Nag susuklay ng buhok si Ella nakaharap ito sa salamin na may ngiti sa labi at kumakanta-kanta pa ito.Tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng tokador.
Kinuha n'ya ito at agad sinagot hindi na siya nag abalang tingnan kung sino ang tumatawag.
"Yes?" Sagot niya rito.
Malalim na buntong hininga ng isang lalaki ang narinig niya mula sa kabilang linya.
"Are you gonna take long? I've been waiting for you here in the car." Naiinip na saad ni Finyx.
Napakunot ang noo ni Ella sa narinig hindi niya masyado mabosesan ang lalaki.
"Hoy! Wala akong inaasahan na kahit sinong sundo ngayong araw. At isa pa ang pinaka ayaw ko sa lahat yung minamadali ako. Sino ka ba!?"
Mabilis na inilayo ni Finyx ang cellphone sa tainga parang nabasag yata ang air drum niya dahil sa malakas na pag sigaw ni Ella.
"Please don't shout i'm not deaf! hurry up young lady if you don't want me to come to your house. Hindi mo naman siguro gu-gustuhin malaman ng iyon ina na may nobyo kana."Nakangising wika ni Finyx.
"Ohh.. gosh!" Nag mamadaling kinuha ni Ella ang bag niya at eco bag kung nasaan ang mga paninda niya.
"Nay aalis na ho ako." Sabay halik sa pisngi ng kanyang ina.
"Mukhang nag mamadali ka yata?" Usisa ni Anghella sa anak.
"Ka-kasi po magkikita kami ni Girly ngayon Nay. Siya nga po pala yung gamot mo huwag mo kakaligtaan inomin. Sige na po aalis na ako." Nasa pinto na siya ng tawagin muli si ng ina.
"Ella may baon ka pa ba? Nag iwan ang ate Ecca mo ng pera para sa baon mo."
"Nay,, huwag n'yo na ako alalahanin may pera ho ako, sa'yo na iyan itago mo. Bye Inay I love you po!"
Halos mag kandatalisod si Ella sa pag lalakad may takong pa naman yung sapatos na suot niya.
"Ella nagmamadali ka yata?" Tanong ni Jayson.
"Oo kuya Jayson may pupuntahan pa kasi ako. Kuya Jayson ikaw na muna bahala kay nanay pakitingin-tingin na lang siya."
"Walang problema Ella."
"Sige kuya Jayson aalis na ako."
"Shit lang talaga hindi manlang Ako nakapag lagay ng lipstick sa labi kahit foundation sa mukha nakalimutan ko. Buwisit kasi lalaking iyon bakit ba may pasundo-sundo pa siyang nalalaman. Anong drama niya, kainis! Feeling ko ang haggard ng mukha ko." Mahinang wika ni Ella.
Nang makarating sa labasan si Ella at napatingin siya kaagad sa itim na kotse. Heavily tented glass ang salamin ng bawat bintana ng kotse kaya hindi niya makita ang tao sa loob.
Nag lakad siya papalapit sa pinto ng kotse. Bumukas ang backseat at nakita niya roon si Finyx Montenegro. Nakangisi ang lalaki habang titig na titig ito sa kanya.
"Good morning my darling." Bati sa kanya ng lalaki.
Inirapan n'ya ito at pumasok na sa loob ng kotse.
"Umagang-umaga naka-busangot na iyang mukha mo." Anang ng lalaki.
Inis na humarap si Ella sa lalaki at matalim itong tinitigan.
"Wala kang paki! Bakit ka ba nandito? At paano mo nga pala nalaman ang number ko?"
Umismid ang labi ni Finyx."Mahalaga pa ba iyon kung paano ko nalaman ang number mo. At pwede ba huwag kang sumisigaw, ang sakit sa tainga ng boses mo. Kaya mo naman siguro na mag salita na hindi sumisigaw yung mahinahon lang." Turan ni Finyx.
BINABASA MO ANG
Chase Me Ella
RomanceElla is known as a brave and fierce woman. But despite her attitude, her heart is soft when it comes to the people her loves, especially her mother. Ella is afraid to fall in love even though many men like her, she wants to avoid entering into a rel...