Chapter 21

897 33 11
                                    


"Sino iyon?"

Bigla nalang sumulpot si Girly sa likuran ni Ella.

"Si Finyx." Tipid na turan ni Ella.

"Si Finyx? Paano niya nalaman na naririto ka? Kung sabagay hindi kataka-taka dahil mayaman at marami siyang koneksyon. Hindi ko ma-imagine ang mukha niya ngayon. Nakita ka niya sa ganyang kasuutan, baka inisip nun ay may nangyari sa pagitan niyo ni Orion. Damit ni Fafa Orion ang suot mo, siguro kung kayo pa. Baka nagpupunas na ngayon iyon ng dulo ng shotgun at handa ng patayin si Fafa Orion, dahil sa selos." Litaniya ni Ella.

"Pero tiyak ngayon na, opisyal na wala ng kami." Parang may kumurot sa puso ni Ella. "At isa pa bakit naman siya mag seselos? May Aimee na siya, hayaan mo siya mag-isip ng masama tungkol sa'kin. Siguro yung pag-iyak niya kanina, hindi dahil nasaktan siya, kundi sobrang saya n'ya dahil malaya na siya. Malaya niya ng mamahalin si Aimee. Halika na umuwi na tayo Girly." Wika ni Ella.

"That's not what I saw in his eyes earlier." Komento ni Orion.

Masamang tinitigan ni Ella si Orion.

"Wala akong pakialam sa komento mo Orion. Kanina pinipigilan mo akong huwag siyang sundan, tapos ngayon iyan ang sasabihin mo." Iritableng saad ni Ella.

"Pinigilan kita kanina dahil ayokong humabol ka sa tarantadong iyon. Babae ka Ella, hindi ka dapat naghahabol sa gagong iyon. Pero kung gusto mo talagang mag pakatanga sa kanya, sundan mo!" May diin sa salitang sinabi ni Orion, bago ito umalikod at pumasok sa kwarto nito, kung saan natulog si Ella at Girly kagabi. Sa sofa natulog si Orion kagabi mabuti na lamang ay medyo malapad ang sofa na kanyang hinigaan, nagkasya siya.


Dalawang linggo ang naging bakasyon nila Ella sa probensya ng kanilang ama. Kasama ang kanyang ama at ate Ecca niya, syempre hind mawawala si Girly.

Nang makabalik sila sa maynila ay may natanggap siyang isang email mula sa private investigator ng kanyang ama. Ito iyong inutusan niya noon upang sundan si Finyx sa Paris.

Nanglulumo si Ella ng mapaupo sa paanan ng kanyang kama, ng makita ang larawan na ni-send sa kanya.

Sa larawan ay naroon si Finyx at Aimee nasa tabi ng dalampasigan ang mga ito. Sa buhangin ay may nakalatad na red carpet may iilang petal ng rosas ang nakakalat roon.

Mag kaharap ang dalawa at sa unahan ng mga ito ay may pare na ikinakasal ang dalawa. May iilang tao sa larawan may babae at lalaki na pawang parehong may edad na. May isang babae na maganda na masasabi niyang kamukha ni Aimee, siguro ay kapatid ito ng babae. May dalawang lalaki rin ang naroon. Kita sa mga ngiti ni Finyx ang saya habang nakatitig kay Aimee.

"Kinasal kana?" Umiiyak na usal ni Ella. Impit lang siyang umiyak sa kanyang kwarto at paulit-ulit na sinusuntok ang kanyang dibdib. Hindi niya kaya ito, hindi niya kaya ang sakit na dulot ni Finyx. Para siyang mahihimatay sa kirot ng puso niya. "Sana pinatay mo nalang ako Finyx!" Usal ni Ella.

Hindi namalayan ni Ella na sinasaktan niya na ang kanyang sarili, sinasabunutan niya na ang kanyang buhok. Parang nawawala na sa kanyang sarili si Ella, nanginginig ang buong katawan niya hindi niya na ma-kontrol ang kanyang sarili. Panay ang iyak niya. "Finyx! Finyx! Finyx!"

Paulit-ulit na sigaw ni Ella sa pangalan ng lalaki.

Mag hapon umiyak si Ella ng araw na iyon hindi siya lumabas ng kanyang kwarto.

Kinagabihan ay kinatok ni Girly ang pinto ng silid ni Ella. Alas-otso na kasi ng gabi ay hindi pa ito lumalabas simula ng pumasok ito kaninang tanghali, hindi pa nga ito nananghalian.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon