Sa hallway habang nag lalakad si Ella patungo sa kanyang room. Bawat nakakasalubong niyang mga lalaki ay ngini-ngitian at binabati siya."Hi Ella, ang ganda mo talaga." Wika ng isang lalaki.
"I know that i am beautiful. Hindi mo na kailangan ipaalala." She replied with confidently.
"Lakas mo talaga babe ko." Sabay akbay ng isang lalaki kay Ella.
Agad tinapik ni Ella ang kamay ng lalaking naka tanday sa balikat niya.
"Ano ba Felix Sandoval, badtrip ako kaya huwag mo na dagdagan." Mataray na wika ni Ella.
"Ito naman ang suplada mo, na miss lang kita."
"Namiss mo ako? Baka namiss mo kamo akong buwisitin." Anang ng dalaga sa kaharap.
"Hmmn... pareho, nag almusal ka na ba? Sabay na tayong kumain ng lunch mamayang tanghalian ha. Libre ko, okay ba sa'yo?"
"Oo ba, kapag libre ba e, tatanggi pa ako. Patay gutom kaya ako." Wika ni Ella. Humalakhak naman ang lalaki.
Si Felix Sandoval ay nag iisang kaibigan ni Ella sa university na ito. Bukod sa lalaki ay wala na siyang ibang kaibigan dito. Sa taray at pagiging maldita ni Ella ay halos walang makipag kaibigan sa kanya. Ang ibang babae ay nahihiyang lumapit at makipag-usap kay Ella. Kadalasan ay nagiging kaaway ni Ella ang mga babae rito.
"Ang cute mo talaga babe." Sabay kurot ni Felix sa pisngi ni Ella. Noon ay hindi naman close ang dalawa pero dahil sa kakulitan ni Felix ay naging malapit ang mga ito sa isa't-isa.
Sabay naupo ang dalawa sa silyang mag katabi.
"Hoy! Namumuro kana sa pangungurot mo sa pisngi ko. Masakit ha, sasapukin talaga kita." Inis na saad ni Ella.
"O sige, hahalikan na lang kita, hindi na kita kukurutin." Agad nga na hinalikan ni Felix sa pisngi si Ella.
Hindi naman agad nakapag react si Ella.
Pero ilang sandali lang ay malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Felix.
Napangiwi si Felix at dinaing ang maluntong na sampal na natanggap nito mula kay Ella.
"What did i say to you you're not allowed to kiss and touch me, right?" Masamang tingin ang pinukol ni Ella sa lalaki.
"Ito naman napaka damot halik lang naman sa pisngi. Pinag kakait mo pa, kaya hindi ka nag kaka-boyfriend ang sungit mo."
"Tsee! Ang sabihin mo nananantsing ka lang."
"Ms. White, Mr. Sandoval. Nag babangayan na naman ba kayo!"
Natigil ang dalawa sa pag sasagutan ng marinig ang boses ng kanilang professor.
Agad naman lumayo si Felix kay Ella at nag tungo sa sariling upuan katabi ng mga kaibigan niya.
Kinahapunan alas singko ng hapon nasa labas na ng university si Ella.
"Manong singkwenta pesos nga po na squid ball." Inabot ni Ella ang pera sa matandang tindiro.
Itong kinasanayan ni Ella bago umuwi ang kumain ng paborito niyang street food.
"Ang dami niyan Ella mauubos mo ba iyan. Naku, kapayat mong babae pero ang lakas mo kumain, hindi ka naman tumataba." Bahagyang tumawa ang matanda.
"Si tatay Pedro talaga alam mo namang paborito ko ito. Kahit isang banyado squid ball kaya kong kainin." Turan ni Ella sabay subo sa bibig ng pagkain.
Habang masayang kumakain si Ella ay hindi niya namamalayan na may matang nag mamasid sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chase Me Ella
RomanceElla is known as a brave and fierce woman. But despite her attitude, her heart is soft when it comes to the people her loves, especially her mother. Ella is afraid to fall in love even though many men like her, she wants to avoid entering into a rel...