Panay ang irap ni Ella kay Finyx. Paano ba naman kasi ilang beses niya itong nahuhuling nakatitig sa kanya.
"Anak mo?!" Nakataas kilay na tanong ni Ella kay Finyx at tinuro ang bata.
Matagal bago makasagot si Finyx sa tanong ni Ella.
Maka-ilang beses lumunok si Finyx bago sagutin ang tanong ni Ella.
"Yeah, he's my son." Finyx answered.
Natawa ng pagak si Ella at nag salita.
"Hindi na ako magtataka mapanakit ang tatay, kaya mapanakit rin ang anak. Like father, like son!" May diin na wika ni Ella.
"You have no right to shout at my child." Finyx said with a serious voice
"Why you, do you have the right to hurt my feelings!" Panunumbat ni Ella.
"Yari ka pare. It's time to pay." Mahinang wika ni Race sa likuran ni Finyx.
"Oras na ba ito, para magsumbatan." Saad din ni Girly.
Tumiim ang labi ni Finyx dahil sa binigkas ni Ella. Si Ella naman ay nakagat ang ibabang labi nito. Bumaling ang kanyang paningin sa ibang dereksiyon. Pinipigilan niya na huwag sumabog ngayon, gusto niya itong sumbatan ngayon at pagkakalmutin ang pagmumukha. Lahat ng sakit na naramdaman niya noon dahil sa pang gagago sa kanya ni Finyx, ay tila bumalik lahat. Buong akala niya ay naka-move on na siya ng tuluyan pero hindi, nag kamali siya dahil muli itong nabuhay. Nagising ang galit at poot na matagal na natutulog sa kanyang puso. "Kalma self, hindi ito ang oras at panahon para sumbatan ang manloloko na ito. Kaya magtimpi ka muna." Ani ni Ella sa isipan.
Ilang segundong katahimikan ang namayani ng mag salita si Leo."Tita mommy."
Gumuhit ang isang ngisi sa labi ni Finyx ng marinig ang pagtawag ng batang lalaki kay Ella. Ang buong akala niya ay anak ito ng babae.
Hindi naman nakawala sa paningin ni Ella ang pag-ngising iyon ni Finyx, kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Anong ngini-ngisi-ngisi mo diyan?! Hindi ba naikwento sa'yo ng bayolente mong anak kung paano niya sinuntok sa mata ang pamangkin ko!" Labis naiirita si Ella sa pagmumukha ni Finyx, gusto niya itong lamusakin.
"Is it true, Stavros?" Malumanay na tanong ni Finyx sa bata.
Dahan-dahan tumango ang batang lalaki.
"Why did you do that? What did I tell you before? That you shouldn't fight because that's bad!" Kastigo ni Finyx sa anak.
"Oh yeah,,, masama talaga makipag-away. Lalo na ang manloko!" Mga pasaring na wika ni Ella, narinig naman iyon ni Finyx.
"I'm sorry daddy, it won't happen again. I really like this toy po kasi." Napayuko si Stavros.
"You did it wrong, son. Just because you want something doesn't mean you're going to get it. Especially if someone owns it." Pangaral ni Finyx sa anak.
"Perfectly well said! Kapag meron ng nag mamay-ari, hindi na dapat inaagaw pa. Lalo na at kung alam mong makakasakit ka ng damdamin ng iba. Kung sabagay, hindi nga pala uso ang salitang iyon sa mga babaeng malalandi! At sa mga taong mapanakit!" Medyo napalakas ang sinabing iyon ni Ella kaya si Race ay panay siko sa tagiliran ni Finyx.
"Ang lalim ng hugot ah," Sabi ni Girly.
"Malim din kasi ang pagkakabaon. Sa sobrang lalim nahirapan akong makabangon." Usal muli ni Ella at deretsong nakatitig sa mukha ni Finyx.
BINABASA MO ANG
Chase Me Ella
RomanceElla is known as a brave and fierce woman. But despite her attitude, her heart is soft when it comes to the people her loves, especially her mother. Ella is afraid to fall in love even though many men like her, she wants to avoid entering into a rel...