Chapter 52

5 0 0
                                    

Chapter 52

Magtitimpi

"See you on next meeting." Our Prof said before she stormed out in our room.

Sabay kaming nagtungo nina Faye at Jazz sa library ng school para gumawa ng research sa isa naming major.

Sa taas naghanap si Jazz samantalang ako at si Faye ay sa baba.

"Yza, doon ako sa kabila maghahanap. Mas mabuti 'yung humanap rin tayo ng iba pang libro na related sa research natin para madami tayong makuha na idea." Faye suggested.

"Okay." Tumango na lang ako dahil tama nga naman ang idea niya. Nagtitingin ako ng libro sa mga bookshelves pero wala parin 'yung libro na hinahanap ko kaya nagtungo ako sa dulo at doon ko nga nahanap librong kinakailangan namin. Nag i-scan ako nang may narinig akong mahinang tinig pero parang naguusap. Sinundan ko kung saang banda iyon. Nang medyo malapit na ako at mas naka-klaro ko na ang boses nila ay tumigil ako. Rinig ko ang usapan nila pero hindi nakikita kung sino iyon. Nasa gilid lamang ako ng bookshelf.

"I'll wait. I can wait, even if it will takes a year or more. I can patiently wait." Boses babae. Her voice was more likely pleading.

"You know what? This is not the right time to talk about this." Napakunot ang noo ko. Pamilyar ang boses.

"No, no, no. I want it now! Why you're always like that? Why not now? Are you still into her? What? Answer me, you still love her?" Dama ko ang na parang nababasag na puso ng babae dahil sa medyo pagkakapiyok ng boses niya.

"Damn Lara, h'wag mo siyang idamay dito." He sounds so frustrated. Lumaki ang mata ko. Ang tibok ng aking puso ay unti-unting lumalakas.

"Bakit hindi? Siya lang naman ang posibleng dahilan mo kung bakit hindi mo masagot-sagot ang mga tanong ko. And Enzo, ba't hindi mo na lang tanggapin na hindi talaga kayo ang sa isa't-isa?" Nanlamig ako nang makomperma kong sila nga iyon. Kumirot rin ang puso ko. I pressed my lips together to compose myself. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako umaalis at pinagpatuloy ang pakikinig.

"Shit! What are you talking about? And lessen your voice we're here at library for pete's sake!" Pilit at may diin na sabi ni Enzo.

"At lagi na tayong magkasama, hindi pa ba iyon sapat?" My nails dug on books cover.

"'Yun nga eh! Lagi tayong magkasama pero parang hindi! You still love her. Didn't you?" This time sumilip na ako. Magkaharap silang pareho na nakatayo. Lara is in the verge of crying now while Enzo is massaging the bridge of his nose like he's very frustrated now. His jaw clenched.

"You want to know the truth? Yes, I still love her." Napaaawang ang labi ko. Para akong nabilaukan sa sarili kong laway. Ang tibok ng aking puso ay mas lalong dumoble ang lakas. Naiiyak ako at hindi ko alam kung bakit, maybe because I'm hurt? Namanhid ang mga kamay ko at hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang libro. Nagulat na lang ako nang kumalabog iyon at alam kong rinig rin nila iyon dahil sa lakas. Takot akong baka makita nila ako at mahuling nakikinig sa kanila kaya kinakabahan ako at natatarantang pinulot ang libro. Pagtayo ko ay may biglang humigit sa braso ko kaya marahas akong napaharap mas nagulat ako nang hinawakan ng taong iyon ang leeg ko at hinigit palapit sa mukha niya. Ang now, sobrang lapit na ng mukha namin. Nakarinig ako ng yabag patungo sa amin ni Diego. And I know kung sino iyon. Nanigas ako habang ganoon kami ni Diego. Kung titignan sa magkaparehong nasa likod namin ay para kaming naghahalikan. Tumigil ang yabag. Parang lalabas ang puso ko sa kaba. Nakatitig lang ako sa mga mata ni Diego at siya rin ay mariin na naka-tingin sa akin.

"Who's that?" Si Lara na ngayon ay kalmado na ang mga boses.

"Nothing. Lets go." Mahina ngunit malamig na utas ni Enzo. Nakarinig ulit kami ng yabag na papaalis. Nung wala na kaming marinig ay saka lang ako binitawan ni Diego at nilayo.

⚡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon