Chapter 26

1.1K 43 13
                                    

Warning ❗ SPG-R18

This content not suitable for young readers

___

Sa sobrang inis ni Finyx ay sinipa niya  ang bedside table, muntik pa malaglag ang lampshade roon. Maigi nalang at nasalo ito ni Ella.

"Hoy Finyx! Pwede ba. Huwag ang mga gamit dito sa loob ang pagbuntungan mo." Saway ni Ella sa binata bago maupo sa gilid ng kama.

"At sino ang gusto mong pag-initan ko. Ikaw? Handa ka ba sa parusang ipapataw ko sa'yo?" Seryoso parin ang mukha ni Finyx.

"Bakit ka ba nagkakaganiyan ha? Sa halip na si Aimee ang bakuran mo. Bakit ako ang binubuwisit mo! Doon ka sa kanya, diba siya ang pinili mo! Siya ang pinakasalan mo kaya bumalik ka sa babaeng yun! At pakiusap lang ha, ibalik mo na ako sa manila dahil ayaw na kitang makasama at makita pa!" Sigaw ni Ella at nakipag tagisan ng titig kay Finyx.

Tumiim ang bagang ni Finyx. "Kung makapag salita ka parang ikaw lang ang nasaktan. Sa ating dalawa ako ang labis nasaktan at nagdusa Ella! Sino ba sa ating dalawa ang unang bumitaw Ella. Hindi ba't ikaw? Ikaw mismo ang lumayo sa'kin. Hindi mo hinintay ang pagbalik ko, hindi mo inalam kung ano ba ang dahilan kung bakit nagawa ko iyon. Sa relasyon nating dalawa ikaw unang sumuko, binitawan mo ako Ella. Maka-ilang beses kitang tinawagan pero hindi na kita ma-contact. Kung nasaktan ka no'on dahil sa ginawa ko. Mas doble ang sakit ng naramdaman ko!" Naging kalmado ang boses ni Finyx sa huling sinabi niya.

"Ikaw nasaktan? Really huh. Nagka-anak nga kayo ng Aimme na yun. At isa pa huwag mo sa'kin isisi kung bakit nasira ang relasyon natin no'on. Simula't sapul kasalanan mo ang lahat, kung una palang sinabi mo o ipinaliwanag mo na sa akin, hindi sana tayo mauuwi sa ganito. Sumuko ako sa relasyon natin dahil nasaktan mo ako Finyx. Kulang pa ang isang taon, dalawa taon o tatlong taon na pagpapahilom ng puso ko na sinugatan mo. Tapos ito, dadalhin mo ako sa yate na 'to para ano? Para ipamukha sa akin kung gaano kayo kasaya ng Aimme na yun! Plano mo ba kaming pagsabungin dalawa!"

Kumunot ang noo ni Finyx at naguluhan sa huling binigkas ni Ella.

"Impokrita na ako kung itatanggi kong hindi na kita mahal. Hangang ngayon Finyx. Mahal na mahal parin kitang Gago ka! Kahit sinaktan mo ako no'on mahal parin kta! Ano masaya ka may babaeng nababaliw sa'yo. Pero,,, alam ko sa sarili ko na hindi na tayo pwede. May ibang babae ng nag mamay-ari sa'yo. Simula pa man nung una ay si Aimee ang laman ng puso mo." Tumulo ang luha ni Ella. Masakit isipin na baka hindi talaga siya minahal ni Finyx no'on.

"Ayaw kong may masirang pamilya. May anak na kayo ni Aimee. Kaya please tigilan mo na ako Finyx. Ano pa ba kailangan mo sa'kin nakuha mo na ang lahat ng gusto mo mula sa akin. Nasaktan mo na ako no'on. Hindi ka pa ba kontento sa ginawa mo sa akin, at gusto mo pa akong sirain ngayon. Hindi pa ba sapat ang luhang binuhos ko para sa iyo?" Umiiyak na sambit ni Ella.

"What are you talking about? Simula ng makuha kita at ibigay mo ang sarili mo sa akin. Wala ng ibang babae naging laman ng isip ko at maging ang puso ko. Kundi ikaw lang! Oo minahal ko si Aimee no'on. Pero nakaraan na iyon. Simula ng makilala kita Ella sa'yo na ako nabaliw ng ganito, ikaw lang ang nakikita ng mga mata ko." Turan ni Finyx.

"Huwag mo na akong paikutin pa Finyx! Tama na, ayoko na marinig ang mga kasinungalingan mo!"

"Iyan ang problema sa iyo Ella. Sirado na ang isip mo sa mga paliwanag ko, ayaw mo pakinggan ang sasabihin ko. Hindi ko pinakasalan si Aimee. Peke lang ang kasal naming dalawa. I can't marry a woman I don't love. Aimee has been dead for a long time. After she gave birth to Stavros, she died."

"What?! How? Kanina lamang nakita at naka-usap ko siya." Naguguluhan na sabi ni Ella.

"Whoever you saw earlier was not Aimee. It was Moreen. Aimee's twin." Saad ni Finyx at humakbang papalapit kay Ella at naupo sa tabi ng dalaga.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon