Pabalibag na tinulak ni Finyx si Ella sa upuan ng kotse."Ano ba! Balak mo ba akong balian ng braso!" Singhal ni Ella kay Finyx.
Hinimashimas ni Ella ang braso n'ya kung saan mariin na hinawakan ito ni Finyx kanina.
Napahilot naman ng sintido ang lalaki at masamang tinitigan ang babae kulang nalang ay lapain niya ito.
"Shit! Hindi ko alam na pasasakitin mo lang ang ulo ko, ang kulit mo! Ganiyan ka ba talaga kumilos daig mo pa ang lalaki. Gawain mo ba talaga makipag basag ulo!" Sigaw ni Finyx.
Buti na lang ay nasa loob na sila ng sasakyan at wala ng ibang nakaririnig sa sigawan nilang dalawa maliban sa ibang mga bodyguards ni Finyx at Cari.
"Hoy lalaki! Huwag mo akong sinisigawan!" Bulyaw ni Ella sa pag mumukha ni Finyx.
Nabigla naman si Ella ng ilapit ng husto ni Finyx ang mukha nito sa kanya. Para siyang maduduling dahil sa pag kakalapit ng lalaki.
Ilang beses napalunok si Ella dahil sa kaka-ibang titig ng lalaki sa kanya.
"At bakit hindi kita sisigawan, hmmn? Sapalagay mo ba masisindak mo ako sa pagiging siga mo. Paano kung hindi ako dumating sa lugar na iyon. Baka napahamak kana, ang lakas ng loob mo na makipag away na mag isa." Turan ni Finyx at napatitig sa labi ni Ella.
May maliit na sugat si Ella sa gilid ng labi niya. Medyo dumudugo ito kaya kinuha ni Finyx ang panyo n'ya sa bulsa ng pants niya.
Dahan-dahan nilapat ni Finyx ang panyo sa sugat ni Ella.
Lumamlam ang mata ni Finyx at marahan pinunasan ang dugo mula sa sugat.
"Next time kung makikipag away ka sabihan mo ako, at ako ang bahala sa mga taong may atraso sa'yo. I'm here to protect you Ella." Maaligasgas na wika ni Finyx.
Bahagyang napaawang ang bibig ng babae dahil sa narinig bakit sinasabi ito sakanya ng lalaki. Concern ba ito? Pero bakit ito mag aalala sa isang tulad niyang basagolera. Siguro ay pinag titripan lang s'ya nito.
Tinulak ni Ella sa dibdib si Finyx upang bahagyang lumayo ito sa kanya.
"Wag mo akong isipin at isa pa hindi ko kailangan ng concern mula sa ibang tao lalo na mula sa'yo. Kaya kong ipag tanggol ang sarili ko ng wala ka. I don't need your help!" Inagaw ni Ella ang panyong hawak ni Finyx at siya na ang nag punas ng dugo sa gilid ng labi niya.
"Alam mo mayabang ka talagang babae ka. Napaka hambog mo akala mo siguro ay kaya mo ang lahat. Tingnan mo nga nangyari sa labi mo. At isa pa huwag mong iisipin na nag aalala ako sa'yo. Nakalimutan mo na yata na birthday ko ngayon at may pupuntahan tayo. Hindi pwedeng may pasa iyang mukha mo. Ayaw ko mapahiya sa harapan ni Aimie mamaya." Mahabang litaniya ni Finyx.
Inirapan nalang ni Ella si Finyx at tumingin kay Cari.
"Hoy Cari ayos ka lang ba?" Tanong ni Ella sa babae.
"Oo Ella p-pasensya kana ha, dahil sa akin napaaway ka pa at muntik ng mapahamak. Pumutok tuloy yung labi mo." Nakayukong sabi ni Cari.
"Sus wala iyon, at huwag mo iisipin itong sugat ko sa labi ilang araw lang wala na ito. Walang-wala itong sugat ko sa hirap at sakit na nararamdaman ko para kay inay." Usal ni Ella at pag katapos ay hindi nag salita.
Palihim na humahanga si Finyx kay Ella. Sa totoo lang ito ang pinaka gusto niya sa isang babae yung matapang at palaban. Yun nga lang ay parang sumobra itong si Ella masyado itong matapang hindi na ito nag iisip kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya.
Nahuli ni Ella na nakatitig sa kanya si Finyx kaya naman tinaasan n'ya ito ng kilay.
"Hoy! Bawal kang mainlove sa'kin do you understand? Mamaya ibibigay ko sa'yo ang kontrata." Anang ni Ella.
BINABASA MO ANG
Chase Me Ella
RomanceElla is known as a brave and fierce woman. But despite her attitude, her heart is soft when it comes to the people her loves, especially her mother. Ella is afraid to fall in love even though many men like her, she wants to avoid entering into a rel...