Chapter 13

828 29 4
                                    

Unang pinuntahan ni Ella ang mansion ng lalaki baka kasi umuwi na ito doon.

Nagmamadali siyang bumaba sa taxi. "Manong teka lang ho ah." Wika ni Ella sa matandang driver at nag door bell sa labas ng gate ng mansion.

Nang makilala siya ng dalawang tauhan ni Finyx ay agad nila pinindot ang button at awtomatikong nag bukas ang malaking gate.

Patakbong lumapit ang dalawang lalaki kay Ella at binati siya ng mga ito.

"Magandang gabi ma'am Ella may kailangan ka ba?" Sabay sabi ng dalawa.

"Kailangan chorus talaga? Si Finyx umuwi ba siya dito?"

Nagkatinginan ang dalawang tauhan bago mag salita.

"Hindi ba kayong dalawa mag kasama? Diba ma'am sinundo ka niya kanina dapat alam mo kung nasaan siya." Saad ng isang lalaki.

"Pupunta ba ako dito at hahanapin siya sainyo kung mag kasama kaming dalawa ngayon? Nakikita nyo ba siya sa tabi ko? Mainit ang ulo ko kaya huwag kayong sasagot na nakaka-bobo. Damn! Biglang na-high blood yung utak ko sainyo!" Inis na turan ni Ella.

Napakamot ng ulo ang dalawang lalaki.

Bigla siyang naiinis ngayon paano kung nakipagkita na ang Finyx na iyon kay Aimee.

Huminga ng malalim si Ella at seryosong tumingin sa dalawang lalaki. "Look, i'm sorry gusto ko lang malaman kung saan nagpunta ang amo n'yong seloso. Kaya kung may alam kayo kung saan siya nagpupunta kapag galit siya o badtrip." Saad ni Ella.

"Naku! Anong mangyayari nag away ba kayong dalawa ma'am? Nag selos ba siya? Dahil kung oo, mahihirapan kang hanapin siya." Wika ng isang lalaki.

"Kailangan ko pa bang e-kwento sainyo ang rason? Bullshit sabihin niyo nalang sa akin kung may alam kayo, dahil kung wala aalis na ako." May pag-kainis sa tinig ni Ella.

Binatukan ng isang lalaki ang kasama niya. "Ano ka ba! Napaka usisero mo. Ah, ma'am Ella bakit hindi mo subukan puntahan sa M-Club na pag mamay-ari ni boss Finyx. Kung wala siya roon siguradong naroon si boss Finyx sa Race SanVictor hotel Club." Anang ng lalaki.

"Race SanVictor hotel Club?" Tanong ni Ella.

"Pag mamay-ari yun ng bestfriend ni Boss Finyx na si Race SanVictor." Sambit muli ng lalaki.

"Okay, Salamat." Tumalikod na si Ella.

"Gusto mo ma'am ihatid at samahan ka namin doon? Baka kasi mapano ka." Alok ng lalaki.

"Thanks, but no need. I can handle my self." Turan ni Ella at mabilis sumakay sa taxi.

"M-club po muna tayo manong." Saad ni Ella sa matandang driver.

Nang makarating si Ella sa labas ng M-club sakto naroon ang dalawang bouncer kilala na siya ng mga ito.

"Magandang gabi miss Ella." Bati ng kalbong bouncer.

"Magandang gabi, si Finyx nag punta ba siya ngayon dito?" Ella asked them.

"Hindi po miss Ella. Hindi pa namin siya nakikita mula kanina." Sagot ng lalaking kalbo.

"Ganon ba. Yung Race SanVictor Hotel Club, alam niyo ba kung saan yun?"

"Yes miss Ella. Pwede kita ihatid doon para hindi ka mahirapan hanapin ang lugar na iyon." Alok ng lalaki.

"Good idea." Bumaling si Ella sa taxi driver kumuha siya ng pera sa wallet at binayaran ang matanda.

"Okay na ho ako dito manong, salamat po." Anang ni Ella.

"Sigurado ka ba iha?" Tanong nito kay Ella.

"Yes po manong." Tumango nalang ang matanda at umalis na.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon