Chapter 8

922 42 4
                                    

"Bakla why are you here? Namiss mo ako ano?" Bungad ni Ella sa pinto ng kanilang bahay. Naririto kasi ngayon si Girly.

Luminga-linga si Girly bago mag salita sinuguradong wala ang ina ni Ella.

Agad hinila ni Girly si Ella pa-upo sa upuan.

"Simulan mo mag kwento sa akin. Anong ganap sainyo ni Finyx nung gabing natulog ka sa mansion niya." Nakangising sabi ni Girly.

"Wala. Nagising lang naman akong walang suot na damit." Saad ni Ella.

Nanlaki ang mga mata ni Girly.

"O my god! May nangyari sainyong dalawa ni Finyx! Ano masarap ba? Masakit ba? Masarap ba ang jumbo? Buti nakatayo ka pa." Dere-deretsong sabi ni Girly.

Tinakpan ni Ella ang bibig ni Girly.

"Sssshh! Yawa ka ang bibig mo bading ka, baka marinig ka ni nanay. Walang nangyari sa'min ni Finyx, okay..." Ani ni Ella.

"Wala! Ano ba yan halos nga ibinta na kita kay Finyx nung gabing iyon, isama ka lang niya tapos walang nangyari." Nag mamaktol na saad ni Girly.

Malakas na binatukan ni Ella si Girly sa ulo.

"Gaga! Sinadya mo ba gawin yun. Ang sama mong kaibigan ha, paano kung ginahasa nga ako ng gagong yun." Wika ni Ella sa kaibigan.

"Bakit tatanggi ka ba? My gosh ang hottie at ang gwapo kaya ni fafa Finyx. Kahit sinong babae ay bubukaka ng kusa sa harapan ni Fafa Finyx. Ang arte mo girl." Anang ni Girly.

"Sira! Anong akala mo sa akin mababang uri ng babae. Kahit ganito lang ako gusto ko sa lalaking mahal ko  isusuko ang perlas ng katarungan. E, ano kung gwapo ang Finyx na iyon. Porket gwapo isusuko ko na agad ang fresh peanut ko. Naku hindi pwede iyon." Ani ni Ella.

"Sus.... Bakit hindi mo ba type si Fafa Finyx. Hindi ba kinikiliti iyang pechay mo sa tuwing nakakatabi mo siya. E, yung puso mo kamusta, hindi ba tumitibok-tibok. Ilang araw na kayo nag kakasama hindi ka ba nakakaramdam ng kaonting pag hanga para sa kanya? Hindi  ka na normal kung hindi ka man lang tinablan ng karisma niya." Turan ni Girly.

"Hindi talaga ako normal, dahil matagal na akong abnormal nakalimutan mo na ba." Malakas na tumawa si Ella bago mag seryoso.

"Pero seryoso baks. Mukhang unti-unting na akong nahuhulog kay Finyx. Paano kung tuluyan akong mahulog sa kanya." Seryosong sabi ni Ella.

"Problema ba yon edi mahalin mo." Anang ni Girly.

"Hindi ganon kadali baks may ibang mahal yung tao. Ayokong maging panakip butas niya lamang upang makalimot siya doon sa babaeng iyon." Sambit ni Ella.

"Bakit hindi mo subukan wala naman mawawala. Ang isang pagkain hanggat  hindi mo natitikman hindi mo malalaman kung ito ba ay masarap o hindi. It's like a high ride if you don't try it, you won't know if it's dangerous." Litaniya ni Girly.

"Wow! Bakla ha. Parang may pinang huhugutan ka." Biro ni Ella sa kaibigan.

Noong gabing iyon ay doon natulog si Girly sa bahay nila Ella. Pinauwi kasi ni Ella ang bodyguard na pinadala ng boyfriend ng kanyang ate Ecca.

Alas singko ng hapon ay nasa loob ng banyo si Ella naliligo.

"Ella, anak naririto  si Finyx." Saad ng kanyang ina sa labas ng pinto ng banyo.

"Opo inay... Malapit narin naman akong matapos maligo."

Nag mamadaling lumabas si Ella sa banyo pero napasinghap siya ng makita sa kanilang kusina si Finyx umiinom ito ng tubig. Nakatukod ang isang kamay ni Finyx sa sink ng lababo.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon