Nang makabalik sa VIP room ang dalawa si Ella ay nanatiling tahimik sa tabi ng lalaki. Habang si Finyx minsan ay nakikipag usap sa mga kaibigan at nakikipag biruan sa mga ito.
Tumunog ang cellphone ni Ella kaya kinuha niya ito sa purse n'ya. Tiningnan niya ang screen ng cellphone kung sino ang tumatawag. Si Girly pala ang matalik na kaibigan niya.
"Ano naman kaya kailangan ng baklang ito at tumatawag." Sambit n'ya. Tumayo si Ella at bahagyan lumayo at nag tungo malapit sa glass door.
"Hello! Baks nasaan ka? Nandito ako ngayon sa M-Club. Diba dito yung party ek-ek ni fafa Finyx!"
Sigaw ng bading sa kabilang linya agad nailayo ni Ella sa tainga ang cellphone niya.
"Ano ba bakla huwag kang nga sumigaw." Mariing wika ni Ella. "Nasaan ka ba at pupuntahan nalang kita." Tanong n'ya sa kaibigan.
"Hintayin mo nalang ako sa first floor nandito pa kasi ako sa comfort room."
"O sige bilisan mo ha, huwag kana lumandi riyan at baka mambuso ka na naman." Anang ni Ella sa kaibigan.
"Oo na, nag hahanap pa nga ako ng mahaba at malaki rito. Maraming yummy dito, punta ka nalang kaya dito Ella mang manyak nalang tayo!" Tumitiling saad ni Girly.
"Gaga huwag mo ako idamay d'yan sa kamanyakan mo. Bilisan mo na baba na ako sa first floor." Lumingon si Ella kay Finyx tumatawa ang lalaki habang nilalagok ang alak sa hawak nitong goblet.
Lumapit siya sa lalaki at umuklo at bumulong sa tainga ni Finyx.
"Baba lang ako pupuntahan ko lang si Girly." Paalam ni Ella.
"No! Nandito pa si Aimee at ang boyfriend niya hindi ka pa pwedeng mag liwaliw." Bulong din ni Finyx.
"Sige na mabilis lang naman babalik kaagad ako." Pamimilit ni Ella.
Walang nagawa si Finyx kaya pumayag na lang ito. "Fine bumalik ka kaagad." Sambit ni Finyx.
"Thank you darling." Medyo malakas na bigkas ni Ella upang iparinig kay Aimee. Dinampian ng halik ni Ella si Finyx sa pisngi at ngumisi.
"Be a good boy ha, huwag lalandi alam mo naman kumakatay ako ng karibal." Biro ni Ella nag tawanan naman yung mga kaibigan na lalaki ni Finyx ganoon din yung ibang babae.
Umalis na si Ella at bumaba sa first floor mas domoble ang tao ngayon kumpara kanina ng dumating sila ni Finyx. Marami na ang nag sasayawan sa dance floor na animo'y nakawala sa hawla.
Maya-maya pa ay damating na si Girly. "Bakit ka nandito baks?" Tanong n'ya sa kaibigan naririto sila ngayon sa isang counter kaharap ang bartender na abala sa pag mi-mix ng alak para sa kanila.
"Sinamahan ko kasi kanina si Miss Iya , may problema kaya ayon na painom ng kaunti." Paliwanag ni Girly.
"Miss Iya? Yung sikat na model ba kamo?"
"Oo alam mo bang kinuha n'ya akong PA. Kaya medyo busy ang bakla mo sa mga susunod na araw pero syempre, mag lalaan parin ako ng oras para sa pinaka magandang kaibigan ko." Ani Girly.
"Wow! So dapat mag celebrate tayo kasi personal assistant kana ng isang sikat na modelo. Cheers!" Sigaw ni Ella at kinuha ang goblet at nakipag toss kay Girly.
Mula naman sa second floor ng VIP room nakatanaw si Finyx kay Ella. Kitang kita kasi sa loob ng VIP na ito ang buong ibaba ng dance floor. Nakatayo si Finyx malapit sa dingding ng gawa sa makapal na salamin tumabi sa kanya ang kaibigan na si Race.
"Pare saan mo nakilala ang babaeng yan alam mo ang ganda n'ya. Noong unang kita ko sa kanya akala ko isang modelo." Wika ng isang kaibigan ni Finyx.
"Sa Anderson University siya nag aaral kung saan nag aaral din ang bunsong kapatid ko na si Khaki." Sagot ni Finyx.
BINABASA MO ANG
Chase Me Ella
RomansaElla is known as a brave and fierce woman. But despite her attitude, her heart is soft when it comes to the people her loves, especially her mother. Ella is afraid to fall in love even though many men like her, she wants to avoid entering into a rel...