Chapter 30

1.1K 53 9
                                    

Pagkapasok ni Finna sa silid kung nasaan naka confined si Finyx, sa hospital bed nakatuon ang kanyang buong atensiyon. Nang makalapit siya ay bigla niyang sinampal ng napakalas si Finyx sa pisngi nito.

"Awww... Sakit nun." Natatawang usal ni Race.

"Mommy, naman ganiyan ka ba mangamusta ng anak mo. Sampal talaga ang pasalubong mo sa'kin? Seriously?"

Hindi makapaniwala wika ni Finyx na medyo napangiwi pa, dahil sa kaniyang paggalaw ay kumirot ang sugat niya sa likod.

"Shit Finyx. What did I tell you, you will go home well and without a scar on your body! Pero ano ito!" Malakas na pinalo ni Finna ng kamay niya ang likod ni Finyx na may sugat.

"Nagpatanim ka ng tingga sa likod mo! Fuck shit mamatay ako sa nerbyos kaka-isip kung ano ang lagay mo. Kung buhay ka pa ba!" Sigaw ni Finna.

"Mom, relax okay? I feel better now. Don't worry, I'll be fine soon. Saka huwag ka ng magalit. Dahil kung hindi ko sinalag ang balang iyon, tiyak na si Ella ang tatamaan. Ayoko ko pa mabiyudo ng maaga, dahil aanakan ko pa ng isang dosena si Ella. Diba gusto mo ng maraming apo?" Nakangising wika ni Finyx sa ina.

"Tarantado ka. Sige aalis muna kami ni Ella." Paalam ng kanyang ina.

"At saan kayo pupunta?" Usisa ni Finyx sa ina.

Tumikhim muna si Finna bago sagutin ang tanong ng anak. "Sa mansion, iuuwi lang namin si Stavros, upang makapag pahinga ang apo ko, at syempre pati narin si Ella." Wika ni Finna.

"Nga pala dinaanan ko rin sa kabilang kwarto si Mr Ordazon." Sambit ni Finna.

"Mom? Ano naman ang ginawa mo doon?" Nakakunot ang noo ni Finyx.

"I just said hello to him, with a slap." Aniya ni Finna at hinayon ang pinto ng kwarto at lumabas.

Napasampal nalang sa sariling noo si Finyx.

"Alam mo bagay talaga magsama si Ella at tita Finna. Parehong maldita at amazona, ang tatapang masyado."

Umiiling-iling na wika ni Race at naupo sa isang couch.

Inihatid nga ni Finna si Stavros sa kanilang mansion. Pero si Ella ay hindi bumaba ng kotse.

"Iha, bakit hindi ka bumaba ng sasakyan? Samahan mo na si Stavros mag pahinga ka muna sa kaniyang kwarto." Wika ng ginang.

"Tita Finna, tama ba ang narinig ko kanina habang may kinakausap ka sa cellphone. Balak mong magtungo sa mansion ng mga Brentswille?" Tanong ni Ella sa babae.

"Yes iha, I just want to teach a lesson, to that stupid Adelia Brentswille. Hindi niya pa siguro kilala kung sino ang binabangga niya. Walang bruha ang makakalampas sa hagupit ng sampal ko. Ungrateful people. After all, Finyx's sacrifices for their daughter, Aimee. This is how they will repay to my son. They even want to kill you! Muntik pa madamay ang apo ko!." Galit na sigaw ni Finna.

"I'll go with you, tita Finna. You can't go there alone. Baka anong gawin nila sa'yo." Puno ng pag-aalala sa boses ni Ella.

"Ella, nakalimutan mo yatang isang Montenegro ang asawa ko. Isang pitik lang ng daliri ni Kaven, ubos lahat ang kayaman ng mga Brentswille." Aniya ni Finna.

"I know tita, alam ko naman na kaya mo sila. Pero kasi... Gusto kong masaksihan kung paano mo ilampaso sa sahig ang mukha ni Mrs Brentswille. Exciting kaya ang part na yun. Ayaw ko lang palampasin." Nakangising wika ni Ella.

"Okay fine iha, alam ko naman mamimilit ka. Makulit at matigas din kasi ang ulo mo, parang ako. But, hindi ka lalabas na sasakyan, okay? Ayoko lang madamay ka at baka mapano pa ang apo ko diyan sa tiyan mo. Malalagot ako nito kay Finyx." Turan ni Finna.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon