Chapter 19

826 29 4
                                    

Umupo si Girly sa bandang  likuran ni Ella. Napakunot ang noo n'ya ng mapansin na may iilang pantal si Ella sa likod nito at pati batok. Naka backless pa naman ang dalaga at landad ang likod nito. Hindi ito masasabing pantal o kagat ng isang insikto, masyado itong malapad para itong sinipsip ng isang bampira. Teka sinipsip? 

Napatakip ng bibig si Girly at bahagyang inusog ang silyang inuupuan n'ya ngayon at mahinang bumulong sa tainga ni Ella.

"Baks, tadtad ng hickey ang likod at pati batok mo. Ang lakas ng loob mong mag suot ng backless, hindi mo ba napansin?" Mahinang wika ni Girly.

Nawala ang atensiyon ni Ella sa pinag-usapan nila ni Orion at mamang Rosa. Napalingon siya kay Girly. "Anong pinagsasabi mo riyan, anong hickey?"

"Wait? Hickey? As in kissed mark?" Wika niya sa isipan.

Bumaling siya kay Finyx na ngayo'y tahimik lang sa tabi n'ya, nakahalukipkip ito at naka dekwatro pa.

"Mukhang minamarkahan ka ni Fafa Finyx, girl!" Muling bulong ni Girly.

"Tsk! Lakas ng loob ng ulupong na 'to lagyan ako ng hickey, manloloko naman." Sa loob-loob ni Ella.

"May dala ka manlang bang blazer ko diyan?"

"Meron, buti nalang at girls scout ako." Ani ni Girly at inabot kay Ella ang white blazer.

"Boys scout, ambisyosang bading." Pang-aasar ni Ella.

"Hmnp! Epal." Maktol ni Girly.

"Sold out na pala ang ticket ng concert mo Ella, para mamaya. Congratulations to you and good luck on your first concert. I am happy to work with you Ella. You will not regret choosing us. Lalo pa at si Orion na ang bagong manager mo. I know he will take good care of you. Mapagmahal din yan." Nakakalokong ngumisi si Icarus.

"Ehem! Mr Alarcon. Nakalimutan mo yata na naririto si Mr. Montenegro ang nobyo ni Ella!" Nakangiti pero may panggigigil sa boses ni Mamang Rosa.

"What i mean is, mapagmahal sa kanyang mga talents. Ito naman si mamang Rosa, binigyan mo agad ng kahulugan ang sinabi ko." Saad ni Icarus. Inirapan lang siya ng matanda.

After ng meeting ay nag pahatid na si Ella kay Finyx sa mansion ng kanyang ama kasama si Girly.

Nauna ng bumaba ang bading pero si Ella nasa from seat parin nakaupo. Hindi na pinapasok ni Ella ang sasakyan ng lalaki sa pavilion. Naririto sila ngayon sa harapan ng gate ng mansion. Tahimik lang si Ella at nakikiramdam kung may sasabihin si Finyx sa kanya. Gusto sana niyang tanongin ang lalaki, pero naduwag siya. Hindi pa siya handa marinig kung ano ang sasabihin nito. Mahal niya si Finyx, pero hindi siya katulad ng ibang babae na iiyak at mag hahabol sa isang lalaki. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para gawin iyon. Mas mataas parin ang pride niya kaysa sa pangarap niya.

"Ella," tawag ni Finyx sa dalaga.

"Hmmn?" Tugon ni Ella ng hindi magawang tumitingin kay Finyx.

"I have--, i have a business trip."

"Where?" Tanong ni Ella.

"In Hong Kong." Sagot ni Finyx.

"Tsk! Hong Kong? Baka sa Paris." Inis na saad ni Ella sa isipan.

"When?" Tipid na tipid ang salitang lumalabas sa bibig ni Ella.

"Mamayang gabi ang alis ko." Turan ni Finyx.

Mariing napapikit si Ella alam naman niya kung saan ang punta nito.

Humarap siya kay Finyx at simpleng ngumiti.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon