"Ate halika nga rito." Sabay hila ni Ella sa nakakatandang kapatid.Dinala niya si Ecca sa isang sulok ng parti ng opisina.
"Ate, alam ko broken at nasasaktan ka pa rin kay kuya Ellieoth. Pero, my gosh! hindi mo kailangan mag boyfriend ng mas matanda sa'yo e, parang tatay na natin yan. Ganun ka na ba kadispirada makalimutan si kuya Ellieoth."
Napangiwi si Ecca at malakas kinaltukan ang baliw na bunsong kapatid nito.
"Timang! Ano pinag sasabi mo." Bigkas ng ate niya.
"Ate Ecca masakit ha." Pasimpleng kinamot ni Ella ang ulo niya kung saan siya binatukan.
"Sumeryoso si Ecca at deretsong tumingin kay Ella.
"Ella, siya ang tatay natin."
"Halos bumagsak ang panga ni Ella dahil sa pagkaka-nga-nga.
Palipat-lipat ang tingin ni Ella sa ate niya at sa gino'ong ngayon nakatingin sa kanya. Hindi alam ng lalaki kung ngingiti ba siya nag aalangan siyang lapitan si Ella.
"Ah, Ate hindi ba ito joke? Paano naman natin naging tatay ang katulad niyang mayaman. At isa pa kung siya ang tunay nating ama, bakit niya tayo pinabayaan. Bakit hinayaan niyang mamatay si nanay. Bakit ngayon lang siya nag pakita sa'tin? Kung kailan wala na si nanay." Mababakasan ng hinanakit sa boses ni Ella.
"Ella, anak patawarin mo ako. Ilang beses ako pabalik-balik sa bahay n'yo at inalok ng tulong si Anghella pero tinanggihan niya lang ang tulong ko. Nagalit sa'kin ang inyong ina pinag tabuyan niya ako." Paliwanag ng ama.
"Dapat lang na pagtabuyan ka n'ya dahil wala kang kwentang ama! Marami kang pera diba, kung gusto mong tumulong kahit hindi alam ni nanay ay tutulong ka. Ang sabihin mo naduwag kang harapin ang tinalikuran mo noon. Pinabayaan mo kami kaya si nanay sinubsob ang sarili sa pagtatrabaho matustusan lang ang pangangailangan namin ni ate Ecca. At dahil doon nagkasakit at nawala sa amin si nanay! I hate you!" Sigaw ni Ella at mabilis na tumalikod.
"Ella! Pakinggan mo naman ang paliwanag niya." Wika ng kanyang ate Ecca.
"Para saan pa ate Ecca? Wala na rin naman si nanay. Bakit ba kasi nag pakita at bumalik pa yan. Ano natatakot siyang mamatay ng mag-isa kaya ngayon bumabalik siya." Sarkasmong saad ni Ella.
"Ella! Watch your mouth! Respect him he is still our father!" Matigas na turan ng kanyang ate Ecca.
Hindi na umimik si Ella ayaw niyang silang dalawa ng kanyang ate ang magtalo.
Lumabas si Ella ng opisinang iyon sinundan naman siya agad ng kaibigan na si Girly.
"Ella,"
Tawag ng kanyang kaibigan.
"Hoy! Anong drama yan girl? At talagang may pa-walkout ka ha." Saad ni Girly ng maabutan si Ella.
Humahangos na humarap si Ella kay Girly umiiyak ito basang-basa ang pisngi nito.
"Hindi mo ako naiintindihan baks. Sobrang nasaktan ako ng mawala si nanay sa'min ni Ate Ecca. Hindi namin siya napagamot noon dahil kapos kami sa pera. Then now, malalaman ko mayaman at buhay pa pala ang tatay namin. Ang sakit lang kasi e, marami siyang pera pero hindi niya natulungan si nanay. Siguro buhay pa sana si nanay ngayon kung hinanap niya kami."
Niyakap nalang ni Girly ang tumatangis na kaibigan. "So what is your plan?" Aniya ni Girly bahagyang hinahaplos ang likod ni Ella.
"Kakain, nagugutom ako. Hindi pa ako nakakapag almusal mula pa kaninang umaga. Gusto ko din mag pakalasing ngayong araw. Sasamahan mo ba ako?"
BINABASA MO ANG
Chase Me Ella
RomanceElla is known as a brave and fierce woman. But despite her attitude, her heart is soft when it comes to the people her loves, especially her mother. Ella is afraid to fall in love even though many men like her, she wants to avoid entering into a rel...