Chapter 32

1.2K 36 10
                                    

Tumayo si Ella at mabilis tinungo ang pinto ng kwarto at patakbong lumabas doon.

"Ella saan ka pupunta?!" Sigaw ni Girly at nag madali rin lumabas ng kwarto at sinundan si Ella.

"Pupunta ako ng laguna. Kailangan ako ni Finyx." Umiiyak na saad ni Ella.

Sakto naman bumukas  ang pinto ng silid ng ama ni Ella.

"Ella, where are you going?"

Hindi pinansin ni Ella ang tanong ng kanyang ama, at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

"Ella!" Muling tawag ni David sa anak.

"Sa laguna po ang punta namin. Si Finyx, na aksidente po." Si Girly ang sumagot.

Mag sasalita pa sana si David ngunit umalis na rin si Girly.

Nang makalabas si Ella sa mansion ay bigla siyang natigilan sa paghakbang at napahawak sa kanyang tiyan. Sobrang sakit nito na parang pinipiga sa loob.

"Shit! Arghh!" Napadaing si Ella dahil sa sobrang sakit ng kanyang tiyan.

"Ella anong nangyayari sa'yo?" Puno ng pag-aalala sa boses ni Girly.

"Ma'am Ella?" Dinaluhan din si Ella ng  personal driver niya na tauhan din ni Finyx.

Biglang nandilim ang paningin ni Ella hilong-hilo na rin siya.

"Dugo!" Sigaw ni Girly.

"Gaga ka bakla dinudugo ka!" Bulalas ni Girly.

"Sir David!" Nagsisigaw na si Girly dahil sa nerbyos.

Dinala naman si Ella sa hospital. Kinabukasan ay nagtungo si Finna sa laguna, upang asikasuhin ang ang nasabing bangkay ni Finyx at Kaven.

Dumaan sa DNA testing, ang mga nakuhang sunog na buto. Dalawang linggo ang lumipas ay lumabas ang resulta ng DNA test.

Malalim na hininga ang pinakawalan ni Finna. Si Ella naman ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Pero kahit lumabas na ang resulta ay hindi pa rin siya mapagalagay.

Ano na kaya ang lagay ngayon ni Finyx, dalawang linggo na ang nakakalipas pero wala silang balita sa mag ama.

"Iha, tiwala lang. Babalik din si Finyx ginagawa namin ang lahat para mahanap sila. Kahit ako man ay nag aalala, pero nananalig ako sa diyos na buhay ang mag ama ko."

Hindi na napigilan ni Finna ang maluha, labis siyang nag aalala saag ama niya.

Si Ella naman ay tahimik sa isang tabi pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Ayaw niyang maulit ang nangyari noong linggo na kamuntikan na siyang makunan. Ilang beses niya sinisi ang kanyang sarili dahil nalagay  sa kapahamakan ang batang nasa sinapupunan niya.

Kailangan niya maging matatag sa mga oras na ito, hindi siya puwedeng maging mahina. Lalo na at buntis siya.

~~~~

Dahan-dahan nag mulat ng mga mata si Finyx. Kumunot ang kanyang noo ng mapagtanto na parang hindi pamilyar sa kanya ang kwarto kung nasaan siya ngayon.

Luma na ang loob ng kwarto at ang dingding nito ay gawa lamang sa kawayan. Samantala ang bubong naman ay yari sa anahaw.

"Urgh! Crap!"

Napadaing at napamura si Finyx ng bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama.

Napahawak siya sa kanyang ulo kung saan ang parteng may sugat at benda.

Luminga-linga si Finyx sa paligid nasaan ang kanyang ama? Hindi man niya maalala ang buong pangyayari nung araw na iyon, pero alam niya na magkasama sila ng kanyang ama. Masyadong mabilis ang mga nangyari noong oras na iyon, kaya hindi niya na alam ang mga sumunod.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon