Chapter 31

1.2K 43 7
                                    

                          SPG-R18+

"Darling baka bumaon, ilayo mo ng kaunti." Anang ni Finyx at pilit na isnisiksik ang sarili sa couch.

"Hindi ko lang ito ibabaon, tatapyasin ko rin yan. Nagpaalam ka ba sa'kin?" Pinandilatan ng mga mata ni Ella si Finyx.

"Eh, kasi sila. Dinala nila ako rito dahil may padespedida party daw sila sa'kin. Malay ko bang may mga babae pala." Paliwanag pa ni Finyx.

"Are you gagohin me? Wag mo akong gawing tanga Finyx. Iyang sagot mo nakakabobo ha, saan ka ba nakakita ng club na walang babae! Kahit nga mismo sa sarili mong club puno ng babae!" Bulyaw ni Ella sa pagmumukha ni Finyx.

"Ah... Miss Ella, w-wala naman talagang kasalanan si sir. Ako ang kusang naupo sa kandungan niya." Depensa ng babae kay Finyx, na kaninang naka-upo sa mga hita ni Finyx.

"Do you think I care about your explanation? I'm not talking to you, so shut up!" Anas ni Ella sa babae. Napayuko nalang ang babae dahil sa matalim na titig ni Ella.

"At isa pa ha. Hindi ba uso sainyo  ang magsuot ng bra? Anong akala n'yo dito. Bakery? Hindi bebenta ang mga monay niyo sa mga lalaking ito. Ang gusto nila pinakbit, yung sari-sari. Titikman lang nila yan, kahit kepay n'yo ay titikman lang pagkatapos, kapag hindi nila gustuhan. Ibabasura na nila, para kayong lumang tinapay na tinapon sa basurahan." Litaniya pa ni Ella.

"Grabe ka naman Ella. Ang hurt mo mag salita." Turan ni Race.

"Bakit Race, hindi ba totoo?" Binalingan ni Ella si Race, napakamot nalang sa batok ang lalaki.

"Tandaan n'yo ang mga pagmumukha ng mga lalaking 'to. Lahat ng mga yan may mga sabit at may mga asawa na. Maliban sa isang iyon." Sabay turo ni Ella kay Bastian Fedrico Fellini, ang isa sa mga kaibigan ni Finyx.

"What?!" Iritableng wika ni Bastian.

"Iyan puwede niyong landiin, at kahit mag palahi pa kayo riyan walang asawa yan. Walang magagalit. Iyon ay kung makakalapit kayo sa kanya. Dahil mukhang isa lang ang bayag niyan at takot pa yata sa kepay." Walang prenong saad ni Ella.

"What the heck! What are you talking about?" Nakakunot ang noo ni Bastian at halatang naiinis sa mga sinabi ni Ella.

"Darling, mukha lang yan santo pero sa grupo namin siya ang pinakademonyo pagdating sa bababe. Matinik yan." Bulong sa kanya ni Finyx.

"Talaga ba? Hindi halata ah. Mabuti naman at hindi naman pala mapapanis ang semilya mo, may silbi rin pala." Nakangising wika ni Ella kay Bastian. Lalo sumimangot ang mukha ni Bastian.

"Ikaw tumayo ka na at uuwi na tayo. Hindi pa ako tapos sa iyo Finyx. At kayo naman mag suot kayo ng bra. Tandaan n'yo ang pagmumukha kong ito, masama akong mag selos! Sa oras na makita ko kayong lumilingkis kay Finyx. Ililibing ko kayo ng nakabulusok. Nagkakaintindihan ba tayo?!" Asik ni Ella sa mga babae.

"O--oo miss Ella." Sabay-sabay na tumango ang mga babae.

"Ano pa ang hinihintay mo diyan, kamatayan mo? Kapag hindi ka pa tumayo riyan. Sasamain talaga sa'kin ang dalawang rambutan mo!" Asik ni Ella kay Finyx.

"Sabi ko nga tatayo na. "

"Teka Ella, hindi pa tapos ang padespedida party namin para kay Finyx." Sambit ni Race.

Pinaningkitan ni Ella si Race ng mga mata niya. "Gusto mo ikaw ang tapusin ko Race?  Anong akala n'yo kay Finyx, mag aabroad." Sabay taas ni Ella ng hawak niyang basag na bote at tumingin sa pagitan ng mga hita ni Race.

Agad naman napatakip ng dalawang palad niya si Race sa bandang iyon at ilang beses napalunok.

"Sabi ko nga umuwi na kayo. Tama lang na pauwiin mo yan si Finyx, para  magtanda hindi marunong mag paalam sa'yo. Sabi ko ka nga sa kanya kanina tawagan ka muna. Pero ayaw niya, sabi niya baka hindi mo siya payagan at pauwiin mo siya. Ito pa ang sabi niya amazona ka at parang si tita Finna na bumubuga ng apoy sa tuwing magagalit. Dagdag pa nga niya, walang babaeng pwedeng kontrolin siya, kahit ikaw pa daw Ella." Saad ni Race at bahagyang ngumisi.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon