Sunod sunod na doorbell ang narinig ni Ella mula sa labas ng kaniyang unit. Tiyak na si Girly na'to dahil inutusan niya itong bumili ng pregnancy test kit. Alas otso na ng umaga at naririto sila ngayon sa condo unit ni Ella.
Inabot ni Girly ang isang box ng pregnancy test kit kay Ella.
"O, hayan isang box na, para kapag hindi ka pa satisfied sa resulta ulitin mo. Sige na pumasok ka na sa banyo at subukan mo dahil excited na ako maging ninang." Marahang tinulak ni Girly papasok si Ella sa banyo.
Parang may drums sa loob ng dibdib ni Ella dahil sa lakas ng pagtibok ng kaniyang puso, daig pang tinatambol ang loob nito.
Limang minuto ang hinintay ni Ella bago dahan-dahan iangat ang pregnancy test kit na hawak niya. Nanginginig pa ang kamay niya habang hawak ito. Ilang beses napalunok si Ella ng lumabas ang isang red line, at ilang segundo lang ay lumitaw pa ang isa pang red line.
"Oh god..." Naibigkas ni Ella.
Binuksan niya ang pinto ng banyo at sumilip sa labas.
"Ano bakla, positive ba?" Bakas ang excitement sa mukha ni Girly.
"Hindi pa ako sure, bigyan mo ako ng isang pitcher na tubig, inumin ha. Dali na!" Utos ni Ella sa kaibigan.
"Ito na, nagmamadali?" Wika ni Girly at nag martsa paalis.
Bumalik ito dala ang isang glass pitcher. " Wala ng baso-baso laklakin mo nalang." Turan ni Girly at sabay abot kay Ella ng pitcher.
"Wala talagang baso baks? Ano akala mo sa'kin, aso?" Reklamo ni Ella.
"Naku nag reklamo ka pa. Alak nga tinutungga mo sa bote." Sambit ni Girly.
"Hmmnp!" Kinuha ni Ella mula kay Girly ang glass pitcher na puno ng tubig.
Uminom siya roon pagkatapos ay pinatong sa sink ng lababo ang pitcher, marami ang kanyang ininom upang mabilis siyang maihi.
Limang minuto muli ang hinintay niya para sa resulta. Pinagkatitigan ni Ella ng mabuti ang pregnancy test kit.
Two red lines ang lumabas dito nanlaki ang mga mata niya."Shit! Buntis nga ako. Pero hindi, baka nagkamali lang uulitin ko ulit." Wika ni Ella at muling kumuha sa box ng isa pang pregnancy test kit. Uminom muli siya ng maraming tubig at muling umihi. Naubos ni Ella ang tubig na laman ng pitcher pati ang pregnancy test kit ay ubos din, lahat ay nagamit niya. Lahat ng resulta ay positive.
"Totoong buntis ako? That f-cking jerk! Nagtanim talaga ng buto. Sinigurado talaga ng gago." Hindi makapaniwala si Ella. Napatitig siya sa malaking salamin na nakadikit sa wall ng banyo, pinagmasdan niya ng mabuti ang kaniyang sarili. Bigla siyang humalakhak ng malakas. Narinig naman ito ni Girly mula sa labas ng pinto.
"Hoy babaita! Ano nangyayari sa'yo diyan?" Kinatok ni Girly ang glass door. "Walanghiya ngayon lang ako napa-isip, ilang taon ko rin pala pinagtiyagaan ang pagiging siraulo mo. Hindi pa ako nasanay baliw ka nga pala." Umiiling-iling na wika ni Girly.
Tumunog ang door bell kaya umalis muna si Girly upang tingnan kung sino ang taong nasa labas ng unit.
Pagkabukas ni Girly ng pinto ay napakunot ang noo niya.
"Hello madam sino po sila?" Tanong ni Girly sa ginang. " Tabi! Allergic ako sa mga pangit!" Mataray na sambit ng babae at nilapagsan si Girly at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng unit.
Napamaang si Girly at sinundan ng tingin ang babaeng pumasok may kasama itong isang batang lalaki. Pinaupo ng babae sa mahabang couch ang batang lalaki, habang inililibot nito ang paningin sa malawak na sala.
"Aray ha, pangit daw ako? Tangina masakit talaga kapag totoo." Usal ni Girly at ngumuso.
"Where's Ella?" Masungit at mataray na tanong ng babae.
BINABASA MO ANG
Chase Me Ella
RomantikElla is known as a brave and fierce woman. But despite her attitude, her heart is soft when it comes to the people her loves, especially her mother. Ella is afraid to fall in love even though many men like her, she wants to avoid entering into a rel...