I respect tita and tito's love not because mahal ko at boyfriend ko ang anak nila but because I can see it in their eyes. I can feel it. Wagas ang pagmamahalan nila at alam kong walang makatitibag nito.

"Puntahan ko lang muna si dad sa kanyang office." Paalam sa akin ni Enzo. Tumango ako pumanhik na siya. Naiwan ako sa malawak nilang sala at naka-upo sa kanilang sofa. Pagkatapos naming pumunta sa sementeryo ni Enzo ay dumiretso kami sa bahay nila. Para malibang ay pinuntahan ko ang dind-ding nila na may mga nakasabit na mga litrato nila at isang devider na namay naka-display ring mga maliliit na picture frame. Bawat litrato ay aking tinitignan. Nakita ko rin ang picture ni Enzo nung kabataan niya. Napangiti ako dahil sa itsura ni Enzo. Malaki ang ngisi nito at kita ang pagka-bungi ng kanyang dalawang ngipin sa gitna. And his eyes were smiling at mas lalong sumingkit dahil sa ngiti niya. He's so cute. Nilibot ko ulit ang paningin ko at natigil ang mga mata ko sa isang family picture. On that picture ay apat silang naroon. Ang kanyang mommy, daddy, Enzo and his brother for sure. They were all smiling. Napunta ang mata ko sa katabing litrato nito. Sa litratong iyon ay iisa lang ang naroon. Kinuha ko ang frame at tinitigan.

"Lorenzo. Enzo's brother." Bulong ko sa sarili ko. Magkahawig na magkahawig si Enzo at ang kuya niya. They are both good looking. Hindi ko ipagkaka-ila iyon. They have the same fearture yun nga lang ay mas soft ang mukha ng kuya ni Enzo at mas maputi ito sa kanya ng konti. Buhay na buhay siya sa kanyang litrato. Hindi ako makapaniwalang wala na ang taong ito. Naputol ako sa pagtitig nang makarinig ako ng tikhim. Paglingon ko ay ina pala iyon ni Enzo. Tumingin siya hawak ko at ngumiti rin sa akin nang muli niyang tinuon ang mga mata niya sa akin. I smiled back. Lumapit siya.

"Hindi pa po kasi bumabalik si Enzo kaya naisipan kong magtingin-tingin muna ng mga litrato." Sabi ko at pinasadahan ng tingin ang mga litrato at binalik ko rin sa kinalalagyan kanina ng litrato ng kuya ni Enzo.

"Its okay hija. Pasensya na't hindi kita na-entertain kanina dahil sa paghahanda ko ng kakainin natin mamaya."

"Okay lang po tita I understand and ahm... Siya po ba 'yung kuya ni Enzo?" Tanong ko kahit halatana naman ang sagot at tinuro ko yung litrato. Tumango siya at tinitigan ang picture.

"He is." Malumanay niyang utas at hinaplos ito. Tumango ako.

"We missed him so much, lalo na si Enzo. His kuya is his best friend and his super idol. Namimiss ko 'yung pinapanuod silang nagkukulitan sa isa't-isa. Nakakalungkot at wala na siya sa piling namin ngayon."

⚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon