Chapter 7

998 34 0
                                    

Hindi makapag concentrate si Ella sa kanyang nire-review. Kanina pa siya tulala at nakatingin lang sa kawalan na pansin naman siya ng kanyang ina.

"Ella, anak may kumakatok sa pinto ang ate mo na yata iyon." Wika ng kanyang ina.

Hindi narinig ni Ella ang tinuran ng ina at nanatiling nakatulala.

"Daniella!" Untag ni Anghella sa anak.

Napakurap-kurap si Ella na bumaling sa ina.

"Ah, ano po iyon inay?"

"Kanina pa kita tinatawag ano ba nangyayari sa iyong bata ka at tulala ka riyan. Ang lalim naman yata ng iniisip mo anak, may problema ka ba." Ani ni Anghella.

"Wala po inay iniisip ko lang yung final exam namin." Sagot ni Ella.  Ang totoo niyan ay iniisip ni Ella si Finyx hindi mawala sa kanyang isipan ang lalaki. Kanina pa ginugulo ng lalaking iyon ang isipan niya kaya hindi siya masyado makapag focus sa pag re-review n'ya.

Muling may kumatok sa pinto narinig na ito ni Ella.

"Pangatlong katok na iyon labasin mo nga muna Ella at baka ang ate Ecca mo na iyon."

"Opo inay."

Mabilis na lumabas ng kanilang silid si Ella at patakbong nag tungo sa pinto at agad binuksan. Mukhang ng kanyang ate ang bumungad sa kanya.

"Sorry ate ! kanina ka pa ba kumakatok? Nag re-review kasi ako alam mo na mala-"

Hindi natapos ni Ella ang sasabihin ng makita ang lalaking nasa likuran ni Angelecca.

"Hala! Ang pogi! Akala ko wala ng mas lalamang sa kagwapuhan ni Finyx. Diyos ba itong nakikita ko na bumaba mula sa kalangitan." Sa isipan ni Ella.

Natulala na si Ella at nakalimutan na nasa harapan n'ya ang ate niya.

"Hi sister in-law." Bati ng lalaki kay Ella.

"Ano kamo? Sister in-law?"

Pinitik ni Ecca ang daliri sa harapan ng kapatid napakurap-kurap si Ella.

"Ate, pasok kayo sorry medyo lutang pa kasi ako kaya medyo natutulala. Nag re-review kasi ako e ."

Natatawang wika ni Ella at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Ate! shiiiit! gwapo ng kasama mo ang hotie pa, sino siya boyfriend mo?"

"Umayos ka nga Ella, siya ang boss ko. Mahinang bulong ni Ecca kay Ella at pinandilatan pa siya nito ng mata.

"Anak, nandito  kana pala." Wika ng kanilang ina. Agad lumapit si Ecca sa kanilang nanay at nag mano at humalik sa pisngi.

"May kasama ka pala anak."

"Ah si s--"

Hindi pa man natatapos ni Angelecca ang sasabihin ay sumingit na ang lalaki.

"Magandang gabi po Nay! ako nga po pala si Ellieoth Del falco. Boyfriend po ni Angelecca."

Nag higis O, ang bibig ni Ella sa narinig mukhang maalaska niya ngayon ang kan'yang ate Ecca.

"May boyfriend kana pala anak, hindi mo man lang nasabi sa'kin." Wika naman ni Anghella sa anak.

"Halika iho, nag luto kami ng tinolang manok tikman mo." Paanyaya ni Anghella sa lalaki at inakay patungo sa kusina.

"Ooyy, may boyfriend kana pala ate. In fairness mas angat ang itsura niya kay kuya Dom. Mas bet ko siya bagay kayo! hehehe." Pang aasar ni Ella sa ate nito.

Ang tinutukoy ni Ella ay si Domnix Saavedra yung lalaking naghatid sa kanyang ate noong nakaraang gabi. Gwapo din iyon at mukhang mabait.

Kinabukasan maagang nagising si Ella at hinahalungkat ang kabinet kung saan kalagay lahat ng mga damit niya.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon