Chapter 29

1.1K 50 8
                                    


"Jackson!"

Nai-usal ni Ella habang tigalgal na nakatitig sa mukha ng lalaki. Pinatsadahan nangtingin ni Ella ang kabuuan ni Jackson. Sa tantiya ni Ella ay kasing tangkad ito ni Finyx.

Ang lapad ng balikat nito, ang mga braso nito ay parang kasing tigas ng bato. Halos pumutok ang kulay pulang polo long sleeve na suot nito sa laki ng braso nito.

Hindi siya makapaniwala na ang dating Jackson na iniinsulto niya no'on. Ngayon ay sobrang gwapo na makinis ang balat nito at pati ang pisngi nito ay napaka pino.

Noon pa man ay magandang lalaki si Jackson, mistiso, matangkad at medyo may kalakihan rin ang katawan. Iyon nga lang ay kulang sa ligo at napapabayaan ang sarili. Palibhasa kasi ay lumaking broken family kaya naging basagolero no'on, at tambay sa kanto ng kanilang barangay.

"Yes, baby it's me. Remember, A-J-O." Bigkas ni Jackson.

"A-J-O ?" Pamilyar sa kaniya ang mga letrang iyon. Matagal nag-isip si Ella, ng maalala ang letrang naka sulat sa isang papel no'on kung saan natanggap niya ang kahon na naglalaman ng putol na kamay. 

"Sa iyo galing ang bagay na iyon?!" Galit na wika ni Ella.

"Yeah, Did you miss me, baby?" Nakangising sabi ng lalaki.

'Arkanghel Jackson Ordazon' Ang buong pangalan ng lalaki.

"Hanep Ella, lalo kang gumanda ah, ang sexy mo. Hindi lang iyon sikat na sikat ka pa. Balita ko nagkahiwalay kayo no'on ni Montenegro. Ano, kayo na ba ulit." Saad ng lalaki.

"Eh, ano naman sa'yo kung nagkahiwalay kami, bakit makiki-iyak ka? Huli kana tapos na ako mag luksa." Pamimilosopo ni Ella kay Jackson.

"Hindi parin talaga nag babago ang ugali mo. Pilosopo ka parin at iyan pinaka ayaw ko sa ugali mo!" Galit na sabi ni Jackson.

"Ayaw mo sa ugali ko? Ayaw ko din sa'yo! Pwede ba pakawalan mo na kami!" Sigaw ni Ella.

"Para ano? Para bumalik ka kay Montenegro at magsama kayong dalawa! Hawak na kita ngayon Ella. Gusto kong ma-ulul muna si Finyx sa kakakahanap sa'yo. Hindi kita ibabalik sa Finyx na iyon! Akin ka ngayon Ella." Ani ni Jackson.

"Hindi titigil si Finyx hangga't hindi niya ako nahahanap!" Sigaw ni Ella.

Lumungkot ang mukha ni Jackson.

"Alam mo bang dahil sa babaeng mahal ko, nagpayaman ako. Lahat ginawa ko para umahon sa putik. Meron na akong ipagmamalaki sa kanya, pero iniwan niya ako at nakinig sa mga maling sinabi ng magulang niya.  Lahat kaya ko ng ibigay sa'kanya pero, mas pinili niyang paniwalaan ang paninira sa'kin ng pamilya niya. Sinira nila ang buhay ko, inapakan nila ang buong pagkatao ko. Inilayo nila sa akin ang babaeng mahal ko. Ang babaeng naging dahilan kung bakit natuto akong mag mahal, natuto akong mag bago." Malumanay wika ni Jackson ngunit may bahid na sakit ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

"Okay... Share mo lang. Kaya siguro ayaw sa'yo ng mga magulang ng babaeng mahal mo dahil sa ugali mo. Baliw ka kasi!" Bulyaw ni Ella.

Matalim na tiningnan ni Jackson si Ella at bigla niyang sinakal ang babae Halos  pigain ni Jackson ang leeg ni Ella para itong mababali at kahit anong oras ay malalagutan siya ng hininga.

Pilipit naman inaalis ni Ella ang malaking kamay ni Jackson na mahigpit nakasakal sa  kaniyang leeg.

"Kapag hindi mo tinikom ang bibig mo papatayin talaga kita! Baka gusto mong bangkay kanang bumalik kay Finyx! Galit na wika ni Jackson.

"Papatayin mo ako? Kaya mo ba, Jackson? Kayong mga lalaki mga duwag kayo wala kayong bayag. Katiting na problema mabilis kayo sumuko! Duwag ka Jackson! Isa kang malaking duwag!" Matapang na sigaw ni Ella.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon