Marahan ibinaba ni Finyx si Ella sa silya, sa dining area siya dinala ni Finyx."Let's eat because I already starving." Seryosong wika ni Finyx at pinagsundok ng fried rice at nilagyan ng bacon, ham at Sunnyside up egg, ang plato ni Ella. Hindi simpleng fried rice ang nasa plato ni Ella. May fried mushrooms itong sahog at slices bacon, ham and green onion, ang bango din ng amoy nito. Bigla tuloy siya nakaramdam ng gutom pero, mas nangingibabaw kay Ella ang galit at inis niya kay Finyx.
"Eat this, I cooked this for you, Ella." Malumanay sabi ni Finyx.Tumiim ang labi ni Ella at biglang kinabig ang babasaginh platong nasa harapan niya. Nahulog ito sa sahig at nabasag, lahat ng pagkain ay kumalat sa lapag.
Nanatiling kalmado si Finyx kahit sa loob-loob niya ay nasasaktan siya sa ginawa ni Ella.
"I'm not concerned about what you cook! Ang gusto ko ibalik mo ako sa manila, gusto ko ng umuwi, Finyx! I want you out of my sight! I want to avoid seeing you anymore! So just, please. Stop what you're doing. Because regardless of what you do, we can't fix this, and I'm not coming back to you." Bulyaw ni Ella sabay tayo mula sa pagkakaupo. Isa-isa tiningnan ni Finyx ang mga tauhan niya at nag senyas na lumabas ang mga ito.
"I want to leave this place!" Muling sigaw ni Ella.
Nang umalis ang mga tauhan ni Finyx ay saka lang siya tumingin kay Ella.
"You will not leave this place. You will stay here until you forgive me." Mariing wika ni Finyx.
"Tss! Ano yan Joke? Kahit umiyak ka sa harapan ko at lumuhod hindi kita mapapatawad. Kahit lumuha ka ng dugo, o' mag patiwakal sa harapan ko. Hindi ko sa'yo ibibigay ang kapatawaran na hinihingi mo. Manigas ka!" Pinandilatan ni Ella ng mata si Finyx.
Gumalaw ang panga ni Finyx at matalim tinitigan si Ella. Napalunok si Ella dahil sa paraan ng pagtitig ni Finyx sa kanya. Dati naman ay hindi siya nito pinanlilisikan ng mata.
"Kung umarte ka d'yan akala mo hindi mo ako niloko noon!" Galit na saad ni Finyx.
Kumunot ang noo ni Ella sa sinabi ni Finyx. "Ha? Ako, niloko ka? Kailangan, saan, anong araw, anong oras? Sa pagkakaalala ko ikaw ang unang nagloko Finyx. Huwag mong baliktarin ang nangyari, wag mo sa'kin ibato ang nagawa mong kasalanan. Dahil itong puso ko ay pure, minahal kita ng totoo at wala akong maalala na niloko kita." Mahabang litaniya ni Ella.
"Walang kang maalala? Really. Well, I'll remind you. When I went to Orion's condo, why were you wearing his clothes? Why did you sleep in that man's condo? Tell me, did something happen between you and that man! P-tangina Ella! Labis akong nasaktan ng makita kang kasama ang lalaking iyon. Kulang nalang ay pumatay ako ng tao dahil sa selos!" Sigaw ni Finyx halos umalingawngaw ang malaking boses ni Finyx sa loob ng dining room.
"Nasaktan ka? Nasaktan ka kahit wala akong ginawang mali. My goodness! Ako hindi mo ba ako tatanongin kung okay lang ba ako. Kung anong naramdaman ko nung lokohin mo ako! Wala kang alam Finyx kung anong nangyari at pinagdaanan ko noon. Muntik ko ng kitilin ang sariling kong buhay ng dahil sa'yo. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo sinaktan ko ang sarili ko. Lalo ng malaman kong--"
Naputol ang sasabihin ni Ella ng tuloy tuloy na tumulo ang kanyang luha.
"Lalo ng malaman kong, ikinakasal ka pala kay Aimee. F--ck! Finyx parang dinurog ang puso ko ng makita sa mga larawan na nakangiti ka habang nakatitig sa mukha ni Aimee. Ang sakit! Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko para akong mababaliw sa kakaisip. Mismo pamilya ko hindi nila alam ang paghihirap ko noon. Kahit sa kaibigan ko hindi ko magawang mag kwento, kasi ayokong makita nila akong mahina. Kinimkim ko ang sakit! Hanggang ngayon dala-dala ko ang sakit na dinulot mo sa akin no'on. Why? Bakit mo ako sinaktan? Minahal kita. Ibinigay ko ang lahat, kahit sa maikli na panahon na nagkakilala tayo, totoong minahal kita Finyx. Ibinigay ko ng walang pag-aalinlangan ang sarili ko sa iyo Finyx, dahil buo ang tiwala ko sayo. Ipinagkatiwala ko sa'yo ang puso ko pero anong ginawa mo? Sinaktan mo lang ako. Anong ginawa ko para gawin mo sa akin iyon?" Patuloy ang pagbuhos ng luha ni Ella. Lumuwag ang pagkakahawak ni Finyx sa braso ni Ella.
BINABASA MO ANG
Chase Me Ella
RomanceElla is known as a brave and fierce woman. But despite her attitude, her heart is soft when it comes to the people her loves, especially her mother. Ella is afraid to fall in love even though many men like her, she wants to avoid entering into a rel...