Chapter 12

910 30 2
                                    


Mag kahawak kamay na naglalakad si Finyx at Ella ng makalabas ng bahay.

Bitbit ni Finyx ang bag ni Ella nang mapadaan sila sa tapat ng tindahan ni aling bebang naroon si Jackson. Hinarang sila nito kaya agad tinago ni Finyx si Ella sa kanyang likuran.

Namamaga ang labi ni Jackson ang ilong nito ay may pasa.

Masamang tinitigan ni Finyx si Jackson.

"What do you need?!" Matigas na turan ni Finyx.

"Kalma lang Mr. Montenegro. Gusto ko lang humingi ng paumanhin kay Ella dahil sa nangyari kagabi." Wika ni Jackson at nahihiyang tumingin kay Ella.

"Ella, pasensya sa nagawa ko kagabi at mga nasabi ko sayo. Nadala lang ako ng kalasingan. Sana mapatawad mo ako." Malumanay na saad ni Jackson at panay ang singhot nito.

"Apologize accepted!" Si Finyx ang sumagot.

"Bakit ikaw ang nag sasalita? Hindi naman ikaw ang kinakausap ko! Bastos ka rin talaga!" Iritang sambit ni Jackson.

"E, kung patayin kaya kita ngayon para hindi kana makapag salita. Tapos diyan narin kita ilibing sa kinatatayuan mo, what do you think huh? She is my girlfriend so i have the right to speak for her. Get out of our way. If you don't want me to kick your f**cking ass!"

Katakutakot na wika ni Finyx sa lalaki. Napansin ni Finyx na parang lutang ang lalaki namumula ang mga mata nito at pinag papawisan ang buong mukha.

Halatang lulong ang lalaki sa ipinag babawal na gamot.

"Jackson umuwi ka na nga sainyo umagang-umaga nag uumpisa ka na naman ng gulo! Mahiya ka naman sa bisita ni Ella." Pasigaw na saway ni aling bebang mula sa loob ng tindahan nito.

Umalis narin ang lalaki pero ang sama ng tingin nito kay Finyx at Ella. Hindi nag patalo si Finyx at tinapunan niya ito ng nakamamatay na tingin.

"Let's go." Sabay hila ni Finyx sa kamay ni Ella.

Bakit biglang nakaramdam ng takot si Ella dati naman hindi siya natatakot kay Jackson. Ngayon kasi iba ang kinikilos ng lalaki parang may hindi magandang gagawin ito base narin sa kinikilos nito.

"Are you okay? You look nervous, is something bothering you?" May pag aalala sa tinig ni Finyx.

"Hmmm.. Wala naman medyo sumama lang yung tiyan ko masyado kasi akong nabusog kanina." Palusot ni Ella at ngumiti sa lalaki.

Saktong pag labas nila ng iskinita ay dumating na ang kotseng sundo nila ang dalawang tauhan ni Finyx ang may dala nito.

Huminto sa harapan nila ang itim na kotse na halatang mamahalin.  Sa desinyo palang at porma ng kotse sumisigaw ang karangyaan ng may nag mamay-ari nito.

Pinag buksan ni Finyx ng pinto ang dalaga pagkapasok ni Ella ay sumunod narin siya. Mag katabi sila sa backseat nanatiling mag kahawak kamay ang dalawa.

Si Ella ay nanatiling tahimik habang lulan sa sasakyan. Napansin ni Finyx ang pagiging tahimik nito.

"Ella may problema ba? Kung iniisip mo si Jackson hindi ka niya masasaktan nandito lang ako para protektahan ka." Ani ng lalaki.

"Hindi ayos lang ako." Giit ng babae at yumuko.

Bago tumuloy sa hospital ang dalawa ay dumaan muna sila isang flower shop at bumili ng  puting rosas para kay aling Anghella.

Pag karating nila sa underground parking ng hospital ay nauna ng sumakay sa elevator si Ella paakyat patungo sa palapag kung nasaan ang silid ng kanilang ina.

Si Finyx ay nag paiwan muna dahil may kausap pa itong isang lalaki, anak ito ng may-ari ng Santimayor hospital.

Habang nag lalakad si Ella sa hallway patungo sa silid ng kanyang ina ay bigla nalang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. "Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko para akong kinakabahan." Mahinang wika ng dalaga at bahagyang hinaplos ang dibdib.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon