Chapter 23

1K 41 8
                                    

Nasa isang restaurant sila Ella ngayon kasama ang kanyang ate Ecca, Dom at Girly. Wala kasi si Leo ang alam niya ay na kay Ellieoth ito ngayon dahil hiniram ng ama.

"Oy si fafa Ellieoth at si Leo." Turo ni Girly sa pwesto nag mag-ama.

"Ate Ecca lapitan mo kaya." Turan ni Ella sa nakakatandang kapatid.

"Huwag na." Tipid na wika ni Ecca.

Habang kumakain sila Ella ay biglang may sumulpot na mga teenager sa kaliwang bahagi niya.

"Omg! Ella White pwedeng pa- picture?"

Kinikilig na saad ng isang dalagitang babae.

"Sure!"

Bukal sa loob na sabi ni Ella at tumayo at magiliw nag pa-picture sa mga ito.

Pag-alis ng mga kabataan ay agad na upo si Ella naririto kasi si Finyx. Bakit ba lagi nalang nagtatagpo ang kanilang landas. Sinumpa niya na nga yung araw na nagpunta ito sa kompanya ng kanya ama. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya nito malalapitan at mahahawakan.

"Okay ka lang?" Tanong ng kanyang ate.

"Sh**t! Si Finyx Montenegro nandito." Bigkas ni Ella.

Nang lilingon si Finyx sa pwesto nila ay agad kinuha ni Ella ang malaking menu sa ibabaw ng table, at binuklat. Pasalamat nalang siya ay malaki ito at natatakpan ang buong mukha niya.

"Ate nakatingin parin ba siya?" Tanong niya kay Ecca.

"Oo." Sagot naman ng ate niya.

"Hoy inday! Baka kaya habol ng habol sa'yo ang Finyx na yan. Dahil baka naman sinuko mo na ang perlas ng silanganan mo sa kanya." Walang kagatol-gatol na litaniya ni Girly.

Masamang titigan ni Ella si Girly at pinag lakihan ng mata.

Alam naman ng bruhang baklang ito na nibigay niya na kay Finyx ang bataan niya noon. Ano ba trip nito at kailangan pa sabihin iyon sa harapan pa ng ate niya, baka isipan ng ate niya ay ang landi niya. Na kahit totoo naman na malandi talaga siya pero, slight lang.

Tinadyakan niya nga ang paa ni Girly sa ilalim ng table. Napangiwi naman ang bading.

Lunes ng tanghali ay may photoshoot si Ella syempre kasama niya parati si Girly. At lagi naman nakabuntot ang limang bodyguards niya, dinaig niya pa ang anak ng president kung bakuran ng mga bodyguards.

"Ella!" Boses ni Felix.

Mariin siyang napapikit, isa pa itong kaibigan niya. Dagdag sakit ng ulo ang kulit kasi. Gusto na naman nitong manligaw sa kanya pero binasted niya agad at sinikmuraan para matauhan at magising na sa kabaliwan sa kanya.

"Ano iyon?" Nakasimangot na humarap si Ella kay Felix. "Ito naman nakasimangot agad." Nakangusong wika ni Felix.

Matagal napatitig si Ella sa mukha ni Felix. In fairness sa mokong nag matured ang mukha nito at lalong umangat ang kagwapuhan. Noon pa man ay magandang lalaki na ito. Domoble rin ang laki ng katawan nito, lalong naging matipuno at makisig. Bakit kaya hindi siya nagkagusto sa lalaking ito? Iwan niya din ba sa sarili, sadyang hindi lang talaga siya na-aatract sa lalaki, kahit noon at hanggang ngayon. Natuon ang atensiyon niya sa babaeng nasa likuran ng lalaki. Maganda ang babae, maputi at may taglay ng magandang uri ng mga mata. Mahaba ang kulay itim at alon-alon nitong buhok. Pero napakaseryoso ng bukas ng mukha nito at kapag tumitig ay napakalamig. Feeling tuloy ni Ella ay nasa loob siya ng freezer dahil sa lamig nitong tumitig.

Ni-head to foot ni Ella ang babae. Sa tindig nito at pananamit parang sasabak lagi sa gera. Naka leather jacket ito at sa pangloob ay isang itim na sando na hapit sa katawan ng babae. High waisted ang suot nitong black skinny jeans na pinaresan ng brown leather boots.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon