Chapter 6

1K 38 1
                                    

Bumalik si Ella sa sala bitbit ang juice na itinimpla n'ya nilapag niya ito sa lamesita harapan ng lalaki. Wala ang kanyang ina siguro ay bumalik na ito sa kanilang silid.

"Oh ayan inumin mo na at lumayas kana dahil maliligo at papasok pa ako school."

"Ang sweet mo talaga darling." Nakangising saad ni Finyx.

"Pwede ba pag katapos mong ubusin iyan ay umalis ka na bago pa bumalik si nanay dito." Pag tataboy ni Ella kay Finyx.

"Bakit mo ba ako pinag tatabuyan, bisita mo ako diba? So treat me well, i'm your boyfriend."

"Luh? Kailan naman kita naging boyfriend? Hoy! Finyx kahit sa panaginip ko hindi ko pinangarap na maging boyfriend ka."

"Malay mo maging tayo. And besides
ipinagkatiwala ka na sa akin ni nanay Anghella. At nakapagbitaw na ako ng pangako sa kanya."

Nabigla si Ella sa tinuran ng lalaki. Tama ba ang narinig n'ya? Ipinagkatiwala na siya ng kanyang ina sa lalaking ito. At talagang naniniwala ang kanyang ina na nobyo n'ya ang Finyx na ito.

"Ipinagkatiwala? At ano naman ang ipinangako mo?"

Bakit nga ba tinanong niya pa sa lalaki kung ano sinabi nito sa kanyang ina. Hindi naman mahalaga kung ano ang sinabi ni Finyx. Pakialam niya ba. Pero may kung ano sa loob n'ya na gusto niyang malaman kung ano ang ipinangako ni Finyx.

"I promised her that i will love you, take care of you and protect you."

Napatanga si Ella sa sinabi ni Finyx ilang sigundo ay napasampal si Ella sa sariling noo.

"Bakit ka nangako sa nanay ko ng ganiyan Finyx? dapat hindi ka nag bitaw ng kahit anong salita sa nanay ko. May taning na ang buhay ni nanay. Kahit anong oras at araw ay pwede siyang mawala sa'min. Baka, baka ito na ang paraan niya para mag paalam sa akin. Shit! Hindi pa ako handa sa bagay na ito."

Bumalatay sa mga mata ni Ella ang takot at lungkot kitang-kita ito ni Finyx sa mga mata ni Ella.

Hinawakan ni Finyx ang isang kamay ni Ella na labis na ikinabigla ng dalaga.

"Ella once i make a promise to someone, I keep it. I have one word." Seryosong pagkakasabi ni Finyx.

"Ano? Gago ka ba? Sira-ulo ka." Naguguluhan si Ella sa mga binitawang salita ni Finyx. Siguro ay nadala lang ito sa kung ano ang mga sinabi ng kanyang ina rito.

Mag sasalita pa sana si Finyx ng tumunog ang cellphone ni Ella na nakapatong sa ibabaw ng lamesita.

Lumitaw sa screen ng cellphone ang pangalan ng tumatawag. Walang iba kundi si Felix napatingin si Finyx sa cellphone ni Ella. Napakunot ang noo ng lalaki nang makita kung sino ang tumatawag.

Kinuha ni Ella ang cellphone at sinagot.

"Felix?"

"Where are you? Bakit hindi ka pumasok? Malapit na ang final exam natin Ella. Nakapag review kana ba?" Bungad ni Felix sa kabilang linya.

"Shit oo nga pala!" Biglang sambit ni Ella nawala sa kanyang isipan.

"Papasok ako ngayon Felix hahabol ako sa ibang subject. Sige bye." Nilapag ni Ella ang cellphone sa lamesita at mabilis nagtungo sa kwarto at kinuha ang tuwalya at patakbong tinungo ang banyo.

Pag kapasok ni Ella sa loob ng banyo kinuha ni Finyx ang cellphone ni Ella.

May kung anong kinalikot si Finyx sa phone ni Ella pagkatapos ay muli n'ya itong nilapag doon.

Umiinom si Finyx ng juice ng biglang lumabas si Ella sa banyo. Kumikinang ang balat ng dalaga ng lumabas sa banyo dulot ng tubig sa katawan nito. Basang-basa ang buhok ni Ella tumutulo pa ito. Nasamid si Finyx ng lunukin niya ang juice ng dumaan si Ella. Nasamyo niya pa ang natural na bango ng shampoo na ginamit ng babae.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon